29.11.08

Patungkol sa Kubeta, Bulbol, at Kamatayan (di-umano) ng Ideolohiya, Slavoj Zizek



Kontra-kritisismo sa palagay na patay na nga ang ideolohiya. Kung gayun nga, anu ang rason kung bakit ganun ang pag-flush ng ating mga kubeta? Bakit nag-aahit ng buhok sa kili-kili ang mga babae? At bakit ganun na lamang ang fasinasyon nating magbigay ng opinyon gamit ang blog?

Sabi nga ng isang nabasa ko, may big P at small p. Pero parang di naman nito nasaklaw ang lahat ng p. Na hindi lang naman pulitiko, o trivialisasyon ng kaganapang pulitikal ang pulitika. Na sa mismong pag-flush, pag-aahit ng buhok sa kili-kili at sa dako pa roon, at sa mismong pagdidiin ng posisyon at pag-aakalang may kalayaan lakip dito ay may kapangyarihan na ngang gumagalaw. Siguro ang tanung, kaninong kapangyarihan ito. Pero parang babagsak pa rin sa pragmatiko at klasikong diskurso kung "para kanino?"

4 komento:

Anonymous said...

Nakakatuwa naman naman na may katumbas na ideolohiyang pultikal ang ibat ibang paraan ng pag-plush ng ebak sa takubets. Pero mas masarap isipin sigurong parte lang ito ng cultural differences at di kasing lalim ng sinasabing ideolohiya.
Kung ganun man, pano kaya ang mga kababayan nating nagbabalot ng tae sa dyaryo at pinaplastik, ano kaya ang nakakapit na ideolohiya rito? Ideolohiya o katotohanang atrasado pa tayo sa salitang development?

Pasyon, Emmanuel C. said...

tol ang dugyot mo gumamit ng halimbawa. hehe.

depinisyon ni althusser ang ginamit ko dito pards. aniya, ang ideolohiya ay “representasyon ng likhang isip (imaginary) na relasyon ng indibidwal sa kaniyang materyal na kundisyon, relasyon sa produksyon at relasyong pang-uri. kumbaga, kung panu natin basahin ang mundo. gagalaw tayo batay sa kamalayan natin.

sa kaso ng nagbabalot ng tae sa dyaryo, mukhang salat sila sa kasilyas kaya dinadyaryo na lang.

Anonymous said...

Kung ganun pards ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng ideolohiya sa kultura sa hinalimbawang pagjebs..

Pasyon, Emmanuel C. said...

palagay ko nilikha ng kultura ang ideolohiya, pinagtitibay ng ideolohiya ang kultura. sa kaso ng pag-ebs, dahil wala sa kultura materyal ng mga salat ang kasilyas limitado rin ang kanilang metodo ng pag-ebs. kaya ganun sila um-ebs. marami pang kalakip na sensibilidad sa aktong ito. maaaring nakikita nilang marumi o mababa sila dahil hindi sila makasabay sa pamantayang nilatag ng apangyarihan. iniisip ko pa rin ang ibang implikasyon.

nahatak ng sentro de grabedad