30.8.06

Palakpakan


“There will be no pictures of you and Willie May pushing that shopping cart down the block on the dead run, or trying to slide that color television into a stolen ambulance. NBC will not be able predict the winner at 8:32 or report from 29 districts. The revolution will not be televised.”

- sipi mula sa “The Revolution will not be Televised” ni Gil Scott-Heron


Tinaksil ng panahon ang mga anak ng Gutenberg. Kasabay ng labas ng unang libro ang pagkakalat ng kapangyarihan sa porma ng impormasyon. Karunungan. Kung gagamitin ang balangkas ng mga materyalista, ang panahon ng Gutenberg ang isa sa maraming ina ng burgesyang sumulpot sa Europa.

Nagtagumpay ang burgesya sa kanilang rebolusyon. Halimbawa na lamang ang rebolusyong Pranses. Sa pagkakataong ito, ang bagong uri, ang burgesya na ang may hawak ng kapangyarihan – politkal, ekonomiya, maging kultural.

Kung muling susundan ang balangkas ng mga materyalista, ang kasaysayan ay pinapagulong ng internal na kontradiksyon. Ang tanging mapagpasya salik ng mga kontradiksyon. Idagdag pa dito ang pahayag ni Mao. “Tao, hindi bala ang magpapanalo sa rebolusyon.” Kung ganito nga ang sitwasyon importante ang pormasyon ng ideya sa pagtatagumpay ng panglipunang pagbabago.

Natural lamang na pigilan ng burgesya ang rebolusyon. Tulad lang ng natural lamang sa mga api na magrebolusyon. Ito ay hubog ng kanilang kaganapan. Ang kaibhan lamang ay ang pagbubukas ng mga benyu para mapadaloy ang kapangyarihan.

Bagama’t hindi lubos o materyal na kalayaan. Sa pagkakataong ito malaki ang papel ng internet bilang ideological state apparatuses. Ano ang ipinapahiram na kapangyarihan ng internet, kahit ng blogging, sa mga nilalang na ang kapangyarihan lang ay tumunganga? Ibinukas nito ang ekonomiya ng kapangyarihan sa konteksto ng pag-aari ng mga ideya. Ani ni Rolando Fernandez, “democratized.”

Sa panahong ang mga boses ng mga gutom ay tinatapatan ng tingga, ang mga “maliliit” na subersyon ay lumalakas. Hanggang sa maipon ito, sinlakas ng isanlibong dagundong ng kulog.

Tangina mo! Ang daming nagugutom, fashionista ka pa rin!*

img%20src=" ? alt="Lourd" www.radioactivesago.com http:>


“…Nagwala sa piket line, kaya yun natanggal
Kaya kumuha na lamang siya ng
tarak-tarak na lata ng sardinas
At binutasan na lang kinabitan ng tansan
At dun ko nalaman ang ibig sabihin ng pagmamahal…”


Sa pagkakataong ito gusto kong pasalamatan ang mga tambay. Malaki ang importansya ng mga tambay sa paglikha ng mga malikhaing ideya. Ilang akda na din ang nabigyang buhay ng mga tambay. At masarap tumambay. Sabi nga “ang sarap maligaw sa mundong tulala.” Masarap tumulala. National past time.

Kung may major lang sana sa pagtunganga at may patutunguhang pagkakaperahan ang kursong ito, marahil ito na, at hindi mga DH at caregivers ang primaryang export ng Pilipinas. Sa pinapakitang importansya ng pagtunganga hindi ko lubos mapagtanto kung bakit hindi ito gawing kurso man lang. Kahit short course lang tulad ng sa TESDA.

Sa pagkakataong ito, gusto kong magpasalamat. Sa mga tanga. At lumpen. May silbi din tayo sa lipunan, ayon na rin kay Durkheim. May taong nananahimik. May taong bigla na lamang sumasabog. Tulad nung sa tren sa Spain. May mga nagsusuka sa daan. Mga nakarami ng inom. May holdaper. Sa lahat ng klase ng tao, ayoko sa mga holdaper. Lalo na ung mga small time. Ung tipong ice pick lang ang gamit. Ung kianakalawang pa. Marami sigurong holdaper sa Pilipinas. Ewan ko lang. Ilan na nga ba ang naholdap?

Pero isa lang ang sigurado. Maraming nagugutom sa Pilipinas. Kung si Dong ang tatanungin, maraming baboy. Ewan ko lang sa Makati. Sa Makati walang autoload at e-load. Ewan ko lang kung may karinderya. Puro prepaid cards at mini stop. Wala sigurong nagugutom sa Makati. Bawal magutom pag asa tabi ka ng mga buildings na magaganda. Pwedeng magtext. Ng kahit ano. Pero wala pa namang buhay na nasira sa pagtetext. Ewan ko lang. Wala pa naman akong nabalitaan. Siguro meron na nga. Pero hindi ko talaga nababalitaan.

Buti na lang di pa tayo pinababayaan ni Lourd.












*pasintabi sa Radioactive Sago Project

nahatak ng sentro de grabedad