31.10.08

32%



Ang Asch Conformity Experiment ay naglayong masukat ang antas ng pangangailangan nating kumomporme sa nakakarami. Sa eksperimento, ang suheto (subject) ay kukuha, kasama ng ibang tao, ng inaakala nyang simpleng vision test. Ano ang twist dito? Ang ibang kumukuha ng pagsusulit (liban sa suheto) ay kasabwat ni pareng Solomon Asch at binigyang instruksyon na piliin ang maling sagot. Lumabas sa experimento na 32 porsyento ng suheto ay pipili ng maling sagot kumporme sa sinagot ng kasamahan nya.

Ito ang halimbawa ng vision test sa Asch Conformity Experiment.

Pero mas mabangis pa rin ang Milgram Experiment.

29.10.08

in light of the coming us national elections

[full view? click the image]

Something to help Americaknows decide.

NOTE: Not by banksy. (but just as witty)

image from http://www.woostercollective.com/mrbrain1.jpg

am guilty of it.

not entirely.

[click image to enlarge]

(but guilty, nonetheless.)

For something different to listen to, here's lili chou's metaphors and chantuese sander's thieves by tuesday. WARNING: unfamiliarity straight ahead.

Now analyze this.



image from http://www.basicinstructions.net/

21.10.08

Coercion WIth A Smile


Taliwas sa madalas ipakita sa mga action movies at komiks, hindi laging nangangalit ang ugat sa leeg ng mga nanggagapi. Minsan, nakangiti sila habang ipinapaalam sa'yo na "malaya ka" (ngunit sa parametrong ganito, ganyan). Kumbaga sa kontrata, may fine print.





Coercion With A Smile

Within corporate culture and government agency PR, Orwellian “doublespeak” has become a common way of disguising coercion. Can a “benefit” be beneficial if it’s compulsory? Does an “incentive” do any good if it’s actually a threat?
Basahin ang buong artikulo.


image from http://www.bluebloggin.com/wp-content/uploads/2008/02/doublespeak.jpg

18.10.08

Flash Announcement!

Katutubo Festival
exhibit and concert
featuring performances by Joey Ayala, Lolita Carbon, et al...
Peace Bell (near Max's), Quezon City Circle
Admission is Free

image taken from http://www.opm.org.ph/registry/mugs/photo_60.jpg

17.10.08

The Economy of Libido

Economic curves do translate into our subconscious. Pettijohn and Jungeberg released a study stating a correlation between Playmates of the Year and the existing social and economic during their reign. According to the two,

Bilang pakiki-isa...

Ngayun, hanggang linggo, ang Global Stand Up Against Poverty. Ang akward nga lang na may sale din sa Megamall sa mga panahong ito.

Bagama't walang direktang pagbanggit, palaga'y ko'y may kinalaman pa rin ito sa tema. Di ba, Mr. C? Kaya bilang pakiki-isa, isang salin mula kay Soliman Santos.*

Mga apulitikal na intelektwal*

Isang araw
ang mga apulitikal
na intelektwal
ng aking bansa
ay uusigin
ng pinakapayak
sa mga mamamayan.

Tatanungin sila
kung ano ang ginawa nila
habang ang kanilang bansa’y naghihingalo
nang dahan-dahan,
tulad ng matamis na apoy
mumunti at nangungulila.

Walang magtatanong sa kanila
tungkol sa kanilang magagarang damit,
sa mahahaba nilang siyesta
matapos ang tanghalian,
walang magnanais makaalam
tungkol sa kanilang malinis na pakikitunggali
sa “ang ideya
ng wala”
walang makikialam tungkol
sa kanilang kalaamang pampinasiya.

Hindi sila tatanungin
tungkol sa mitolohiyang Griyego,
o tungkol sa kanilang pagkamuhi sa sarili
kapag ang isa sa kanila
ay nagsimulang mamatay
sa duwag na paraan.

Hindi sila tatangungin
tungkol sa kanilang absurdong
mga pagbibigay-katwiran,
isinilang sa anino
ng buong kasinungalingan.

Sa araw na iyon
darating ang simpleng mga tao.

Silang mga walang lugar
sa mga aklat at mga tula
ng apulitikal na mga intelektwal,
pero araw-araw na naghahatid
ng tinapay at gatas,
tortilya at itlog,
silang mga nagmamaneho ng kanilang kotse,
silang nag-alaga ng kanilang aso’t mga hardin
at nagtrabaho para sa kanila,
at itatanong nila:

“Ano ang inyong ginawa nang ang mga dukha
ay nagdusa, nang ang pagkalinga
at buhay
ay tumakas mula sa kanila?”

Apulitikal na mga intelektwal
ng mahal kong bansa,
hindi kayo makasasagot.

