2.12.08

Dahil lahat na ata nakapanood ng Twilight...

Parang bihira (o wala na talaga?) ang mga literaturang Filipino isinasapelikula. Senyales kaya ito ng limitado demogapiya ng mambabasa? Maaari kaya itong iugnay sa pangkalahatang pagpapahalaga ng Pilipino bilang mambabasa?

Tingin mo, stray?

image from http://www.viruscomix.com

J. Zafra on Geography and History

”High Street” doesn’t sound right next to the name of the leader of the Philippine Revolution, so I will call it “Bonifacio Heist”
image taken from http://www.pinoyblogosphere.com/wp-content/uploads/2008/02/sigawngbayan.jpg

29.11.08

Patungkol sa Kubeta, Bulbol, at Kamatayan (di-umano) ng Ideolohiya, Slavoj Zizek



Kontra-kritisismo sa palagay na patay na nga ang ideolohiya. Kung gayun nga, anu ang rason kung bakit ganun ang pag-flush ng ating mga kubeta? Bakit nag-aahit ng buhok sa kili-kili ang mga babae? At bakit ganun na lamang ang fasinasyon nating magbigay ng opinyon gamit ang blog?

Sabi nga ng isang nabasa ko, may big P at small p. Pero parang di naman nito nasaklaw ang lahat ng p. Na hindi lang naman pulitiko, o trivialisasyon ng kaganapang pulitikal ang pulitika. Na sa mismong pag-flush, pag-aahit ng buhok sa kili-kili at sa dako pa roon, at sa mismong pagdidiin ng posisyon at pag-aakalang may kalayaan lakip dito ay may kapangyarihan na ngang gumagalaw. Siguro ang tanung, kaninong kapangyarihan ito. Pero parang babagsak pa rin sa pragmatiko at klasikong diskurso kung "para kanino?"

28.11.08

Word for the Day:

Kyriarchy - a neologism coined by Elisabeth Schussler Fiorenza and derived from the Greek words for "lord" or "master" (kyrios) and "to rule or dominate" (archein) which seeks to redefine the analytic category of patriarchy in terms of multiplicative intersecting structures of domination...Kyriarchy is best theorized as a complex pyramidal system of intersecting multiplicative social structures of superordination and subordination, of ruling and oppression.
Nahugot mula dito, dahil sa kanya.

27.11.08

Thanksgiving


by Eli Roth

18.11.08

Are you reading this Kris?

the secret of the demagogue is to make herself as stupid as her audience so that they believe they are as clever as she is

~ Barbara Kruger, in protest for the dismantling of installation art displayed in the 5th Avenue windows fronting the CUNY graduate center.


15.11.08

Yari ako kay Eagleton*










You Scored as Postmodernist
Postmodernism (naririnig-rinig ko na si ma'am nela, are you sure of the capitalization?) is the belief in complete open interpretation. You see the universe as a collection of information with varying ways of putting it together. There is no absolute truth for you; even the most hardened facts are open to interpretation. Meaning relies on context and even the language you use to describe things should be subject to analysis.









Cultural Creative


75%






Postmodernist


75%






Existentialist


50%






Romanticist


50%






Modernist


25%






Fundamentalist


25%






Idealist


25%






Materialist


0%




Di ako sang-ayon sa resulta nito. Bukod sa tingin ko'y paradoxical na i-label ang sarili bilang post-modernist, hindi rin kasi talaga ako subscriber ng postmodernism sa pangkabuuan. Totoo, may ilang konspetong (sa pangambang maakusahan ng cherry picking) kaaya-aya at mapagpalaya tulad ng kotekstwalisasyon at desentralisasyon, ngunit nakalutang pa rin ito sa ere. Ang pagtangi na may katotohanan ay di nangangahulugang ng bukas na isipan. Tingin ko'y isang sintomas ito ng neoliberalismo kung saan ang lahat ng diskurso'y may pantay na bigat. Mas radikal nga lang pakinggan kung sa postmodernismo.

Anyway...

Tulad nga ng sa pop psych quizzes, umalagwa na naman ang fasinasyon ko sa self-diagnostics (nito lang ay nahihilig ako kay Lacan at Freud). Palagay ko'y signos ito ng kakulangan ko ng pansariling kamalayan. Maaari di ba? Pwede ring sabado ng hapon sa opisina at onting-onti na lang mamatay at nako sa buryong nang kunin ko itong pagsusulit. Isang posibilidad din yan.

Sa mga inggeterong katulad ko, nakuha ko ang pagsusulit na 'to dito, na una ko namang nakita sa kanya.

***

sorry, terry. peace na tayo ah.
terry: (*keber*)

pahabol: may sexual undertone ba yung imahe sa taas? o malisyoso lang ba talaga ako?

ang litrato ng isnaberong si terry eagleton ay mula sa http://www.crescentarts.org/wp-content/uploads/2007/02/terry-eagleton-btl-2006-a.jpg


hinggil sa rgep

tala: ang sumusunod ay komento ko sa UP's RGEP? Plain and Simple Idiocy (with apologies to idiots) ni jester-in-exile. Marapat lamang na basahin muna.

una, hindi ito (RGEP) redundant sapagkat, iba nga (sana) ang pagpapahalagang idinidiin. halimbawa, sa batayang kurso sa inggles nuong highschool, mas mabigat ang diin sa tamang pamamaraan ng pagsusulat. sa kom 1, (sana) mas binibigyang diin ang pagsusulat ng may kritikal na pagsusuri.

pangalawa, may mga GE subjects na hindi matatagpuan sa highschool o di kaya'y kulang ang pagpapakilala. hal. STS, walang ganitong subject nung highschool, kung meron mang kahalintulad, relatibong mas mababaw ang pagsusuring handog. hindi rin tampok sa sekondaryang edukasyon ang panlipunang siyensya/aralin. sa pagkakatanda ko, limitado lamang ang ibinabahagi sa ekonomiks at kasaysayan (pambansa, pandaigdig). maging ang humanidades ay limitado sa sa noli, fili etc. hindi pa pinapakilala samin nun si r. tolentino at i. cruz. ewan lang sa ibang highschool.

pangatlo, palagay ko'y kailangan ituro ang ilang batayang kurso tulad ng math at reading comprehension (hum 1 at 2?) dahil pre-rekisito ito sa mga abanteng subjects na may kahingian sa mga 'skills' na binibigay sa 'basic' courses. bihira ang nakakaintindi ng mas malalalim na konsepto ng hindi dumadaan sa mas simple ideya. eh bakit di pa ito binigay nung highschool? tingin ko'y, una dahil sa mas konserbatibo ang pangkalahatang oryentasyon ng sekondaryang edukasyon. pangalawa, maaaring ibinigay ngunit kulang nga ang diin at lalim na ibibigay dito.

bukod dito, hindi lahat ng pumapasa ng up may sapat na karunungan sa lahat ng basic subject. pero bakit sila pumapasa? di ba dapat itaas ang kaledad ng edukasyon sa unibesidad? sa pagkakaalam ko, hindi pa talaga 'screening' ang ginagamit ng unibersidad, kundi'y percentile ranking. ibig sabihin, halimbawa, ang isang nangangahas na maging political science major ay maaaring makapasok pa rin, kahit mahina sya sa math, basta mahatak ito ng iba pang salik sa upcat tulad ng reading comprehension. masasabing kahit palyado, kinikilala (malay man o hindi, palagay ko'y hindi) sa upcat na maraming dimensyon ang karunungan.

mas makabubuti siguro kung magbibigay ka ng mas ispesipikong listahan ng mga GE na tingin mo'y dapat matanggal. maganda rin ilakip ang ispesipikong rason kung bakit sila dapat tanggalin. sang-ayon ako pangkabuuang pagrerepaso ng REGP na iyong ipinapanukala, ngunit kelangan nating kilalanin ang magkakaibang konteksto't katangian ng bawat GE subjects.

natuwa rin pala ako sa pagbubukas mo ng historikal na pagsusuri. tingin ko'y magandang anggulo ito.

