Nitong huli ay nahihilig ako sa psychoanalysis, dahil na rin sa labi ng mga naaalala ko mula sa sulatin ni I. Cruz hinggil sa bomba films at ng pelikula tungkol sa kalaguyo ng ni C. Jung (nakalimutan ko ang titulo). Basa-basa-basa ng mga batayang konspeto. Ego, id, super ego. Repression, projection, fixation. Pleasure, punishment. Hanggang sa matuntun ko si Lacan.
Naawa ako kay Lacan sa una kong pagbasa ng maikling tala ng kanyang karera. Tatlong beses napatalsik/umalis sa organisasyon. Dalawa pa sa tatlong organisasyung ito, sya ang nagtayo. Basa-basa-nosebleed-basa-tulog. At natuntun ko nga si Slavoj Zizek. Pamilyar ang pangalan. Nabanggit at ginamit na ni T. Marasigan, at R. Tolentino ang ilan sa konsepto ni Zizek. Mukhang interesante. Kaya naman natuwa ako ng makita ko ang isang post tungkol kay Zizek na Q&A ang porma.
Naisipan kong sagutin rin ang mga tanung kay Zizek.
(Bakit nga ba gusto kong sagutin ang tanung? Isa ba itong primal instinct na nabubuhay tuwing nakakakita ako ng listahan ng mga tanung? Ito ba ang manipestasyun ng aking id na nakawala mula sa super ego? Epekto ba ito ng mahabang exposure sa friendster? O di kaya’y fixatation o frustration sa slumbook nuong early 90s?
Kung anu man, kasalanan ito ni Zizek!)
When were you happiest?
Ayun kay M. Bhaktin, ang proseso ng pagtae ang nagkokonekta sa atin sa kamatayan. Ang tae bilang produkto patay na na lumalabas sa isang buhay na katawan. Kumbaga, ilang parte ng sarili ang namamatay tuwing tumatae. Bukod dito, importante ang pagtae para mabuhay. Inangat pa ni Bhaktin ang diskurso ng pagtae sa pulitika ng katawan. Na ang pagtae ay kabilang ang iba pang aktibidad ng ibabang bahagi, tulad ng pag-ihi, at pakikipagtalik (penetrasyon), ay hindi kaaya-aya o di katanggap-tangap ilantad (sa kaso ng pagtatalik). Kaya ito itinuturing madumi at imoral. Sa kabila ng ganitong pagtrato, hindi pa rin maitatangging esensyal sila sa pagmintina ng buhay.
Kung di tayo tatae, malalason ang ating katawan na ikamamatay natin. Kaya masaya ako pagkatapos kong tumae.
What is your greatest fear?
Ang makalimutan ang lahat ng aking alam, gaanu man kawalang kwenta. Mahina kasi ang aking memorya, katumbas lamang ng singkwentang goldfish ang kapasidad nito. Kaya nga ako nag-blog, contingency kung sakaling magtuloy-tuloy nga ang pagkasira ng aking alaala.
What is your earliest memory?
Pinakanatatandaan ko nung namantal ang itlog ko matapos sumakay sa kabayo. Wala kasing sapin, balat sa balat, kumbaga. At di pa ako pinag-bri-brip nun.
Which living person do you most admire, and why?
Marami. Isa si Palparan. Bihira kasi ang (halatang) baliw na sumisikat at nagkakaroon ng posisyun sa gubyerno. Bukod dun, hangang-hanga ako sa internalisasyun pinagdaan nya. Na sa palagay ko ay sobrang bangis kaya naman humantong sya sa puntong nakabuo siya ng awtoridad na moral para pumatay. Kumbaga'y nakalikha sya ng sariling katotohanan.
What is the trait you most deplore in yourself?
Nitong nakaraan, nagusap kami ni H. Kinumpirma nya (naming) ang sabi ng aking guidance councilor nung kolehiyo. Underachieving daw ako. Masyado akong kampante.
What is the trait you most deplore in others?
Masyado silang kampante.
What was your most embarrassing moment?
Ang mabigyang parangal para sa isang bagay na bagama't ginawa ko nga ay hindi ko ipinagmamalaki. Mas gugustuhin ko na lang hindi ma-credit.
Aside from a property, what's the most expensive thing you've bought?
Cross trainers ng New Balance. Nagdesisyun kasi akong maging physically fit kaya napabili akong ganun. Ayun, mukhang bago pa rin.
What is your most treasured possession?
Mga libro naming ni H. Pinakapaborito ko sa mga iyun yun nalagyan na namin ng tala.
What makes you depressed?
Ayokong ginagamit ang salitang depressed dahil na rin sa sinusuway ako ni H tuwing ginagamit ko ito. Hindi lang daw basta basta ang diagnosis ng depression. Tuwing ganun nade-depress ako.