Isang buwitre ng katahimikan
ang sasakmal sa inyong bituka.

Ang sarili ninyong kalungkutan
ay uuk-ok sa inyong kaluluwa.

At mapipipi kayo sa inyong kahihiyan

Si Soliman Santos ay makatang taga-Bulacan. Ilan sa mga katha nya'y makikita sa Likhaan, at ilang publikasyon ng Ibon. Nagsusulat din sya para sa Pinoy Weekly.

Si Otto Rene Castillo ay makatang Guatemalan at naging taga-pangulo sa Propaganda at Edukasyon ng Rebel Armed Forces.

kinuha ang larawan sa http://www.marxists.org/subject/art/literature/castillo/photo/castillo1.gif

15.10.08

Corporate Social Responsibility, at ang Tolerable Other

Ayon sa stereotype, ang mga businessman di umano'y mga nilalang na ang tanging hangad sa buhay ay mapalaki ang kanilang kita. Pinostura sila bilang cold-blooded na nilalang, walang pakialam sa ibang bagay liban kung ikakaunlad ng kumpanyang kinabibilangan o pag-aari. Ang ganitong pagtingin ang unti-unti umanong nilulusaw sa pagpapakilala ng corporate social responsibility functions ng kumpanya. Ang animo'y makina na executive ay binigyang humanidad. At sa gayu'y, binigyan ng 'human face' ang kapital.

Noong 2003 inilunsad ng League of Corporate Foundations, samahan ng mga korporasyong may CSR function, ang kampanyang 'Ka-Partner Ka.' Nakatuon ang inisyatiba sa pagpapatibay ng multisektoral na pagtutulungan tungo sa pag-unlad. Sumunod na taon namang inilunsad ang 'May Bukas Ka, Bata,' na edukasyon naman ang primaryang binibigyan diin. Papatunayan pa ang pag-unlad noong 2005 kung kailan ginanap ang isang CSR Expo na may temang 'Beyond Giving: Business Solutions To Social Problems.' at 'CSR Expo 2006: Let's Take CSR to Heart.' Ani Roberto Calingo, tagapangulo ng LCF at presidente ng Ayala Foundation Inc.,“This is the year when CSR goes mainstream in the Philippines as corporations, small and large enterprises, NGOs, and all sectors realize that partnering and collective action is the only way to get things done.”

Mula sa simpleng mala-pilantropong pagbibigay, umunlad na nga ang praktika ng CSR tungo sa mga progrmang sinasabing "sustainable." Halimbawa nito'y ang Alitaptap Cooperative ng mga Ayala sa may Balara, at ang pamimigay ng computer units sa mga paaralan ng PLDT. Bukod pa syempre ang popular na inisyatiba ng Gawad Kalinga.

Sa simplistikong pagsusuri'y nakakatuwa ang mga progrmang CSR ng iba't-ibang kumpanya. Animo'y feel good movie na kahit sino pwedeng magbago ng sistema gaano man kaliit, o kaya nama'y ang ripple effect ng isang mabuting gawain na mala-pay it forward ang drama.

Ngunit ano nga ba ang motibasyon ng mga kumpanya para sumuong sa isang kampanyang CSR? Ayon sa isang suri nina Sarah Raymundo at Bogart Jaime, "The discourse of corporate social responsibility is a conjunctural shift and not a permanent "change of heart" among monopoly capitalists." Ani pa nila, isa lamang ito sa istratehiya ng kapangyarihan para "ma-contain" ang sariling likhang krisis ng kapitalistang sistema. Hindi ba kakatwang bigyang pasasalamat, papuri at pagkilala ang mga institusyon at taong nagdala, mintina, at kumakatawan sa sistemang lumilikha ng kahirapan. Na kung tutuusin ay kaipokrituhan dahil ang sinusolusyunan ay ang epekto ng pananamantala (na ka-uri rin nila o sila mismo ang promotor) sa tunay na manlilikha ng yaman. At ang perang ginagamit sa mga programa ay mula rin naman sa pagsasamantalang yun.

Hindi na rin nakakagulat na maraming intelektwal at peti-burgesya ang na-eengganyo sa ganitong pamamaraan. Dahil hitik sa neoliberal at romantikong nosyon ng pagbabago, natural lamang na lapitan ng subscribers sa neoliberal na ideolohiyang. Sa pagpopormula ng pamamaraan ng pagbago, tinatanggi, malay man o hindi (pero mas malamang ay malay) ng mga kumpanya ang mas komprehensibo at tunay na rebolusyunaryong praktika. Ang mga pamamaraan kikilalanin ay yaong sang-ayon lamang sa 'reproduksyon ng kondiskyon sa produksyon.' Sa gayu'y pinoposisyon ang kahirapan bilang tolerable Other. Na para bang wala silang kinalaman sa kondisyon ng 'tinutulungan' nila.

