"How can the oppressed, as divided unauthentic beings, participate in the pedagogy of their liberation? As long as they live in the duality in which to be is to to be like, and to be like is to be like the oppressor, this contribution is impossible."
"Paanu magagawa ng pinagsasamantalahan, bilang hindi nagkakaisang nilalang na magkakatulad, na makianib sa pedahoya ng kanilang liberasyon? Hangga't nabubuhay sila sa dualidad kung saan ang maging ay maging katulad, at ang maging katulad ay maging katulad ng nanamantala, imposible ang kontribusyong ito."
~ Paulo Freire, Pedagogy of the Oppressed
Naalala ko ang tesis ko nang mabasa ko ang pinakabagong post ni Prop. Arao. Palagay ko'y pareho (kundi ma'y magkahawig) ang aming paniniwala hinggil sa kalagayan ng edukasyon ngayun, at ang dapat tinatahak nito.
Naalala ko rin si Ivan Illich, Austrianong pilisopo at barkada ni Freire. Aniya, ang institusyunalisasyon ng edukasyon ay patungo sa institusyunalisasyon ng lipunan. At ang deschooling ng edukasyon (hindi pa talaga ng akademya) ang magbubukas sa de-institusyunalisasyon ng lipunan. Sa ilang punto'y sang-ayon ako kay Illich. Nga lang, palagay ko, bagama't mabalasik ang papel na edukasyon sa pagmimintina ng kaayusan, marami pa ring ibang sagka na hindi maaring isantabi (partikular ang midya). Hindi lang ito matatapos sa pagbabago sa sistema ng edukasyon, bagkus ay kelangan tumawid pa.
* para kay stray, guro.
7 komento:
aray, nose bleed yung english, binasa ko yung salin, wala na sumabog na ilong ko!
nyak! palpakens na naman salin ko. hihi. sa susunod aayusin ko sya ateng!
p.s. basahin mo rin yung post ni sir danny.
masusunod kamahalan, eto na click ko na ang link ni sir.
at nabasa na. at na-ishare na rin sa mga studs na kilala ko. :)
magaling, magaling, magaling...
Aba.. Aba.. Honorable mention pala ako.
Nitong nakaraang Sabado lang ang topic namin sa m.a ay ang democracy in education kung san proponent si John Dewey halos hawig din sa post mo G. Pasyon.
Ayon kay Dewey, mahalaga na baguhin ang layunin ng edukasyon. Mahalagang ang kontent ng kurikulum ay pinagsamang nilikha ng paaralan at pananaw ng mag-aaral sa mga dapat baguhin ng lipunan. Kailang ma-demokratisays ang pagtingin para magamot ang mga sakit ng lipunan. kailangang umpisahan sa mal-edukasyong nakapaloob sa kurikulum na nilikha ng mga naghaharing uri.
Mabuhay si John Dewey, Eman Pasyon at Caca..
Hello Eman,
Ginamit lang namin yung blog na http://j113-onlinejournalism.blogspot.com/ para sa online journalism course ng isang semestre, hindi ko na naa-update yan. Pero sige lang kung gusto mong idagdag sa listahan mo. Ang actve blog ko http://rootsandcrossings.multiply.com/, tingnan mo lang baka interesante para sa ýo...
all the best,
marifi
Post a Comment