Of Feel Good Movies and Reality

Here's Sheila Coronel and Luz Rimban's tribute to their fallen comrade.

Farewell, Erin Brockovich

IT WAS hard to take Marlene Garcia-Esperat seriously. Each time she came to our office to report yet another corrupt government deal, she wore mini skirts, stiletto heels and tight dresses with low necklines that revealed more than concealed. Every visit from her was a sartorial shock. You could say she was a colorful person, as each time she came, her hair was dyed a different shade (her preferred hues were light brown and red) and her eye shadow was inspired by the rainbow. Once, she even came in fishnet stockings.

We liked to call her “Erin Brockovich” after the tireless, gusty and sexy movie (and real-life) heroine who made a giant utility company in the US pay for its misdeeds. Although Marlene did not quite look like Julia Roberts, she had the attitude and the fearless, in-your-face style of the filmic heroine. Once, she appeared on our doorstep wearing glitter in her eyes. “I want to look pretty when the assassins come to get me,” she said.

Continue reading here.

13.11.08

"How are we going to make this shit funny?!"

Comedians share the same question with John Stewart who acknowledged the Obama situation last wednesday, right after the results were announced .


Thankfully (?!), we don't share the problem here. For us Filipinos, there will always be a raul, a miriam and an erap.

That's carnivalesque for you!

image from http://politicaldemotivation.files.wordpress.com/2008/03/barack_subliminal.jpg

11.11.08

Kung ikaw si Dave McKean, mag-ingat ka pag-uwi mo

Nito lang ay nadownload ko ang buong Arkham Asylum, isang critically acclaimed graphic novel. Gusto ko sanang magkwento at gumawa ng rebyu tungkol sa nobela kung saan pinasilip ang kinahinatnan ng mga kaaway ng Dark Knight sa pinagkulungan sa kanila, ang Arkham Asylum (ang Mandaluyong ng Gotham), pero di pa talaga ako nakakalayo (mga page 5). Kaya wag muna.


Pansamantala, ito ang aking listahan ng mga nobelang (/gawang) filipino na nais kong maisalin sa porma ng graphic novel. Pindutin nyo na lamang ang mga larawan para lumaki. Tala: nirerekomendang patugtugin ang "Alaala ni Batman" habang binabasa (o tumitingin ng piktyurs).



1) mondo manila: kung paano ko inayos ang buhok ko matapos ang mahaba-haba ring paglalakbay ni Norman Wilwayco-- Ika nga nila, kung ang Brazil may Cidade de Deus, tayo may MondoManila. Kwento ni Tony De Guzman, ginago ng sistema, ginago ang sistema, sa kalauna'y naging parte ng sistema. Nanalo ng Palanca para sa pinakamahusay na nobela noong 2002. Ginawan ng spin-off na pelikula ni Khavn dela Cuz (na hanggang ngayun ay di ko alam pronounce ang pangalan).
Kasalukuyan naghahanap si Wilwayco ng magpopondo para maimprenta ang kanyang 2008 Palanca winner, Gerilya. Kung mayaman ka, magpresenta ka na para naman mabasa na namin 'to.

2) di lang anghel ni U.Z. Eliserio - Hindi tulad ng Good Omens. Tungkol sa mga mga anghel, demonyo, mga dating anghel, and everything in between (ika nga ng mga taga-Ortehgosh). Marami kang matutunan dito. Hal. anu ang paboritong manok ni Jesus? Bakit hinde magandang ideyang pangalanang "Christ"ang anak na babae (lalo na kung sosy ang pamilya nyo) (mali, sa "Suso" pala ito), at ang patungkol sa giyera. Parte daw ito ng seryeng sinimulan ng "Sa Mga Suso ng Liwanag." Nalibre ko lang ang librong ito kasama ang Sa Mga Suso... sa may pre-loved bookshop sa likod ng AS.
"Kuliti 2: Pagtatanggol sa Pag-ibig" ang pinakahuli nyang proyekto. [Patawad, wala akong mahanap na kopya ng cover sa internet. Kaya itong anghel na mukhang burlesk dancer na lang.]

3) Ali+Bang+Bang ni Roland Tolentino - Isa sa kauna-unahang kwentong nabasa ko. Bagama't hindi pasok sa kategorya ng isang nobela (korni ang kategorisasyon) kasama pa rin sa listahan ko. May pagka-magic realist ang dating (sa akin, eh malay ko ba sa labeling na yan). Back-to-back pa ito ng pitada ni Guieb. Interesante rin sigurong maisalin sa graphic na porma ang Palabok.

Tala: hindi lahat ng aswang masama. May mga taong nangaaswang din. [muli, walang imahe ng libro]


Anu, pakidnap na ba natin si Dave McKean? Ambagan na lang ha.

Dagdag: naglibot-libot ako sa deviant art. maraming mahuhusay na ilustrador, partikular yung klutosis. nakakatakot nga lang kasi parang may sakit syang nakakahawa dahil sa pinili nyang pangalan.

imahe mula sa: http://images.google.com.ph/imgres?imgurl=https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhzAKitRlT3xLC0tPicNYiW-7Agu5s1sx2PQkUz2y0jWM9G5bTrCM0FMMcSv1UzEtAGK98Oy9Xcu47uhnUYPwdRJzcJNeHYDZIV_iWm8P_NU3aRjI_XMbS_QJLuZ0HKXzz4pZG7/s400/vangogh.jpg&imgrefurl=http://tomztoyz.blogspot.com/2007/04/batman-in-art-history-funny-humor.html&h=320&w=400&sz=48&hl=tl&start=60&sig2=Xp10hpElryAHm5A2O87wmQ&um=1&usg=__UBiHJSkClmLvP-4bbGY4y1aPjds=&tbnid=cd6fnoJA6AGFAM:&tbnh=99&tbnw=124&ei=NAnvSNHXFpmQ6gP247zGBQ&prev=/images%3Fq%3Dbatman%2Bfunny%26start%3D40%26ndsp%3D20%26um%3D1%26hl%3Dtl%26client%3Dfirefox-a%26rls%3Dorg.mozilla:en-US:official%26sa%3DN
http://www.kamiasroad.com/mondoth.jpg
http://images.google.com.ph/imgres?imgurl=http://bp0.blogger.com/_cPczfwigsP4/R33C-girxWI/AAAAAAAAAdg/JyhnQPyJSAY/s400/alibangbang.jpg&imgrefurl=http://zchendevlemh.blogspot.com/2008/01/batibot.html&h=291&w=165&sz=8&hl=tl&start=46&sig2=lNKi2pnBVbkqRxvrFwimtA&um=1&usg=__xx_bSQjH5CNkI9dzJEEUQpB5QVU=&tbnid=-tno03U_UuM01M:&tbnh=115&tbnw=65&ei=ZjEZSfywC5Ge6gO3ubC9Dg&prev=/images%3Fq%3Dalibangbang%26start%3D40%26ndsp%3D20%26um%3D1%26hl%3Dtl%26client%3Dfirefox-a%26rls%3DoJustify Fullrg.mozilla:en-US:official%26sa%3DN

Chuck N Beware, B. Lee Returns From The Grave!