Dahil nga sa malabnaw na pagsusuri (at gayu'y pamamaraan ng pagtugon) mas kaaya-aya sa burgesya (na relatibong mas kumportable ang posisyon sa neoliberal na kaayusan kumpara sa mahihirap) ang isyung panlipunan. Prinoject sa kanila ang ego-ideal ("pagtingin ng sarili sa sarili para maging kaaya-aya sa sarili," ayon kay Raymundo at Jaime) na 'kasama ka sa pagbabago ng mukha ng kahirapan,' at kung gayu'y wala kang kinalaman sa kung bakit sila naghihirap. Madalas sa hindi, kasinungalingan ang ego ideal. Konti lang ang gustong maging kontra-bida, umamin pa kaya. Masasabing, sa pangkalahatan ay di malay ang mga subscriber, dahil na rin siguro sa pinatabang ego na humahadlang sa sistematiko't tunay na historikal na pagsusuri.

*****



Corporate Social Responsibility is the New Benevolent Assimilation. Same shit, purportedly different asshole.

14.10.08

Hindi pa huli ang lahat!

Anu ang pwede mong gawin? Gusto mong malaman?
click ka dito!

at kung sa tingin mo eh ubod ng bangis ang button sa kaliwa (at may pagka-inggetero ka), click ka dito.

Tandaan mo, hindi pa huli ang lahat.

11.10.08

Harry And Paul, Etnosentrismo't Krisis sa Representasyon

Noong bata pa lang ako'y inaabangan ko na talaga ang pagpatak ng Disyembro. Mano'y sa buwan na ito umuulan ng balikbayan box mula sa mga kamag-anak sa ibang bansa, partikular ang tiyahin kong sa Saudi nagtratrabaho. Laman ang mga tsokolate't laruan (ito ang pinaka-importante sakin nuon) atbp, hindi muna bubuksan ang kahon hangga't hindi kumpleto ang pamilya. Hindi pa "mga bagong bayani" ang tawag sa kanila, OFW pa lamang sila nuon.

Nito lang ay sumabog ang isyu hinggil sa racist na representasyon sa mga Filipinang OFW sa Harry And Baul ng BBC. At tulad nga ng ating reaksyon sa kahalintulad na insidente sa programang Desperate Housewives ng ABC, maraming nagalit at nagpahayag ng pagkainis. Ani pa nga ni representante Riza Hontiveros, ang palabas ay nagpakita ng "racist, humiliating and disgusting depiction of a Filipina domestic worker"

Kagalit-galit naman talaga ang eksena. Sa paglalarawan ng Harry and Paul show, animo'y ganito nga ang karaniwang Filipina domestic helper - uto-uto, kahit ano ipag-utos (kahit sekswal ang katangian) gagawin. Totoo ba ito? Malinaw na "hindi" ang agarang sagot ng marami.

Ngunit ang pagbubuo ng stereotype ay may pinagmumulan. Hindi ito isang biglaang penomena na tatatak kaagad sa kolektibong kamalayan ng isang organisasyon o bansa. Ito ay unti-unting pinagpupursigihan, bagama't hindi malay, upang maging dominanteng representasyon ng isang indibidwal o grupo. Kung gayu'y saan galing ang stereotype na ipinakita sa Harry and Paul? At ano ang dapat depiksyon ng isang Filipina?

Hindi kaila na ang sex industry ang isa sa posibleng pasukin ng isang OFW. Marami na rin namang expose hinggil sa mga OFW na domestic helper ang pinasukan, sex worker ang kinahantungan. Mayroon din namang "kusang loob" na pinili ang ganitong propesyon.

Kung babalikan ang dahilan ng kanilang pag-alis sa bansa, isa lang ang makikita ugat - kita. Kakulangan (sa iba'y kawalan) ng opurtunidad, mababang pasahod, o kung susumahin, kahirapan ang nagtutulak sa mga Filipino/a na lumabas ng bansa. Lahat ito sa kabila ng panganib na mapunta sa malupit na employer, pandarambong ng recruiter, at para sa mga sex workers, posibilidad na makakuha ng sakit. Bukod pa sa ibang bagay.

Hindi lang pamilya ng mga OFW ang "nabibiyayaan" ng dolyares. Maging ang gobyerno'y umaasa rin sa kanilang remittances. At para naman maibsan, sa cosmetic/simboliko na paraan, dineklara silang bagong bayani. Ginawan pa sila ng ispesyal na seksyon sa NAIA. At syempre ang kantang "bagong bayani" ni Nora. Lahat ito para maiparamdam sa kanilang espesyal nga sila, na malaking bagay ang ginagawa nila. Na totoo naman.

