30.8.06

Palakpakan


“There will be no pictures of you and Willie May pushing that shopping cart down the block on the dead run, or trying to slide that color television into a stolen ambulance. NBC will not be able predict the winner at 8:32 or report from 29 districts. The revolution will not be televised.”

- sipi mula sa “The Revolution will not be Televised” ni Gil Scott-Heron


Tinaksil ng panahon ang mga anak ng Gutenberg. Kasabay ng labas ng unang libro ang pagkakalat ng kapangyarihan sa porma ng impormasyon. Karunungan. Kung gagamitin ang balangkas ng mga materyalista, ang panahon ng Gutenberg ang isa sa maraming ina ng burgesyang sumulpot sa Europa.

Nagtagumpay ang burgesya sa kanilang rebolusyon. Halimbawa na lamang ang rebolusyong Pranses. Sa pagkakataong ito, ang bagong uri, ang burgesya na ang may hawak ng kapangyarihan – politkal, ekonomiya, maging kultural.

Kung muling susundan ang balangkas ng mga materyalista, ang kasaysayan ay pinapagulong ng internal na kontradiksyon. Ang tanging mapagpasya salik ng mga kontradiksyon. Idagdag pa dito ang pahayag ni Mao. “Tao, hindi bala ang magpapanalo sa rebolusyon.” Kung ganito nga ang sitwasyon importante ang pormasyon ng ideya sa pagtatagumpay ng panglipunang pagbabago.

Natural lamang na pigilan ng burgesya ang rebolusyon. Tulad lang ng natural lamang sa mga api na magrebolusyon. Ito ay hubog ng kanilang kaganapan. Ang kaibhan lamang ay ang pagbubukas ng mga benyu para mapadaloy ang kapangyarihan.

Bagama’t hindi lubos o materyal na kalayaan. Sa pagkakataong ito malaki ang papel ng internet bilang ideological state apparatuses. Ano ang ipinapahiram na kapangyarihan ng internet, kahit ng blogging, sa mga nilalang na ang kapangyarihan lang ay tumunganga? Ibinukas nito ang ekonomiya ng kapangyarihan sa konteksto ng pag-aari ng mga ideya. Ani ni Rolando Fernandez, “democratized.”

Sa panahong ang mga boses ng mga gutom ay tinatapatan ng tingga, ang mga “maliliit” na subersyon ay lumalakas. Hanggang sa maipon ito, sinlakas ng isanlibong dagundong ng kulog.

1 komento:

Anonymous said...

Nakakalakas ng loob. lalo na sa mga katulad nating peti-b na naniniwala pa rin sa pag-asang dulot ng reb. at lalo na rin sa mga katulad kong peti-b na tigang sa kaalamang pulitikal, sa kaisipang analitikal, at sa makabuluhang pagsusuri. Nakakabuhay ng dugo ang makapagbasa ng iyong mga likha, lalo na sa mga panahong tulad nito. Salamat.

nahatak ng sentro de grabedad