Tingin mo mr. c, si R. Zamora minus the bigote ba ini?

8.11.08

Freud Goes Pop!

Bakit kaya maraming nahuhumaling sa mga pop psych test? Sintomas kaya ito ng kakulangan ng kakayahang mag-introspection? Madali lang ba tayong mabaliw ng power? Paano tayo napapaniwala ng isang programa na ito nga tayo?

Ewan.



Freudian Inventory Results
Oral (46%) you appear to have a good balance of independence and interdependence knowing when to accept help and when to do things on your own.
Anal (40%) you appear to have a good balance of self control and spontaneity, order and chaos, variety and selectivity.
Phallic (33%) you appear to have negative issues regarding sexuality and/or have an uncertain sexual identity.
Latency (66%) you appear to be afraid or averse to present or future real world responsibilities, this will only make your inevitable transition more difficult, so learn to deal with the real world.
Genital (73%) you appear to have a progressive and openminded outlook on life unbeholden to regressive forces like traditional authority and convention.

Aminin mo, gusto mo ring kumuha ng test. Wag ka na mahiya. Click mo lang yung link sa baba.

mahiligakosakamotengkahoy.com



Saan ka dito?

May mas magandang (?!) bersyon nito. Yung Czar wedding cake.

imahe mula sa http://www.anti-capitalist.org/

Obama on South Park



No sacred cows for art paper cutters, Parker and Stone.

7.11.08

Papa JP: "Du'oh!"
[pindutin ang imahe para lumaki]

Mamimiss ka namin Dubya. Ang iyong quotable quotes. Ang iyong simplistic na paglutas sa problema. Kahit iyong ngiti, mamimiss namin.

Susulat ka ha.


Pindot dito para sa mas marami pang litrato ni Dubya.

imahe mula sa http://www.spiegel.de/fotostrecke/fotostrecke-36649.html

Taob ang Smurfs dito (pwera lang siguro si Smurfette)

Nanalo ng Golden Palms sa Cannes, ang animasyong ito ang banat ni Fyodor Khitruk, Rusong direktor , sa konsumerismo. Ito rin balak kong ipapanood sa mga magulang ng aking mga inaanak. (na hindi makakatanggap ng regalo sa darating na pasko dahil ayaw ko silang malulong sa ideya na ang pasko ay tungkol sa regalo. di ba?)

2 Videos

For The Diabetic



And Iron Deficient Anemic


I prefer Johnny Cash's version.

6.11.08

Sino ang mananalo kung magsapakan si Chuck Norris at Slajov Zizek?


Palagay ko si Chuck Norris.

***

Feeling ko ako si Annabelle Rama na nakadiskubre ng bagong ie-exploit na talent nung tinuro sakin ni Mr. C si Yason Banal. Maka-Zizek daw. Interesanteng tao (sa palagay ko, ewan lang masasabi ng nanay ko).

Click ka dito para sa link papunta sa blog nya.

image from http://natsukashi.files.wordpress.com/2008/05/silent_rage.jpg

p.s. nasira ko yung shoutmix ko't tinamad nako palitan.

5.11.08

You The Man!

No, you the man, Eman!

Wala lang.

Click ka na lang dito para matransport ka sa Super Obama World.

image from http://cache.daylife.com/imageserve/0b2weUZ9kc2Ki/610x.jpg

No Food, No Love, No Birth, No Death...

I suspect we're living in a stupid screensaver


sabi ng isang cartoon na nakita ko sa net.

31.10.08

32%



Ang Asch Conformity Experiment ay naglayong masukat ang antas ng pangangailangan nating kumomporme sa nakakarami. Sa eksperimento, ang suheto (subject) ay kukuha, kasama ng ibang tao, ng inaakala nyang simpleng vision test. Ano ang twist dito? Ang ibang kumukuha ng pagsusulit (liban sa suheto) ay kasabwat ni pareng Solomon Asch at binigyang instruksyon na piliin ang maling sagot. Lumabas sa experimento na 32 porsyento ng suheto ay pipili ng maling sagot kumporme sa sinagot ng kasamahan nya.

Ito ang halimbawa ng vision test sa Asch Conformity Experiment.

Pero mas mabangis pa rin ang Milgram Experiment.

29.10.08

in light of the coming us national elections

[full view? click the image]

Something to help Americaknows decide.

NOTE: Not by banksy. (but just as witty)

image from http://www.woostercollective.com/mrbrain1.jpg

am guilty of it.

not entirely.

[click image to enlarge]

(but guilty, nonetheless.)

For something different to listen to, here's lili chou's metaphors and chantuese sander's thieves by tuesday. WARNING: unfamiliarity straight ahead.

Now analyze this.



image from http://www.basicinstructions.net/

21.10.08

Coercion WIth A Smile


Taliwas sa madalas ipakita sa mga action movies at komiks, hindi laging nangangalit ang ugat sa leeg ng mga nanggagapi. Minsan, nakangiti sila habang ipinapaalam sa'yo na "malaya ka" (ngunit sa parametrong ganito, ganyan). Kumbaga sa kontrata, may fine print.





Coercion With A Smile

Within corporate culture and government agency PR, Orwellian “doublespeak” has become a common way of disguising coercion. Can a “benefit” be beneficial if it’s compulsory? Does an “incentive” do any good if it’s actually a threat?
Basahin ang buong artikulo.


image from http://www.bluebloggin.com/wp-content/uploads/2008/02/doublespeak.jpg

18.10.08

Flash Announcement!

Katutubo Festival
exhibit and concert
featuring performances by Joey Ayala, Lolita Carbon, et al...
Peace Bell (near Max's), Quezon City Circle
Admission is Free

image taken from http://www.opm.org.ph/registry/mugs/photo_60.jpg

17.10.08

The Economy of Libido

Economic curves do translate into our subconscious. Pettijohn and Jungeberg released a study stating a correlation between Playmates of the Year and the existing social and economic during their reign. According to the two,

Bilang pakiki-isa...

Ngayun, hanggang linggo, ang Global Stand Up Against Poverty. Ang akward nga lang na may sale din sa Megamall sa mga panahong ito.

Bagama't walang direktang pagbanggit, palaga'y ko'y may kinalaman pa rin ito sa tema. Di ba, Mr. C? Kaya bilang pakiki-isa, isang salin mula kay Soliman Santos.*

Mga apulitikal na intelektwal*

Isang araw
ang mga apulitikal
na intelektwal
ng aking bansa
ay uusigin
ng pinakapayak
sa mga mamamayan.

Tatanungin sila
kung ano ang ginawa nila
habang ang kanilang bansa’y naghihingalo
nang dahan-dahan,
tulad ng matamis na apoy
mumunti at nangungulila.

Walang magtatanong sa kanila
tungkol sa kanilang magagarang damit,
sa mahahaba nilang siyesta
matapos ang tanghalian,
walang magnanais makaalam
tungkol sa kanilang malinis na pakikitunggali
sa “ang ideya
ng wala”
walang makikialam tungkol
sa kanilang kalaamang pampinasiya.

Hindi sila tatanungin
tungkol sa mitolohiyang Griyego,
o tungkol sa kanilang pagkamuhi sa sarili
kapag ang isa sa kanila
ay nagsimulang mamatay
sa duwag na paraan.

Hindi sila tatangungin
tungkol sa kanilang absurdong
mga pagbibigay-katwiran,
isinilang sa anino
ng buong kasinungalingan.