Kung kaya naman romantisado na ang nosyon sa isang OFW. Sa paglalarawan sa kanila bilang tagapagsalba ng bansa ay nai-interpelang "kampi tayo dahil kayo ang aming hero." Na sa totoo lang ay hindi. Hindi tayo magkakampi. Paano magiging magkakampi ang isang Filipinang pumasok sa prostitusyon para makaraos sa kahirapan, at ang sistema, kasama na ang mga ahenteng nito, na lumikha ng sitwasyon nya?

Ang poblema natatabunan ang kotradiksyung ito ng isang makitid na nasyonalistang pananaw na makikitaan ng tendensiya ng nativism. Importante ito para mamintina ang imahinaryong alyansa ng sistema at ng OFW. Ipagtatanggol ng sistema ang OFW, mula sa illegal recruiter (sana), marahas na employer (isa pang sana), at maninira ng dangal. Bagama't kabalintunaan, ang huli ang pinaka-popular at pangkaraniwang paraan ng sistema.

Babalik tayo sa tanung, anu nga ba ang dapat depiksyon sa Filipina? Mula sa pahayag ni Hontiveros, kabaligtaran ng pinakita sa Harry and Paul. Ngunit ito nga ba ang Filipinang OFW? Ang Filipinang OFW na nais ipostura ay yaong may dangal at hindi kahiya-hiya. Hindi ba nahihiya ang isang dating guro na nagtuturo sa halaga ng buong pamilya nang pagpasyahan nyang umalis ng bansa? O sa usapin ng mga sex workers, hindi ba sila nahihiya sa sarili at sa uuwian nila? May kahihiyan na magaganap dahil ang sistemang nagtulak sa kanilang pasukin ang ganung propesyon ang mismong nagpapataw ng moral na pamantayang kumukundina sa kanila.

Ang ating kolektibong ego-ideal sa mga OFW ay yaong marangal, di dapat tatakan ng negatibong stereotype, ani nga ni Hontiveros. Bakit? Meron na bang memo mula sa langit na nagsasabing ang mga Filipino, partikular ang Filipina OFW ay marangal na lahi, lahat sila pwedeng magmadre't pari. Wag nyo silang ilarawan o tingnan man lang sa bastos na paraan. Marangal silang nagpapa-alipin sa inyo." Ang ganitong conviction, na parang bang "above worldly ventures" ang mga Filipino OFW ay ethnocentric. Binubusog tayo sa imaheng malinamnam, ngunit wala namang sustansya. Kailangan nating makilala ang totoong posisyon ipinataw satin - serbedora/o ng mayayamang bansa. Mula dito'y magsasanga ang mga tanong hanggang sa makarating sa "sino at/o ano ang may kagagawan?"

Sa pagtalikod sa "nakakahiyang" katotohanan, lubusa tayong nagpapailalim.

P.S. Ani Edgardo Ermita hinggil sa isyu, "Some jokes are downright disgusting."

Edgardo, (if i may call you Edgardo,) totoong may nagutom na sa downright disgusting na joke (sa kaso ng mga naging anorexic) pero dahil sa downright disgusting na sistema may nagpakamatay na.

Welcome to Banksy's Village Pet Store And Charcoal Frille



“New Yorkers don’t care about art, they care about pets. So I’m exhibiting them instead. I wanted to make art that questioned our relationship with animals and the ethics and sustainability of factory farming, but it ended up as chicken nuggets singing. I took all the money I made exploiting an animal in my last show and used it to fund a new show about the exploitation of animals. If its art and you can see it from the street, I guess it could still be considered street art."
~ Banksy
Again, another genius critique of our twisted sense of appreciation. The shop opened last Oct 5. (World Teacher's Day ito, stray) and will run until Halloween. This is the first time Banksy used animatronics. Maybe Star City could invite the englishman over. Tingin nyo?

10.10.08

Punk Is Really Dead!

Mr Rotten right here sold his soul to the establishment.


But hey, what could be more punk that anti-punk?

Araling Pang-Komunikasyon, Kritika at Pagsusuri ni John Fiske*

Sa ‘Introduction to Communication Studies,’ pinangunahan ni John Fiske ang mambabasa na walang isang katangiann o lapat ang Araling Pang-komunikasyon (communication studies). Ayon sa kanya ang komunikasyon ay “diverse at multi-faceted”. Dagdag pa niya, hindi dapat ito ituring na “subject of study,” bagkus, isang “multi-disciplinary area of study.” Dahil na rin sa debate hinggil sa dapat na katangian ng pag-aaral sa komunikasyon, naglatag si Fiske ng kanyang mga palagay/asersyon:

1) kailangan ng ilang disciplinary approach para sa mas komprehensibong pag-aaral sa komunikasyon,

2) nangangailangan ng mga signos at koda ang komunikasyon,

3) gawi (practice) ng relasyong panlipunan (social relationships) ang pagpapadala at/o pagtanggap ng mga signos/simbolo/komunikasyon,

4) ang komunkiasyon ay “sentral sa buhay ng kultura.” Dahil dito ang pag-aaral ng komunikasyon ay nangangailangan ng pag-aaral sa kultura kung saan ito nakapaloob, at

5) ang pangkalahatang depinisyon ni Fiske sa komunikasyon ay “social interaction through messages”.

