Ayon sa stereotype, ang mga businessman di umano'y mga nilalang na ang tanging hangad sa buhay ay mapalaki ang kanilang kita. Pinostura sila bilang cold-blooded na nilalang, walang pakialam sa ibang bagay liban kung ikakaunlad ng kumpanyang kinabibilangan o pag-aari. Ang ganitong pagtingin ang unti-unti umanong nilulusaw sa pagpapakilala ng corporate social responsibility functions ng kumpanya. Ang animo'y makina na executive ay binigyang humanidad. At sa gayu'y, binigyan ng 'human face' ang kapital.
Noong 2003 inilunsad ng League of Corporate Foundations, samahan ng mga korporasyong may CSR function, ang kampanyang 'Ka-Partner Ka.' Nakatuon ang inisyatiba sa pagpapatibay ng multisektoral na pagtutulungan tungo sa pag-unlad. Sumunod na taon namang inilunsad ang 'May Bukas Ka, Bata,' na edukasyon naman ang primaryang binibigyan diin. Papatunayan pa ang pag-unlad noong 2005 kung kailan ginanap ang isang CSR Expo na may temang 'Beyond Giving: Business Solutions To Social Problems.' at 'CSR Expo 2006: Let's Take CSR to Heart.' Ani Roberto Calingo, tagapangulo ng LCF at presidente ng Ayala Foundation Inc.,“This is the year when CSR goes mainstream in the Philippines as corporations, small and large enterprises, NGOs, and all sectors realize that partnering and collective action is the only way to get things done.”
Mula sa simpleng mala-pilantropong pagbibigay, umunlad na nga ang praktika ng CSR tungo sa mga progrmang sinasabing "sustainable." Halimbawa nito'y ang Alitaptap Cooperative ng mga Ayala sa may Balara, at ang pamimigay ng computer units sa mga paaralan ng PLDT. Bukod pa syempre ang popular na inisyatiba ng Gawad Kalinga.
Sa simplistikong pagsusuri'y nakakatuwa ang mga progrmang CSR ng iba't-ibang kumpanya. Animo'y feel good movie na kahit sino pwedeng magbago ng sistema gaano man kaliit, o kaya nama'y ang ripple effect ng isang mabuting gawain na mala-pay it forward ang drama.
Ngunit ano nga ba ang motibasyon ng mga kumpanya para sumuong sa isang kampanyang CSR? Ayon sa isang suri nina Sarah Raymundo at Bogart Jaime, "The discourse of corporate social responsibility is a conjunctural shift and not a permanent "change of heart" among monopoly capitalists." Ani pa nila, isa lamang ito sa istratehiya ng kapangyarihan para "ma-contain" ang sariling likhang krisis ng kapitalistang sistema. Hindi ba kakatwang bigyang pasasalamat, papuri at pagkilala ang mga institusyon at taong nagdala, mintina, at kumakatawan sa sistemang lumilikha ng kahirapan. Na kung tutuusin ay kaipokrituhan dahil ang sinusolusyunan ay ang epekto ng pananamantala (na ka-uri rin nila o sila mismo ang promotor) sa tunay na manlilikha ng yaman. At ang perang ginagamit sa mga programa ay mula rin naman sa pagsasamantalang yun.
Hindi na rin nakakagulat na maraming intelektwal at peti-burgesya ang na-eengganyo sa ganitong pamamaraan. Dahil hitik sa neoliberal at romantikong nosyon ng pagbabago, natural lamang na lapitan ng subscribers sa neoliberal na ideolohiyang. Sa pagpopormula ng pamamaraan ng pagbago, tinatanggi, malay man o hindi (pero mas malamang ay malay) ng mga kumpanya ang mas komprehensibo at tunay na rebolusyunaryong praktika. Ang mga pamamaraan kikilalanin ay yaong sang-ayon lamang sa 'reproduksyon ng kondiskyon sa produksyon.' Sa gayu'y pinoposisyon ang kahirapan bilang tolerable Other. Na para bang wala silang kinalaman sa kondisyon ng 'tinutulungan' nila.
Dahil nga sa malabnaw na pagsusuri (at gayu'y pamamaraan ng pagtugon) mas kaaya-aya sa burgesya (na relatibong mas kumportable ang posisyon sa neoliberal na kaayusan kumpara sa mahihirap) ang isyung panlipunan. Prinoject sa kanila ang ego-ideal ("pagtingin ng sarili sa sarili para maging kaaya-aya sa sarili," ayon kay Raymundo at Jaime) na 'kasama ka sa pagbabago ng mukha ng kahirapan,' at kung gayu'y wala kang kinalaman sa kung bakit sila naghihirap. Madalas sa hindi, kasinungalingan ang ego ideal. Konti lang ang gustong maging kontra-bida, umamin pa kaya. Masasabing, sa pangkalahatan ay di malay ang mga subscriber, dahil na rin siguro sa pinatabang ego na humahadlang sa sistematiko't tunay na historikal na pagsusuri.
Corporate Social Responsibility is the New Benevolent Assimilation. Same shit, purportedly different asshole.

*****

6 komento:
Kamakailan lang napanuod ko rin Eman yung compilation ng 10 mayayamang tao sa Pinas. Pinakita yung mga kwento nila at pag-aari, sa huli, ipinakita ang tila sinasabi mong corporate social responsibility. Binili ko yung life story nila pero sa social responsibilty, tama ka mga tae sila.
di ba tol nakakagago? yung ipangtutulong sayo yung ninakaw din sa'yo? let me hear you say "fuck that shit!"
Tama, mga "nagtatalik na tae kayo, mga ulol.."
panalo! parang lasing ka lang stray ah.
Pano sa tingin ko hindi naman social responsibility yon, kundi limos at mumo mula sa kanilang hapag. Teknik para lituhin ang mga dukha na sila ay maka-tao, maka-kapwa at makabansa.
Pag yaman ko, matutupad ang tunay na pagbabago. Hehehe..
ayus! the straycat foundation for stray cats!
pero tol tingin ko, sa 'simpleng' page-endorso mo ng mga pelikula, nakakalikha ka na ng pagbabago. hal. humahaba ng humahaba ang listahan ko ng di pa napapanood na dapat panoorin. hehe.
Post a Comment