Sa araw na iyon
darating ang simpleng mga tao.

Silang mga walang lugar
sa mga aklat at mga tula
ng apulitikal na mga intelektwal,
pero araw-araw na naghahatid
ng tinapay at gatas,
tortilya at itlog,
silang mga nagmamaneho ng kanilang kotse,
silang nag-alaga ng kanilang aso’t mga hardin
at nagtrabaho para sa kanila,
at itatanong nila:

“Ano ang inyong ginawa nang ang mga dukha
ay nagdusa, nang ang pagkalinga
at buhay
ay tumakas mula sa kanila?”

Apulitikal na mga intelektwal
ng mahal kong bansa,
hindi kayo makasasagot.

Isang buwitre ng katahimikan
ang sasakmal sa inyong bituka.

Ang sarili ninyong kalungkutan
ay uuk-ok sa inyong kaluluwa.

At mapipipi kayo sa inyong kahihiyan

Si Soliman Santos ay makatang taga-Bulacan. Ilan sa mga katha nya'y makikita sa Likhaan, at ilang publikasyon ng Ibon. Nagsusulat din sya para sa Pinoy Weekly.

Si Otto Rene Castillo ay makatang Guatemalan at naging taga-pangulo sa Propaganda at Edukasyon ng Rebel Armed Forces.

kinuha ang larawan sa http://www.marxists.org/subject/art/literature/castillo/photo/castillo1.gif

15.10.08

Corporate Social Responsibility, at ang Tolerable Other

Ayon sa stereotype, ang mga businessman di umano'y mga nilalang na ang tanging hangad sa buhay ay mapalaki ang kanilang kita. Pinostura sila bilang cold-blooded na nilalang, walang pakialam sa ibang bagay liban kung ikakaunlad ng kumpanyang kinabibilangan o pag-aari. Ang ganitong pagtingin ang unti-unti umanong nilulusaw sa pagpapakilala ng corporate social responsibility functions ng kumpanya. Ang animo'y makina na executive ay binigyang humanidad. At sa gayu'y, binigyan ng 'human face' ang kapital.

Noong 2003 inilunsad ng League of Corporate Foundations, samahan ng mga korporasyong may CSR function, ang kampanyang 'Ka-Partner Ka.' Nakatuon ang inisyatiba sa pagpapatibay ng multisektoral na pagtutulungan tungo sa pag-unlad. Sumunod na taon namang inilunsad ang 'May Bukas Ka, Bata,' na edukasyon naman ang primaryang binibigyan diin. Papatunayan pa ang pag-unlad noong 2005 kung kailan ginanap ang isang CSR Expo na may temang 'Beyond Giving: Business Solutions To Social Problems.' at 'CSR Expo 2006: Let's Take CSR to Heart.' Ani Roberto Calingo, tagapangulo ng LCF at presidente ng Ayala Foundation Inc.,“This is the year when CSR goes mainstream in the Philippines as corporations, small and large enterprises, NGOs, and all sectors realize that partnering and collective action is the only way to get things done.”

Mula sa simpleng mala-pilantropong pagbibigay, umunlad na nga ang praktika ng CSR tungo sa mga progrmang sinasabing "sustainable." Halimbawa nito'y ang Alitaptap Cooperative ng mga Ayala sa may Balara, at ang pamimigay ng computer units sa mga paaralan ng PLDT. Bukod pa syempre ang popular na inisyatiba ng Gawad Kalinga.

Sa simplistikong pagsusuri'y nakakatuwa ang mga progrmang CSR ng iba't-ibang kumpanya. Animo'y feel good movie na kahit sino pwedeng magbago ng sistema gaano man kaliit, o kaya nama'y ang ripple effect ng isang mabuting gawain na mala-pay it forward ang drama.

Ngunit ano nga ba ang motibasyon ng mga kumpanya para sumuong sa isang kampanyang CSR? Ayon sa isang suri nina Sarah Raymundo at Bogart Jaime, "The discourse of corporate social responsibility is a conjunctural shift and not a permanent "change of heart" among monopoly capitalists." Ani pa nila, isa lamang ito sa istratehiya ng kapangyarihan para "ma-contain" ang sariling likhang krisis ng kapitalistang sistema. Hindi ba kakatwang bigyang pasasalamat, papuri at pagkilala ang mga institusyon at taong nagdala, mintina, at kumakatawan sa sistemang lumilikha ng kahirapan. Na kung tutuusin ay kaipokrituhan dahil ang sinusolusyunan ay ang epekto ng pananamantala (na ka-uri rin nila o sila mismo ang promotor) sa tunay na manlilikha ng yaman. At ang perang ginagamit sa mga programa ay mula rin naman sa pagsasamantalang yun.

Hindi na rin nakakagulat na maraming intelektwal at peti-burgesya ang na-eengganyo sa ganitong pamamaraan. Dahil hitik sa neoliberal at romantikong nosyon ng pagbabago, natural lamang na lapitan ng subscribers sa neoliberal na ideolohiyang. Sa pagpopormula ng pamamaraan ng pagbago, tinatanggi, malay man o hindi (pero mas malamang ay malay) ng mga kumpanya ang mas komprehensibo at tunay na rebolusyunaryong praktika. Ang mga pamamaraan kikilalanin ay yaong sang-ayon lamang sa 'reproduksyon ng kondiskyon sa produksyon.' Sa gayu'y pinoposisyon ang kahirapan bilang tolerable Other. Na para bang wala silang kinalaman sa kondisyon ng 'tinutulungan' nila.

Dahil nga sa malabnaw na pagsusuri (at gayu'y pamamaraan ng pagtugon) mas kaaya-aya sa burgesya (na relatibong mas kumportable ang posisyon sa neoliberal na kaayusan kumpara sa mahihirap) ang isyung panlipunan. Prinoject sa kanila ang ego-ideal ("pagtingin ng sarili sa sarili para maging kaaya-aya sa sarili," ayon kay Raymundo at Jaime) na 'kasama ka sa pagbabago ng mukha ng kahirapan,' at kung gayu'y wala kang kinalaman sa kung bakit sila naghihirap. Madalas sa hindi, kasinungalingan ang ego ideal. Konti lang ang gustong maging kontra-bida, umamin pa kaya. Masasabing, sa pangkalahatan ay di malay ang mga subscriber, dahil na rin siguro sa pinatabang ego na humahadlang sa sistematiko't tunay na historikal na pagsusuri.

*****



Corporate Social Responsibility is the New Benevolent Assimilation. Same shit, purportedly different asshole.

14.10.08

Hindi pa huli ang lahat!

Anu ang pwede mong gawin? Gusto mong malaman?
click ka dito!

at kung sa tingin mo eh ubod ng bangis ang button sa kaliwa (at may pagka-inggetero ka), click ka dito.

Tandaan mo, hindi pa huli ang lahat.

11.10.08

Harry And Paul, Etnosentrismo't Krisis sa Representasyon

Noong bata pa lang ako'y inaabangan ko na talaga ang pagpatak ng Disyembro. Mano'y sa buwan na ito umuulan ng balikbayan box mula sa mga kamag-anak sa ibang bansa, partikular ang tiyahin kong sa Saudi nagtratrabaho. Laman ang mga tsokolate't laruan (ito ang pinaka-importante sakin nuon) atbp, hindi muna bubuksan ang kahon hangga't hindi kumpleto ang pamilya. Hindi pa "mga bagong bayani" ang tawag sa kanila, OFW pa lamang sila nuon.