Kapansin-pansin ang ugnayan ng mga palagay na inilatag ni Fiske sa isa sa dalawang paaralan (school) sa pag-aaral ng komunikasyon, ang semiotika.

Ayon kay Fiske may dalawang paaralan sa pag-aaral ng komunikasyon, ang tinatawag niyang process school at ang semiotika. Magkaibang-magkaiba ang perspektiba ng dalawang paaralan hinggil sa komunikasyon.

Ang process school ay tinitingnan ang komunikasyon bilang proseso kung saan naapektuhan ng tagapagpadala ng mensahe ang ugali o di kaya’y kamalayan ng tumanggap. Base sa balangkas na ito, ang primaryang pinag-aaralan ng paaralang ito ay ang epekto at accuracy ng komunikasyon. Ayon pa kay Fiske, para sa taga-process school, ang mensahe ay pinapadala sa proseso ng komunikasyon. Dagdag pa niyang sa process school, “The message is what the sender puts into it by whatever means.

Nakikita nitong ang proseso ng komunikasyon ang magpapasya sa ika-tatagumpay ng komunikasyon. Ayon pa kay Fiske, tinitingnan nito ang pagpapaunlad sa proseso bilang papapataas ng panlipunang kontrol (social control). Ang katangian at pagpapahalagang ito ang di-umano’y dahilan sa pagkahumaling ng karamihan sa mga konsepto at teorya ng process school. Idinagdag pa ni Fiske, ito daw ang punto de bista ng isang advertising executive.

Ang semiotika nama’y tinitingnan ang komunikasyon bilang “produksyon at palitan ng kahulugan.” Pinag-aaralan nito ang interaksyon sa pagitan ng teksto (mensahe) at ng tatanggap nito para makabuo ng kahulugan. Tinitingnan nito ang “pangkultura (cultural) at/o panlipunang (social) pagkakaiba” ng tatanggap bilang mapagpasya aspeto sa kahulugang mabubuo. Hindi nito tinitingnan kung gaano ka-epektibo ang komunikasyon, bagkus, mas pinahahalagahan nito ang “pamamaraan ng pagbasa” dito.

Para sa mag-aaral ng semiotika, ang kahulugan ng mga teksto ay mabubuo sa interaksyon ng tumanggap nito at ng teksto mismo. Ito ang sinabi niya hinggil dito:

The message … (is) an element in a structured relationship whose other elements include external reality and the producer/ reader.

Ibig sabihin, sa panlipunan at ideolohikal na posisyon ng tumatanggap ng mensahe nakabatay ang pagpapakahulugang gagawin niya sa mensahe. Mula sa pahayag na ito ay mababanaag ang kahalagahan ng pagbasa ng posisyon ng nagpadala at tumanggap ng mensahe.

Maaaring suriin ang katangian ng mga theory-oriented na kurso base sa dalawang paaralang binanggit ni Fiske. Gamit ang pangkalahatang balangkas ng dalawang eskwelahan, maaaring suriin kung ano bang paaralan ang dominante sa mga theory-oriented na kurso. Mula dito, babasahin natin ang posibleng impluwensya nito sa pelikula ginawa ng mga estudyanteng dumaan sa mga kursong ito.

Walang nirerekomendang wastong paaralan si Fiske, bagama’t may pahayag siyang ganito:

It is not my intention to suggest that there is a right and wrong way… But there are ways that are more or less fruitful.

Ayon sa kanya, ang semiotika ang “mas nakakatugon” sa mga tanong hinggil sa komunikasyon dahil na rin sa ipinapaliwanag nito ang mga penomena ng pang-araw-araw. Ngunit aminado pa rin si Fiske na may kakulangan ang ganitong giya. Ang kakulangang ito naman ang pinupunan ng process school. Nirekomenda pa rin niyang pagaralan ang dalawang paaralan.

Si John Fiske ay propesor ng Komunikasyon sa University of Wisconsin-Madison. Sya rin ang awtor ng The Jeaning of America, sanaysay hinggil sa maong bilang sityo ng tunggaliang kultural.