What do you most dislike about your appearance?
Mukha ko sana kaso wala na magagawa dun. Kaya pangit ang posture ko na lang. Na alam kong magkakaroon ng manipestasyon pagtanda ko.
What is your most unappealing habit?
Tuwing nakakaranas ako ng matinding emosyon, di ko mapigilang kumurap-kurap-kurap-kurap-kurap.
What would be your fancy dress costume of choice?
Di ko alam.
What is your guiltiest pleasure?
Natutuwa ako tuwing nabubuksan na ang brief case na naglalaman ng 2 million.
What do you owe your parents?
Palagay ko di naman sila naglilista. Pero kung sakali, isang masarap na hapunan siguro, oks na.
To whom would you most like to say sorry, and why?
Sa aking mga naging guro (yung matitino lang sa kanila). Dapat, nakinig ako ng mabuti kahit na hindi ako sumasangayun madalas.
What does love feel like?
Parang meryenda ng mainit na kape't pandesal na may kesong puti.
What or who is the love of your life?
Memorya.
What is your favourite smell?
Gusto ko ang amoy ng pakwan at ng deodorant ni H.
Have you ever said 'I love you' and not meant it?
Hindi, isa lang kasi sinasabihan ko nun.
Which living person do you most despise, and why?
Mga pa-artist na masyadong pa-weird. Di naman siguro rekisito ang ka-weirduhan para maging artist. Si B. Cab ba weird? Si B. Lumbera ba weird? Palagay ko hindi. Ang ka-weirduhan ng mga katulad ni K. Tahimik at J.C.Reyes ay bunga ng kanilang kakaibang pananaw daigdig at hindi pa talaga dahil gusto nilang maging weirdo. Feeling ko lang talaga.
What is the worst job you've done?
=concatenate(Excel. Tipa. Ctrl + V, Ctrl + C) (repeat until necessary)
What has been your biggest disappointment?
Ang pagkaitan ng rekomendasyun sa simpleng rason na tamad ang magbibigay.
If you could edit your past, what would you change?
Hindi ako mag-e-enroll sa Com Sci. At mag-aaral akong mabuti.
If you could go back in time, where would you go?
Di ko alam.
How do you relax?
Basa ng kung anu liban sa teoretikal eklachuchu.
How often do you have sex?
Pareho kami ng sagot ni pareng Zizek.
What is the closest you've come to death?
Tingnan ang unang tanung.
What single thing would improve the quality of your life?
Memorya.
What do you consider your greatest achievement?
Wala pa. Work in progress, sabi nga nila.
What is the most important lesson life has taught you?
Na laging may pagpipilian, hindi nga lang laging ka-aya-aya ang mga ito.
Tell us a secret.
Bakit?
10 komento:
angas ng mga sagot. nag-enjoy ako lalo na sa:
What is your earliest memory?
Pinakanatatandaan ko nung namantal ang itlog ko matapos sumakay sa kabayo. Wala kasing sapin, balat sa balat, kumbaga. At di pa ako pinag-bri-brip nun.
Astig ka talaga.
ang kati nun tol pramis. tanda ko pa lola ko, sinuway ako kasi inubos ko alkohol sa itlog ko.
pag nangyari sa iyo yun palagay ko di mo maiisip na maangas nga. hehe.
hahaha.. ano moral lesson tsong? wag ubusin ang alkohol..
ang moral lesson, laging mag-brip. kaw rin tol, sagutin mo nga rin mga tanung na yan. para pag mala-zizek ka na meron ka na q&a. hihihi.
nabasa ko yung mga sagot ni zizek, ang yabang ah! yung mga sagot mo naman, pwede na may konting angas. hahaha! peace kapatid. :D
Sino ba si zizek? at tila maimpluwensya sa pagbri brip ni eman. hehe..
mag-aaral ng pop culture. mukha ngang maangas sagot ko. 2 na kayong nagsabi eh. ca, sagutin mo rin mga tanung ni zizek. hihi. di ba may ganitong post, tag ata tawag. tag kayo ni stray.
yang mga tag na yan, iniiwasan ko eh. hehe! di ko muna sasagutin man, di ko alam pano tapatan yung mga pamatay nyong sagot lalo na yung sagot ni zizek ukol sa tanong na 'how often do you have sex?' hahaha!
hihihi. wala ka namang kelangan tapatan sa sagot ko. hihihi. pero sige oks lang kung ayaw.
p.s. si stray di pwedeng umayaw.
Hmmm. Magandang ideya. Hehe. Pero baka iba ang gayahin ko. Makikita mo rin minsan. Hehe.
Post a Comment