Nito lang ay sumabog ang isyu hinggil sa racist na representasyon sa mga Filipinang OFW sa Harry And Baul ng BBC. At tulad nga ng ating reaksyon sa kahalintulad na insidente sa programang Desperate Housewives ng ABC, maraming nagalit at nagpahayag ng pagkainis. Ani pa nga ni representante Riza Hontiveros, ang palabas ay nagpakita ng "racist, humiliating and disgusting depiction of a Filipina domestic worker"

Kagalit-galit naman talaga ang eksena. Sa paglalarawan ng Harry and Paul show, animo'y ganito nga ang karaniwang Filipina domestic helper - uto-uto, kahit ano ipag-utos (kahit sekswal ang katangian) gagawin. Totoo ba ito? Malinaw na "hindi" ang agarang sagot ng marami.

Ngunit ang pagbubuo ng stereotype ay may pinagmumulan. Hindi ito isang biglaang penomena na tatatak kaagad sa kolektibong kamalayan ng isang organisasyon o bansa. Ito ay unti-unting pinagpupursigihan, bagama't hindi malay, upang maging dominanteng representasyon ng isang indibidwal o grupo. Kung gayu'y saan galing ang stereotype na ipinakita sa Harry and Paul? At ano ang dapat depiksyon ng isang Filipina?

Hindi kaila na ang sex industry ang isa sa posibleng pasukin ng isang OFW. Marami na rin namang expose hinggil sa mga OFW na domestic helper ang pinasukan, sex worker ang kinahantungan. Mayroon din namang "kusang loob" na pinili ang ganitong propesyon.

Kung babalikan ang dahilan ng kanilang pag-alis sa bansa, isa lang ang makikita ugat - kita. Kakulangan (sa iba'y kawalan) ng opurtunidad, mababang pasahod, o kung susumahin, kahirapan ang nagtutulak sa mga Filipino/a na lumabas ng bansa. Lahat ito sa kabila ng panganib na mapunta sa malupit na employer, pandarambong ng recruiter, at para sa mga sex workers, posibilidad na makakuha ng sakit. Bukod pa sa ibang bagay.

Hindi lang pamilya ng mga OFW ang "nabibiyayaan" ng dolyares. Maging ang gobyerno'y umaasa rin sa kanilang remittances. At para naman maibsan, sa cosmetic/simboliko na paraan, dineklara silang bagong bayani. Ginawan pa sila ng ispesyal na seksyon sa NAIA. At syempre ang kantang "bagong bayani" ni Nora. Lahat ito para maiparamdam sa kanilang espesyal nga sila, na malaking bagay ang ginagawa nila. Na totoo naman.

Kung kaya naman romantisado na ang nosyon sa isang OFW. Sa paglalarawan sa kanila bilang tagapagsalba ng bansa ay nai-interpelang "kampi tayo dahil kayo ang aming hero." Na sa totoo lang ay hindi. Hindi tayo magkakampi. Paano magiging magkakampi ang isang Filipinang pumasok sa prostitusyon para makaraos sa kahirapan, at ang sistema, kasama na ang mga ahenteng nito, na lumikha ng sitwasyon nya?

Ang poblema natatabunan ang kotradiksyung ito ng isang makitid na nasyonalistang pananaw na makikitaan ng tendensiya ng nativism. Importante ito para mamintina ang imahinaryong alyansa ng sistema at ng OFW. Ipagtatanggol ng sistema ang OFW, mula sa illegal recruiter (sana), marahas na employer (isa pang sana), at maninira ng dangal. Bagama't kabalintunaan, ang huli ang pinaka-popular at pangkaraniwang paraan ng sistema.

Babalik tayo sa tanung, anu nga ba ang dapat depiksyon sa Filipina? Mula sa pahayag ni Hontiveros, kabaligtaran ng pinakita sa Harry and Paul. Ngunit ito nga ba ang Filipinang OFW? Ang Filipinang OFW na nais ipostura ay yaong may dangal at hindi kahiya-hiya. Hindi ba nahihiya ang isang dating guro na nagtuturo sa halaga ng buong pamilya nang pagpasyahan nyang umalis ng bansa? O sa usapin ng mga sex workers, hindi ba sila nahihiya sa sarili at sa uuwian nila? May kahihiyan na magaganap dahil ang sistemang nagtulak sa kanilang pasukin ang ganung propesyon ang mismong nagpapataw ng moral na pamantayang kumukundina sa kanila.

Ang ating kolektibong ego-ideal sa mga OFW ay yaong marangal, di dapat tatakan ng negatibong stereotype, ani nga ni Hontiveros. Bakit? Meron na bang memo mula sa langit na nagsasabing ang mga Filipino, partikular ang Filipina OFW ay marangal na lahi, lahat sila pwedeng magmadre't pari. Wag nyo silang ilarawan o tingnan man lang sa bastos na paraan. Marangal silang nagpapa-alipin sa inyo." Ang ganitong conviction, na parang bang "above worldly ventures" ang mga Filipino OFW ay ethnocentric. Binubusog tayo sa imaheng malinamnam, ngunit wala namang sustansya. Kailangan nating makilala ang totoong posisyon ipinataw satin - serbedora/o ng mayayamang bansa. Mula dito'y magsasanga ang mga tanong hanggang sa makarating sa "sino at/o ano ang may kagagawan?"

Sa pagtalikod sa "nakakahiyang" katotohanan, lubusa tayong nagpapailalim.

P.S. Ani Edgardo Ermita hinggil sa isyu, "Some jokes are downright disgusting."

Edgardo, (if i may call you Edgardo,) totoong may nagutom na sa downright disgusting na joke (sa kaso ng mga naging anorexic) pero dahil sa downright disgusting na sistema may nagpakamatay na.

Welcome to Banksy's Village Pet Store And Charcoal Frille



“New Yorkers don’t care about art, they care about pets. So I’m exhibiting them instead. I wanted to make art that questioned our relationship with animals and the ethics and sustainability of factory farming, but it ended up as chicken nuggets singing. I took all the money I made exploiting an animal in my last show and used it to fund a new show about the exploitation of animals. If its art and you can see it from the street, I guess it could still be considered street art."
~ Banksy
Again, another genius critique of our twisted sense of appreciation. The shop opened last Oct 5. (World Teacher's Day ito, stray) and will run until Halloween. This is the first time Banksy used animatronics. Maybe Star City could invite the englishman over. Tingin nyo?

10.10.08

Punk Is Really Dead!

Mr Rotten right here sold his soul to the establishment.


But hey, what could be more punk that anti-punk?

Araling Pang-Komunikasyon, Kritika at Pagsusuri ni John Fiske*

Sa ‘Introduction to Communication Studies,’ pinangunahan ni John Fiske ang mambabasa na walang isang katangiann o lapat ang Araling Pang-komunikasyon (communication studies). Ayon sa kanya ang komunikasyon ay “diverse at multi-faceted”. Dagdag pa niya, hindi dapat ito ituring na “subject of study,” bagkus, isang “multi-disciplinary area of study.” Dahil na rin sa debate hinggil sa dapat na katangian ng pag-aaral sa komunikasyon, naglatag si Fiske ng kanyang mga palagay/asersyon:

1) kailangan ng ilang disciplinary approach para sa mas komprehensibong pag-aaral sa komunikasyon,

2) nangangailangan ng mga signos at koda ang komunikasyon,

3) gawi (practice) ng relasyong panlipunan (social relationships) ang pagpapadala at/o pagtanggap ng mga signos/simbolo/komunikasyon,

4) ang komunkiasyon ay “sentral sa buhay ng kultura.” Dahil dito ang pag-aaral ng komunikasyon ay nangangailangan ng pag-aaral sa kultura kung saan ito nakapaloob, at

5) ang pangkalahatang depinisyon ni Fiske sa komunikasyon ay “social interaction through messages”.