*para sa mga guro sa aking dating kolehiyo, at sa mga estudyante ng komunikasyon na buryong na buryong na sa objective type na exam sa mga klaseng pan-teorya.

imahe mula sa http://www.mediate.com/Fiske/images/fiskesm.jpg

Pelikula't Akademya: Praxis

Sa sanaysay na ‘Pelikula bilang Mapagpalayang Sining’ sa librong ‘Writing the Nation/ Pag-akda ng Bansa,’ iginiit ni Prop. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining at kilalang manunuri ng kulturang Pilipino, ang pulitikal na katangian ng pelikula. Aniya, mapagpasya ang namumuhunan pagdating sa kalalabasan ng pelikula. Dagdag pa niya, ang mga pagpapahalagang nakaukit sa pelikula, “kundi man tuwirang nanggagaling sa prodyuser, ay may pahintulot nito.”

Ang pagpapahalagang inukit o pinahihintulutang iukit sa pelikula ay yaong pabor sa interes ng namumuhunan. Samakatuwid, hindi sa pagpapalaya o di kaya’y pagpapaunlad ng kamalayang panlipunan ang diin ng pelikula. Bagkus, ito ay nakatuon sa kita, o kung tataluntunin ang balangkas ni Louis Althusser, Marxistang Pranses, sa ‘reproduksyon ng kondisyon sa produksyon.’ Ibig sabihin, ang mga pagpapahalaga at ideya sa mga pelikula ay nagpapanatili sa namamayaning kaayusan.

Sa kabila ng ganitong oryentasyon ng industriya ng pelikula, may binabanggit si Lumbera na pelikulang mapagpalaya. Aniya, mapagpalaya ang pelikula kung ito ay nagsisilbing daluyan ng mga mapagpalayang ideya, kundi man ay bumabalikwas sa namamayaning kaayusan sa lipunan. Halimbawa na lamang ang ‘Maynila sa mga Kuko ng Liwanag’ (direksyon ni Lino Brocka) na nagpapakita sa tunay na kalagayan ng Maynila sa panahong ipinagpipilitan ng dating Unang Ginang Imelda Marcos na ‘the true, the good and the beautiful’ lamang ang dapat lamnin ng mga pelikulang Pilipino. Kaiba sa mga pelikulang nais magpamanhid sa panlipunang kamalayan ng mga manonood nito, naglalayong magmulat sa mga panlipunang diskurso ang mga mapagpalayang pelikula.

Malayu-layo na rin ang narating ng ganitong uri ng pelikula, ayon kay Lumbera. Sa ‘Philippine Cinema: A Brief History’ indirekta niyang tinukoy ang akademya bilang pangunahing tagapag-ambag sa pag-unlad nito. Aniya, hindi pa sa teknikal na aspeto ng paggawa ng pelikula mababanaag ang ambag ng akademya sa industriya ng pelikula. Ang pangunahing impluwensya umano ng akademya sa larangan ng pelikula ay sa ‘pagpapaangat ng kakanyahan… sa paggawa at pagsusuri ng pelikula.’ Naisasakatuparan ito sa pagbabahagi ng akademya ng mga ‘pamantayang magagamit sa pamimili o di-kaya’y paggawa ng mahusay o kapaki-pakinabang na panoorin.’

Kinikilala at sinasandigan ng pag-aaral ang pahayag ni Lumbera hinggil sa halaga ng akademya sa industriya ng pelikula. Ang akademya, partikular ang Unibersidad ng Pilipinas, ang isa sa posibleng lunsaran ng mga konsepto at ideyang mapagpalaya dahil na rin sa hindi pa ito gaanong natatali sa layaw ng mga namumuhunan. Malaya itong nakapaglulunsad ng mga aktibidad at proyekto ng hindi nililimitahan ng layaw ng nagmamay-ari ng Unibersidad dahil walang indibidwal o grupo na nagmamay-ari dito. Samakatuwid hindi ito natatali sa interes ng iilan.

Ibig sabihin nito’y may kalayaan ang mga estudyante na gawin ang nais nilang pelikula nang hindi dinidiktahan ng nais ng mamumuhunan. Kung gayun, ‘malaya’ ang estudyante na magpasok ng mga pagpapahalaga at ideyang tumutunggali sa namamayaning kaayusan. Sa kabila ng ‘kalayaang’ gumawa ng nais na pelikula, ang limitasyon sa pinansya ang isa sa pangunahing problemang kinakaharap ng mga pelikulang hindi tumatanggap ng pondo mula sa malalaking mamumuhunan. Sa kabila ng limitasyong nabanggit, naipamalas ng UP Baguio ang kakanyahan ng mga estudyante nitong maglunsad ng independent film festival. Katunayan na nilahukan ng mga estudyante mula sa Departamento ng Komunikasyon, Kolehiyo ng Sining at Komunikasyon.

