17.9.08

Ang Ating Bagong Panatang Makabayan*

Iniibig ko ang Filipinas,
Aking lupang sinilangan,
Bayang matagal nang nililinlang
Ng makasariling mga opisyal,
Kinukupkop ako at iminumulat ngayon
Na mahalin ang totoo
At itakwil ang pinunong sinungaling.
Dahil mahal ko ang Filipinas,
Susuriin ko ang mga panukala
Ng mapagsamantalang politiko,
Tutuparin ko ang mga tungkulin
Ng mamamayang makabayan,
Nagsusuri, nagdarasal at kumikilos
Upang magtagumpay ang katotohanan.
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap
Sa malayang Filipinas.

* Mula sa site ni Prop. Bienvenido Lumbera. Sabay-sabay itong binigkas sa Truthfest, Baywalk, Roxas Blvd. noong nakaraang Augusto 22.

Masasabing ang dating Panatang Makabayan ay tulad ng "4 legs good, 2 legs bad" mantra sa nobela ni G. Orwell na Animal Farm. Sa gawa, naisabuhay at internalized na ng karamihan sa mga hayop ang mga salita. At kung gayu'y tumagos na sa kanilang kilos at kamalayan. 

Kaya mainam na nagkaroon ng ganitong alternatibo ng dominanteng interpelasyong pinagdadaanan natin mula pre-school hanggang high school. Sa gayu'y napapatanung tayo, may saysay pa ba't laman ang Panatang Makabayan? Wala. Dati nang wala. Ang lumang panatang makabayan ay paglalatag lamang ng retorika at panuntunang kinakailangan ng Estado para magpatuloy ("tutuparin ... at masunurin sa batas"). At bagama't may salitang makabayan, ito'y nananatiling retorika lamang, ayun na rin sa pangangailangan ng gahum.

imahe mula sa http://cache.daylife.com/imageserve/04ZX0jceaM7NM/610x.jpg

5 komento:

Straycat260 said...

"Bayang matagal nang nililinlang
Ng makasariling mga opisyal,"

Ayon ako rito, sobra. Dapat kasi may mabitay sa Pinas para matigil ang mga manlilinlang at tiwali.

Pasyon, Emmanuel C. said...

naku tol, baka magkaroon ng crisis of leadership nyan. siguradong di lang kalahati ang mababawas. tsaka san naman ililibing yun? mauubos lupa sa pilipinas. ang suggestion ko, itali silang lahat tapos isabit sa rocket. one way ticket to the sun.

pero kasi di talaga mauubos ang tiwali hanggang ganun pa rin ang sistemang lumilikha sa kanila.

Straycat260 said...

tama, mauubos ang lupa ng pinas sa dami ng mga tiwali. nakakalungkot din sa isang banda, parang kanser na terminal.

Naalala ko tuloy yung essay na test sa isang subject ko nung college, "ano ang dapat baguhin ang tao o ang sistema?"

Pasyon, Emmanuel C. said...

naniniwala ako na kasabay ng pagbago ng sistema ang pagbabago sa tao. hindi sila hiwalay na entidad, bagkus, ang sistema ay pinagpapatuloy ng tao, ang tao naman ang bumubuo ng sistema. atsaka world peace tol, world peace.

p.s. feeling ko dinaya ka ng titser mo. false dichotomy ang tawag sa ginawa nya. hindi mo naman kelangang mamili ng isa lang dahil hindi magkahiwalay ang dalawa.

Straycat260 said...

Sabi naman ng isa kong prop na sumalangit na ang tanong daw na "ano ang dapat baguhin, tao o sistema" ay gaya na rin ng tanong na " ano ang nauna, itlog o manok?"

Eman, ano ba talaga kasi ang nauna, itlog o manok. Pakisagot nga. hehehe..

nahatak ng sentro de grabedad