Kapansin-pansin ang ugnayan ng mga palagay na inilatag ni Fiske sa isa sa dalawang paaralan (school) sa pag-aaral ng komunikasyon, ang semiotika.

Ayon kay Fiske may dalawang paaralan sa pag-aaral ng komunikasyon, ang tinatawag niyang process school at ang semiotika. Magkaibang-magkaiba ang perspektiba ng dalawang paaralan hinggil sa komunikasyon.

Ang process school ay tinitingnan ang komunikasyon bilang proseso kung saan naapektuhan ng tagapagpadala ng mensahe ang ugali o di kaya’y kamalayan ng tumanggap. Base sa balangkas na ito, ang primaryang pinag-aaralan ng paaralang ito ay ang epekto at accuracy ng komunikasyon. Ayon pa kay Fiske, para sa taga-process school, ang mensahe ay pinapadala sa proseso ng komunikasyon. Dagdag pa niyang sa process school, “The message is what the sender puts into it by whatever means.

Nakikita nitong ang proseso ng komunikasyon ang magpapasya sa ika-tatagumpay ng komunikasyon. Ayon pa kay Fiske, tinitingnan nito ang pagpapaunlad sa proseso bilang papapataas ng panlipunang kontrol (social control). Ang katangian at pagpapahalagang ito ang di-umano’y dahilan sa pagkahumaling ng karamihan sa mga konsepto at teorya ng process school. Idinagdag pa ni Fiske, ito daw ang punto de bista ng isang advertising executive.

Ang semiotika nama’y tinitingnan ang komunikasyon bilang “produksyon at palitan ng kahulugan.” Pinag-aaralan nito ang interaksyon sa pagitan ng teksto (mensahe) at ng tatanggap nito para makabuo ng kahulugan. Tinitingnan nito ang “pangkultura (cultural) at/o panlipunang (social) pagkakaiba” ng tatanggap bilang mapagpasya aspeto sa kahulugang mabubuo. Hindi nito tinitingnan kung gaano ka-epektibo ang komunikasyon, bagkus, mas pinahahalagahan nito ang “pamamaraan ng pagbasa” dito.

Para sa mag-aaral ng semiotika, ang kahulugan ng mga teksto ay mabubuo sa interaksyon ng tumanggap nito at ng teksto mismo. Ito ang sinabi niya hinggil dito:

The message … (is) an element in a structured relationship whose other elements include external reality and the producer/ reader.

Ibig sabihin, sa panlipunan at ideolohikal na posisyon ng tumatanggap ng mensahe nakabatay ang pagpapakahulugang gagawin niya sa mensahe. Mula sa pahayag na ito ay mababanaag ang kahalagahan ng pagbasa ng posisyon ng nagpadala at tumanggap ng mensahe.

Maaaring suriin ang katangian ng mga theory-oriented na kurso base sa dalawang paaralang binanggit ni Fiske. Gamit ang pangkalahatang balangkas ng dalawang eskwelahan, maaaring suriin kung ano bang paaralan ang dominante sa mga theory-oriented na kurso. Mula dito, babasahin natin ang posibleng impluwensya nito sa pelikula ginawa ng mga estudyanteng dumaan sa mga kursong ito.

Walang nirerekomendang wastong paaralan si Fiske, bagama’t may pahayag siyang ganito:

It is not my intention to suggest that there is a right and wrong way… But there are ways that are more or less fruitful.

Ayon sa kanya, ang semiotika ang “mas nakakatugon” sa mga tanong hinggil sa komunikasyon dahil na rin sa ipinapaliwanag nito ang mga penomena ng pang-araw-araw. Ngunit aminado pa rin si Fiske na may kakulangan ang ganitong giya. Ang kakulangang ito naman ang pinupunan ng process school. Nirekomenda pa rin niyang pagaralan ang dalawang paaralan.

Si John Fiske ay propesor ng Komunikasyon sa University of Wisconsin-Madison. Sya rin ang awtor ng The Jeaning of America, sanaysay hinggil sa maong bilang sityo ng tunggaliang kultural.

*para sa mga guro sa aking dating kolehiyo, at sa mga estudyante ng komunikasyon na buryong na buryong na sa objective type na exam sa mga klaseng pan-teorya.

imahe mula sa http://www.mediate.com/Fiske/images/fiskesm.jpg

Pelikula't Akademya: Praxis

Sa sanaysay na ‘Pelikula bilang Mapagpalayang Sining’ sa librong ‘Writing the Nation/ Pag-akda ng Bansa,’ iginiit ni Prop. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining at kilalang manunuri ng kulturang Pilipino, ang pulitikal na katangian ng pelikula. Aniya, mapagpasya ang namumuhunan pagdating sa kalalabasan ng pelikula. Dagdag pa niya, ang mga pagpapahalagang nakaukit sa pelikula, “kundi man tuwirang nanggagaling sa prodyuser, ay may pahintulot nito.”

Ang pagpapahalagang inukit o pinahihintulutang iukit sa pelikula ay yaong pabor sa interes ng namumuhunan. Samakatuwid, hindi sa pagpapalaya o di kaya’y pagpapaunlad ng kamalayang panlipunan ang diin ng pelikula. Bagkus, ito ay nakatuon sa kita, o kung tataluntunin ang balangkas ni Louis Althusser, Marxistang Pranses, sa ‘reproduksyon ng kondisyon sa produksyon.’ Ibig sabihin, ang mga pagpapahalaga at ideya sa mga pelikula ay nagpapanatili sa namamayaning kaayusan.

Sa kabila ng ganitong oryentasyon ng industriya ng pelikula, may binabanggit si Lumbera na pelikulang mapagpalaya. Aniya, mapagpalaya ang pelikula kung ito ay nagsisilbing daluyan ng mga mapagpalayang ideya, kundi man ay bumabalikwas sa namamayaning kaayusan sa lipunan. Halimbawa na lamang ang ‘Maynila sa mga Kuko ng Liwanag’ (direksyon ni Lino Brocka) na nagpapakita sa tunay na kalagayan ng Maynila sa panahong ipinagpipilitan ng dating Unang Ginang Imelda Marcos na ‘the true, the good and the beautiful’ lamang ang dapat lamnin ng mga pelikulang Pilipino. Kaiba sa mga pelikulang nais magpamanhid sa panlipunang kamalayan ng mga manonood nito, naglalayong magmulat sa mga panlipunang diskurso ang mga mapagpalayang pelikula.

Malayu-layo na rin ang narating ng ganitong uri ng pelikula, ayon kay Lumbera. Sa ‘Philippine Cinema: A Brief History’ indirekta niyang tinukoy ang akademya bilang pangunahing tagapag-ambag sa pag-unlad nito. Aniya, hindi pa sa teknikal na aspeto ng paggawa ng pelikula mababanaag ang ambag ng akademya sa industriya ng pelikula. Ang pangunahing impluwensya umano ng akademya sa larangan ng pelikula ay sa ‘pagpapaangat ng kakanyahan… sa paggawa at pagsusuri ng pelikula.’ Naisasakatuparan ito sa pagbabahagi ng akademya ng mga ‘pamantayang magagamit sa pamimili o di-kaya’y paggawa ng mahusay o kapaki-pakinabang na panoorin.’