Naaayon naman ang ganitong paggawa ng pelikula sa oryentasyon ng UP bilang isang institusyong pang-edukasyon na ayon kina Maria Luisa Doronilla at Ledivina Cariño, pangkalahatang patnugot ng ‘The Meaning of UP Education,’ ay tungo sa pagsisilbi sa sambayanang Pilipino. Ang ‘The Meaning of UP Education’ ay pag-aaral hinggil sa bisa (impact) ng edukasyon ng Unibersidad.

Ayon kina Doronilla, ang edukasyon ay “nagbibigay diin sa ilang partikular na aspeto ng reyalidad.” May di-pagbabanggit (non-utterance) na nagaganap dahil hindi posibleng masaklaw ang pangkalahatang “reyalidad.” Samakatuwid, nahuhubog ang nosyon ng estudyante sa reyalidad batay sa binibigyang diin na aspeto nito. Halimbawa, kung ang binibigyang diin na teorya hinggil sa komunikasyon ay yaong tinitingnan ito bilang proseso malamang ito ang tatatak sa isipan ng mag-aaral nito. Sa pagbibigay diin at pagsasantabi ay masasalat ang linyadoing katangian ng edukasyon.

Bukod sa pagbibigay diin/pagsasantabi, malaki rin daw ang ambag ng edukasyon sa pagbasa ng estudyante sa reyalidad. Kaugnay ng asersyon nina Doronilla ang depinisyon ni Althusser ng ideolohiya. Aniya, ang ideolohiya ay “representasyon ng likhang isip (imaginary) na relasyon ng indibidwal sa kaniyang materyal na kundisyon, relasyon sa produksyon at relasyong pang-uri (class relations). Bukod dito, ang ideolohiya ay may materyal na manipestasyon, samakatuwid, materyalidad. Ayon pa kay Althusser, maaaring basahin ang ideolohiya ng isang suheto sa pamamagitan ng pagsusuri sa materyalidad ng kanyang ideolohiya.

Tulad ni Althusser, pinapasinungalingan din ng mga pahayag ni Doronilla ang nosyon na ang akademya, lalo na ang UP, bilang institusyong walang pinapanigan. Malaki ang papel nito sa paghubog ng kamalayan ng indibidwal na napapaloob dito. Makapangyarihan ang edukasyon dahil sa kakayahan nitong humubog ng indibidwal na maaari maging ahente ng transpormasyong panlipunan o pagpapanatili ng kaayusan nito.

Lumabas din sa pangkalahatang ebalwasyon ng mga roundtable discussions (RD) sa ‘The Meaning of UP Education’ ang tensyon sa pagitan ng mga kurso na theory-oriented at kurso na application oriente. Ang una ay tumutukoy sa mga kursong may diin sa teoretikal o batayang konsepto ng disiplinang kinabibilangan, samantalang pagpapaunlad ng kakayahan at aplikasyon ng teorya naman ang diin ng huli.

Nagkaisa ang iba’t-ibang kolehiyo, maging ang UP Integrated School sa UP Diliman, na kasama sa pag-aaral na importante ang teoretikal na pundasyon, kung kaya’t kailangan ng diin dito. Sa kabila nito, kailangan din na tugunan ang mga kasanayan na hinihingi sa merkado.

Ayon kay Doronilla importante ang praxis dahil na rin sa posisyon ng Unibersidad sa lipunan. Ganito pinahalagahan ni Doronilla ang praxis:

Research and extension service, when closely linked with curriculum and instruction, are important to this process of integration: the former to link theory-building in the disciplines to the empirical local situations; the latter to use theoretical knowledge to understandand and contribute to the improvement of local conditions.

Idiniin din ni Murray Bartlett, unang presidente ng UP ang halaga ng praxis. Ayon sa kanya, “Research without application is expensive luxury, but application without research is folly…” Sa madaling salita, walang saysay ang teorya kung hindi ito maisasapraktika, at wala ring saysay ang praktika kung hindi ito ginagabayan ng akmang teorya.

Ipinanukala din sa pag-aaral ang pangangailangan sa regular na pagpuna sa kurikula upang ma-iakma sa pangangailangan ng panahon. Nagpasa naman ng rekomendasyon ang ilang kolehiyong kasama sa pag-aaral na isama ang mga isyung panlipunan sa mga kurso, para naman tugunan ang nakitang pagbaba sa antas ng kamalayang panlipunan sa mga estudyante ng Unibersidad.

Importante ang regular na ebalwasyon, lalo na sa edukasyon na isa sa pangunahing sektor ng lipunan. Napapanahon na rin upang siyasatin ang epekto ng edukasyong natatanggap mula sa Departamento ng Komunikasyon dahil na rin sa ambag nito sa larangan ng Komunikasyon, lalo na at isa ito sa bukal ng mga posibleng mamamahayag, manunulat at manlilikha ng pelikula.