Kinikilala at sinasandigan ng pag-aaral ang pahayag ni Lumbera hinggil sa halaga ng akademya sa industriya ng pelikula. Ang akademya, partikular ang Unibersidad ng Pilipinas, ang isa sa posibleng lunsaran ng mga konsepto at ideyang mapagpalaya dahil na rin sa hindi pa ito gaanong natatali sa layaw ng mga namumuhunan. Malaya itong nakapaglulunsad ng mga aktibidad at proyekto ng hindi nililimitahan ng layaw ng nagmamay-ari ng Unibersidad dahil walang indibidwal o grupo na nagmamay-ari dito. Samakatuwid hindi ito natatali sa interes ng iilan.

Ibig sabihin nito’y may kalayaan ang mga estudyante na gawin ang nais nilang pelikula nang hindi dinidiktahan ng nais ng mamumuhunan. Kung gayun, ‘malaya’ ang estudyante na magpasok ng mga pagpapahalaga at ideyang tumutunggali sa namamayaning kaayusan. Sa kabila ng ‘kalayaang’ gumawa ng nais na pelikula, ang limitasyon sa pinansya ang isa sa pangunahing problemang kinakaharap ng mga pelikulang hindi tumatanggap ng pondo mula sa malalaking mamumuhunan. Sa kabila ng limitasyong nabanggit, naipamalas ng UP Baguio ang kakanyahan ng mga estudyante nitong maglunsad ng independent film festival. Katunayan na nilahukan ng mga estudyante mula sa Departamento ng Komunikasyon, Kolehiyo ng Sining at Komunikasyon.

Naaayon naman ang ganitong paggawa ng pelikula sa oryentasyon ng UP bilang isang institusyong pang-edukasyon na ayon kina Maria Luisa Doronilla at Ledivina Cariño, pangkalahatang patnugot ng ‘The Meaning of UP Education,’ ay tungo sa pagsisilbi sa sambayanang Pilipino. Ang ‘The Meaning of UP Education’ ay pag-aaral hinggil sa bisa (impact) ng edukasyon ng Unibersidad.

Ayon kina Doronilla, ang edukasyon ay “nagbibigay diin sa ilang partikular na aspeto ng reyalidad.” May di-pagbabanggit (non-utterance) na nagaganap dahil hindi posibleng masaklaw ang pangkalahatang “reyalidad.” Samakatuwid, nahuhubog ang nosyon ng estudyante sa reyalidad batay sa binibigyang diin na aspeto nito. Halimbawa, kung ang binibigyang diin na teorya hinggil sa komunikasyon ay yaong tinitingnan ito bilang proseso malamang ito ang tatatak sa isipan ng mag-aaral nito. Sa pagbibigay diin at pagsasantabi ay masasalat ang linyadoing katangian ng edukasyon.

Bukod sa pagbibigay diin/pagsasantabi, malaki rin daw ang ambag ng edukasyon sa pagbasa ng estudyante sa reyalidad. Kaugnay ng asersyon nina Doronilla ang depinisyon ni Althusser ng ideolohiya. Aniya, ang ideolohiya ay “representasyon ng likhang isip (imaginary) na relasyon ng indibidwal sa kaniyang materyal na kundisyon, relasyon sa produksyon at relasyong pang-uri (class relations). Bukod dito, ang ideolohiya ay may materyal na manipestasyon, samakatuwid, materyalidad. Ayon pa kay Althusser, maaaring basahin ang ideolohiya ng isang suheto sa pamamagitan ng pagsusuri sa materyalidad ng kanyang ideolohiya.

Tulad ni Althusser, pinapasinungalingan din ng mga pahayag ni Doronilla ang nosyon na ang akademya, lalo na ang UP, bilang institusyong walang pinapanigan. Malaki ang papel nito sa paghubog ng kamalayan ng indibidwal na napapaloob dito. Makapangyarihan ang edukasyon dahil sa kakayahan nitong humubog ng indibidwal na maaari maging ahente ng transpormasyong panlipunan o pagpapanatili ng kaayusan nito.

Lumabas din sa pangkalahatang ebalwasyon ng mga roundtable discussions (RD) sa ‘The Meaning of UP Education’ ang tensyon sa pagitan ng mga kurso na theory-oriented at kurso na application oriente. Ang una ay tumutukoy sa mga kursong may diin sa teoretikal o batayang konsepto ng disiplinang kinabibilangan, samantalang pagpapaunlad ng kakayahan at aplikasyon ng teorya naman ang diin ng huli.

Nagkaisa ang iba’t-ibang kolehiyo, maging ang UP Integrated School sa UP Diliman, na kasama sa pag-aaral na importante ang teoretikal na pundasyon, kung kaya’t kailangan ng diin dito. Sa kabila nito, kailangan din na tugunan ang mga kasanayan na hinihingi sa merkado.

Ayon kay Doronilla importante ang praxis dahil na rin sa posisyon ng Unibersidad sa lipunan. Ganito pinahalagahan ni Doronilla ang praxis:

Research and extension service, when closely linked with curriculum and instruction, are important to this process of integration: the former to link theory-building in the disciplines to the empirical local situations; the latter to use theoretical knowledge to understandand and contribute to the improvement of local conditions.

Idiniin din ni Murray Bartlett, unang presidente ng UP ang halaga ng praxis. Ayon sa kanya, “Research without application is expensive luxury, but application without research is folly…” Sa madaling salita, walang saysay ang teorya kung hindi ito maisasapraktika, at wala ring saysay ang praktika kung hindi ito ginagabayan ng akmang teorya.

Ipinanukala din sa pag-aaral ang pangangailangan sa regular na pagpuna sa kurikula upang ma-iakma sa pangangailangan ng panahon. Nagpasa naman ng rekomendasyon ang ilang kolehiyong kasama sa pag-aaral na isama ang mga isyung panlipunan sa mga kurso, para naman tugunan ang nakitang pagbaba sa antas ng kamalayang panlipunan sa mga estudyante ng Unibersidad.

Importante ang regular na ebalwasyon, lalo na sa edukasyon na isa sa pangunahing sektor ng lipunan. Napapanahon na rin upang siyasatin ang epekto ng edukasyong natatanggap mula sa Departamento ng Komunikasyon dahil na rin sa ambag nito sa larangan ng Komunikasyon, lalo na at isa ito sa bukal ng mga posibleng mamamahayag, manunulat at manlilikha ng pelikula.

8.10.08

Lagot ka(yo) kay Chuck!

Kahapon nawala ang telepono ni D. Ang hula nya (na hula ko rin) ay nadukot ito sa MRT. Wala na rin namang magagawa. Hindi naman sya naglupasay sa lungkot. Luma na rin kasi yung telepono, lagpas isang taon na. Matagal na yun sa track record ni D pagdating sa pag-aari ng telepono. Isang taon kasi minimum, pagkatapos nun, mawawala, mananakaw, o masisira. Atsaka, alangan namang i-pa-manuhunt pa namin yung magnanakaw, di ba?
or baka nga naman pwede.

p.s. sa nagnakaw ng telepono ni D, sana di ka na muling makaranas ng orgasm.
p.p.s. sa mga lumilikha ng kondisyung lumilikha ng ma magnanakaw, sana magsara ang butas nyo sa puwet. bukod sa iba pang mga bagay.


imahe mula sa http://images.google.com.ph/imgres?imgurl=https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj_KwuVB2q2hykosfQ0AK0j8ayHso0IeTptxkd3mMj_Od7zCPWw1oFPoyGKc6_jZIGYHAjbq_-QJtzKf_qCkw6H27k4UujaLt1V2c0ZJnCKKwWa4Z1oOCjkJiPCNOdWxpWBBtAp/s400/chuck_norris.jpg&imgrefurl=http://cpjmf.blogspot.com/2008/01/chuck-norris-facts.html&h=379&w=329&sz=70&hl=tl&start=6&sig2=Wc9W2vCd1Azh9WLWmUSDFA&um=1&usg=__8bjBFMe1BbdtmET_OD5QY-PfSqs=&tbnid=ATvPe_70gx6yqM:&tbnh=123&tbnw=107&ei=gGfsSNiZGZn86QPxprnzCw&prev=/images%3Fq%3Dchuck%2Bnorris%26um%3D1%26hl%3Dtl%26client%3Dfirefox-a%26rls%3Dorg.mozilla:en-US:official%26sa%3DN

In relation...

to Mr Cimatu's long overdue query.

[dare to enlarge? clickit! now!]
image taken from http://www.neatorama.com/2008/10/06/grammar-rules-for-authors/

4.10.08

Malnourished


What feeds me destroys me
~Christopher Marlowe

photo taken from http://www.whokilledbambi.co.uk/?p=1316

Mal-edukado

"How can the oppressed, as divided unauthentic beings, participate in the pedagogy of their liberation? As long as they live in the duality in which to be is to to be like, and to be like is to be like the oppressor, this contribution is impossible."

"Paanu magagawa ng pinagsasamantalahan, bilang hindi nagkakaisang nilalang na magkakatulad, na makianib sa pedahoya ng kanilang liberasyon? Hangga't nabubuhay sila sa dualidad kung saan ang maging ay maging katulad, at ang maging katulad ay maging katulad ng nanamantala, imposible ang kontribusyong ito."
~ Paulo Freire, Pedagogy of the Oppressed

Naalala ko ang tesis ko nang mabasa ko ang pinakabagong post ni Prop. Arao. Palagay ko'y pareho (kundi ma'y magkahawig) ang aming paniniwala hinggil sa kalagayan ng edukasyon ngayun, at ang dapat tinatahak nito.

Naalala ko rin si Ivan Illich, Austrianong pilisopo at barkada ni Freire. Aniya, ang institusyunalisasyon ng edukasyon ay patungo sa institusyunalisasyon ng lipunan. At ang deschooling ng edukasyon (hindi pa talaga ng akademya) ang magbubukas sa de-institusyunalisasyon ng lipunan. Sa ilang punto'y sang-ayon ako kay Illich. Nga lang, palagay ko, bagama't mabalasik ang papel na edukasyon sa pagmimintina ng kaayusan, marami pa ring ibang sagka na hindi maaring isantabi (partikular ang midya). Hindi lang ito matatapos sa pagbabago sa sistema ng edukasyon, bagkus ay kelangan tumawid pa.

Pero sabi nga ng isang kaibigan, "Kailangan magsimula."

* para kay stray, guro.

3.10.08

Crack is the new Cake

Here's Banky's strike on wall street's brand of apathy. Did i hear someone type, "off with their heads."
Everytime i see a banksy art i wonder if a similar breed of artists thrive here in the Philippines. I've seen several urban protest art in the Diliman area, sadly none of them is at par with the notorius englishman's wit. Although there's this painting of an old man with the coke logo about to pierce his heart. Can't remember the title.

image taken from: http://theworldsbestever.com/blog/wp-content/uploads/2008/10/banksy-wall-street-rat.jpg

2.10.08

For Everything Else...


Treatment for cuts and bruises: Hell, who cares!

Look on Gloring's face: priceless


For everything else, ...

30.9.08

Balangiga 101 (courtesy of The Radioactive Sago Project)

Sabi nga nila, ang kasaysayang nasusulat sa aklat ay kasaysayan ng dominanteng uri (wala pa kasi si Constantino at Guerrero nang sinabi ito). Kaya naman masasabing di matatawaran ang ambag ng mga medya tulad ng internet, pati na rin ng mga alternatibong grupo tulad ng Ibon at PW.

Kaya eto, para sa ika-107 taon ng sinasabing "balangiga massacre," isang alternatibong pagtingin.

Ballad of Balangiga
Radioactive Sago Project
Lourd De Veyra / Francis De Veyra

Noong September 27, 1901
Dahil sa treaty of paris
Kung saan binenta tayo
ng mga shet conio de puta
Sa mga kano,
At mula noon ay naging kakambal
Na natin ang malas dahil palagi na lang
Tayong damay sa mga away ni Amboy,
Lumusob ang mga anak ni Ankol Sam
At nanunog, nang-rape, namaril,
Nang-torture, nagnakaw sa buong bayan.


Lalong lalo na sa isla ng Samar,
Dumating ang mga ‘kano sa bayan ng Balangiga.
So isang gabi, ang mga magigiting na mamayan
Ng Balangiga ay nagplano:
Ihawin na natin ang Amerikano!
Nagsuot sila ng mga damit pambabae
Lumusob ng gabi
At pinagtataga ang mga humihilik na Amerikanong sundalo

CHORUS

Ito na nga ang naging Balangiga massacre—
Pero massacre para kanino?
Massacre daw ayon sa kasaysayan ng Amerikano.
E putanganang leche yan—
Paano magiging massacre eh nagtatanggol lang naman tayo?
Pag may pumasok bang magnanakaw
Sa bahay mo at pinatay mo ang magnanakaw
E kasalanan mo pa rin ba yun?
I mean, I hope you don’t mind, and won’t take offense,
But read my lips: we all did it in self-defense

Bumawi ang mga kano—
Nag-utos si Gen. Jakob Smith na sunugin ang Samar
“I want you : I want you to kill and burn, the more you kill
and burn, the better you will please me!” sabi niya.
And that meant anybody nine years or older,
Marunong magsalita, wasto ang katawan
Lahat kailangang madamay sa madugong katayan.

At iyan po ang ibig sabihin ng benevolent assimilation:
Pang-aabuso, pagnanakaw, assassination
Panloloko, pang-gagago, pang-iinsulto
Kung tratuhin tayo parang kuto

America—you’re no longer a country
But a registered trademark
Like the red, white, and blue packets
Just like a hotdog in the park

And after New York and World Trade Center
We say: “We are all Americans. We are all Americans.”
Fuck that shit.
Ikaw na lang.

Chorus:
Wag nang maulit
Pero naulit
ang kasaysayang lagi na lang
Napipilipit






Gusto mo ba ng CD?

"Kill every one over ten."


- Gen. Jacob H. Smith

Ang sipi ay tugon ni Smith sa sinasabing Balanggiga Massacre na naganap 107 taon na ang nakakalipas.

P.S.
Hindi pa rin sinasauli ang mga kampana ng Balangiga.

imahe mula sa http://www.bibingka.com/phg/balangiga/default.htm

26.9.08

What Have We Learned So Far: Love

is more powerful than Chuck N. and Mr. T combined.

image taken from: ____

21.9.08

September 21 is Peace Day

[click image to enlarge]

Ironically, it's also in this very same day that martial law was declared. Not that we were free before martial law.

There's no such thing as "more free."

note: check out the other posters here. If only we could adopt the same level of creativity in our visual propas. Watcha think, Teo?

image taken from http://www.powertotheposter.org/index.php

Mga Katha(ngahan)

nahatak ng sentro de grabedad