8.10.08

Lagot ka(yo) kay Chuck!

Kahapon nawala ang telepono ni D. Ang hula nya (na hula ko rin) ay nadukot ito sa MRT. Wala na rin namang magagawa. Hindi naman sya naglupasay sa lungkot. Luma na rin kasi yung telepono, lagpas isang taon na. Matagal na yun sa track record ni D pagdating sa pag-aari ng telepono. Isang taon kasi minimum, pagkatapos nun, mawawala, mananakaw, o masisira. Atsaka, alangan namang i-pa-manuhunt pa namin yung magnanakaw, di ba?
or baka nga naman pwede.

p.s. sa nagnakaw ng telepono ni D, sana di ka na muling makaranas ng orgasm.
p.p.s. sa mga lumilikha ng kondisyung lumilikha ng ma magnanakaw, sana magsara ang butas nyo sa puwet. bukod sa iba pang mga bagay.


imahe mula sa http://images.google.com.ph/imgres?imgurl=http://bp1.blogger.com/_-FQV6a5oV_Y/R5iT9ilhfTI/AAAAAAAAANA/6xWlRnbWGH0/s400/chuck_norris.jpg&imgrefurl=http://cpjmf.blogspot.com/2008/01/chuck-norris-facts.html&h=379&w=329&sz=70&hl=tl&start=6&sig2=Wc9W2vCd1Azh9WLWmUSDFA&um=1&usg=__8bjBFMe1BbdtmET_OD5QY-PfSqs=&tbnid=ATvPe_70gx6yqM:&tbnh=123&tbnw=107&ei=gGfsSNiZGZn86QPxprnzCw&prev=/images%3Fq%3Dchuck%2Bnorris%26um%3D1%26hl%3Dtl%26client%3Dfirefox-a%26rls%3Dorg.mozilla:en-US:official%26sa%3DN

In relation...

to Mr Cimatu's long overdue query.

[dare to enlarge? clickit! now!]
image taken from http://www.neatorama.com/2008/10/06/grammar-rules-for-authors/

4.10.08

Malnourished


What feeds me destroys me
~Christopher Marlowe

photo taken from http://www.whokilledbambi.co.uk/?p=1316

Mal-edukado

"How can the oppressed, as divided unauthentic beings, participate in the pedagogy of their liberation? As long as they live in the duality in which to be is to to be like, and to be like is to be like the oppressor, this contribution is impossible."

"Paanu magagawa ng pinagsasamantalahan, bilang hindi nagkakaisang nilalang na magkakatulad, na makianib sa pedahoya ng kanilang liberasyon? Hangga't nabubuhay sila sa dualidad kung saan ang maging ay maging katulad, at ang maging katulad ay maging katulad ng nanamantala, imposible ang kontribusyong ito."
~ Paulo Freire, Pedagogy of the Oppressed

Naalala ko ang tesis ko nang mabasa ko ang pinakabagong post ni Prop. Arao. Palagay ko'y pareho (kundi ma'y magkahawig) ang aming paniniwala hinggil sa kalagayan ng edukasyon ngayun, at ang dapat tinatahak nito.

Naalala ko rin si Ivan Illich, Austrianong pilisopo at barkada ni Freire. Aniya, ang institusyunalisasyon ng edukasyon ay patungo sa institusyunalisasyon ng lipunan. At ang deschooling ng edukasyon (hindi pa talaga ng akademya) ang magbubukas sa de-institusyunalisasyon ng lipunan. Sa ilang punto'y sang-ayon ako kay Illich. Nga lang, palagay ko, bagama't mabalasik ang papel na edukasyon sa pagmimintina ng kaayusan, marami pa ring ibang sagka na hindi maaring isantabi (partikular ang midya). Hindi lang ito matatapos sa pagbabago sa sistema ng edukasyon, bagkus ay kelangan tumawid pa.

Pero sabi nga ng isang kaibigan, "Kailangan magsimula."

* para kay stray, guro.

3.10.08

Crack is the new Cake

Here's Banky's strike on wall street's brand of apathy. Did i hear someone type, "off with their heads."
Everytime i see a banksy art i wonder if a similar breed of artists thrive here in the Philippines. I've seen several urban protest art in the Diliman area, sadly none of them is at par with the notorius englishman's wit. Although there's this painting of an old man with the coke logo about to pierce his heart. Can't remember the title.

image taken from: http://theworldsbestever.com/blog/wp-content/uploads/2008/10/banksy-wall-street-rat.jpg

2.10.08

For Everything Else...


Treatment for cuts and bruises: Hell, who cares!

Look on Gloring's face: priceless


For everything else, ...

nahatak ng sentro de grabedad