Wala na ang lingering camera movements ng poverty films at surrealist look na ang artist at manunulat ang pangunahing tauhan. Na-Hollywood-ized na ang indie films, o nagmistulang indie films sa U.S. na nag-aantay ma-pickup ng major studio. Na kaya na lamang indie films ang mga ito ay dahil hindi pa nga naipapalabas—bagamat kahit ngayon pa lang ay nangangarap na—sa komersyal na sinehan.
~ Roland Tolentino sa Indie cinema bilang kultural na kapital
5.8.08
R. Tolentino, ukol sa Hollywoodization ng Indie Cinema
Labels:
Cooptation,
Kontra-Gahum,
Pelikula
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Mga Katha(ngahan)
-
▼
08
(250)
-
▼
8
(23)
- Eddie V. Claims Hurricane Katrinia Caused By Legal...
- Ukol sa Kritisismo, K. Marx
- Banksy Strikes America!
- To Sleep Less And Dream More
- Dancing with the Green Fairy
- Where's Kuya Kim when you need him?!
- The 80's (or when jacko wasn't a pedo (yet) post)
- What Have We Learned So Far?: Singing and Killing ...
- Unang Tangka sa Pagsasalin*
- Ms. Hilton thinks this blog is Hot!
- Kung sakali mang atakihin tayo ng mga zombies*
- 080808
- Singing in the rain
- Resolve
- 'Indi na Indie*
- R. Tolentino, ukol sa Hollywoodization ng Indie Ci...
- I know there's a rule of three, but could we make ...
- Beg Bikes!
- Pimp My Ride
- BAWAL ANG MGA MAHIHIRAP DITO!
- He Plays The Part
- Of Bus Rides And Other Things
- Thinking Differently
-
▼
8
(23)
9 komento:
Anong ibig sabihin ng poverty films?
mga pelikulang kahirapan ang sentral na tema o diskurso. (ata). stray may nahanap rin pala akong pusa rin. si pusang maganda.
ganun din pagkakaintindi ko e, pero di lang naman tatalakay sa kahirapan gaya ng Tirador, Kubrador at Serbis ang isang pelikula para masabing indie ang isag pelikula.
Independent films are generally defined as films financed and distributed by sources outside today's Big companies like Star Cinema, GMA films, Viva, Regal, MGM, Paramount, Warner Bros. etc.
may punto ka pards. pero palagay ko, hindi lang ito usapin ng pinansyal, bagkus, kelangan nitong tawirin ang impluwensya ng dominanteng balangkas. indie(pendent) sa mga kaisipang bulok at dogmatiko. samakatuwid, nagaalay ng mapagpalayang kaisipan at perspektiba. sa puntong ito, hindi na lamang sila indie (sa paningin ko), kundi alternatibong cinema.
ang indie films ay di lang naman ukol sa financing source nito, kasama rin dito ang "indie spirit" na ang content at motivation sa paggawa ng pelikula ay kaiba sa mainstream cinema. tama ka na parating mainstream studios ang "ka-relasyon" ng indie films, pero pati mode of reception ay kabahagi rin nito--sa ngayon, kabataang culturati ng Metro Manila ang pangunahing audience ng indie films.
ibig sabihin din nito, ang poverty films ay hindi lang backdrop ng melodrama o aksyon sa indie films, tulad ng mainstream cinema, ito ang malinaw na social context kung bakit ganoon kumikilos, naghihirap at nagnanais makalaya ng mga karakter sa pelikula. at sa huli, walang ganap na paglaya sa kahirapan, di tulad ng tagumpay sa mainstream cinema.
Kung ganon ano ang tunay na katuturan ng salitang indie?
Sa ganang akin na walang pormal na pag-aaral sa film, isang bagay ang klaro at malinaw, ang indie ay hindi komersyalisadong pelikulang napapanuod sa SM at iba pang mall. Walang naglalakihang artista kung saan sila ang tunay na binabayaran at di ang pelikula. Sa napanuod ko sa Cinemalaya tila nasagot nito ang pangangailangan ng mga taong mapaghanap sa pagbabago at rebulusyon sa sining ng pelikula.
Nasa pangit na giling ba ng kamera ang tunay na katuturan ng indie. Hindi ba dapat polished ang dapat na makita para masabing indie ito. Kailngan bang ang mababahong kanal at pusali gaya ng mga pelikula ni Brocka o ang mga nakilalang pelikula gaya ng tirador, kubrador at serbis lang lagi ang tema para masabing indie ito.
Sa ganang akin, ang maipalabas ang isang pelikula na di sumailalim sa naglalakihang film outfit na hayagang niloloko lang tayo sa samut-saring pormula na pare-pareho lang at walang pinagkaiba ang hindi indie.
Masasabi bang labag sa dogma ng isang manggagawa ng pelikulang indie ang mapansin sa ibang bansa. Nababawasan ba nito ang saysay ng pagnanais nitong bumuo at magpakita ng ibang kwento?
Sa pagpasok ng Cinemalaya para magpondo ng isang pelikulang indie, nababawasan ba nito ang hangarin o nakatutulong ito na magtaguyod na maglabas ng mga pelikulang naiiba.
At para sa mga kabataang culturati na nababanggit na pawang taga-Maynila na nagtitiyagang makanamnam ng ibang biyaya, magmumukha ba silang kakatwa? O magagamit silang agent ng pagbabago at maghanap pa ng mas bago.
Panghuli, sa paglabas ng indie sa sarili nitong cocoon para sa kamalayan ng mangilan-ngilan patungo sa mas nakakarami, isa ba itong masamang imahe? Hindi bat dapat mas magpursige ang indie filmakers na makuha ang mainstream ng bumaba ang talent fee ni ate Vi at ni Shawie?
1. Sa asersyun mong "Sa napanuod ko sa Cinemalaya tila nasagot nito ang pangangailangan ng mga taong mapaghanap sa pagbabago at rebulusyon sa sining ng pelikula."
Kung gayu'y napanghawakan nga ng mga pelikula tinutukoy mo ang "ispiritu ng indie." Tulad ng asersyun ko sa ibang post, hindi dapat tingnang awtomatikong tag ang indie, na porke't kasama sa prestihiyosong Cinemalaya ay indie na.
2. "Nasa pangit na giling ba ng kamera ang tunay na katuturan ng indie. Hindi ba dapat polished ang dapat na makita para masabing indie ito. Kailngan bang ang mababahong kanal at pusali gaya ng mga pelikula ni Brocka o ang mga nakilalang pelikula gaya ng tirador, kubrador at serbis lang lagi ang tema para masabing indie ito."
Hindi pa siguro estetika ang usapin kundi intensyun at motibasyun ng gumawa ng pelikula at posisyun ng likha. Patawad kung nagmistulang romanticized at purist ang post ko . (Mukhang na-de-contextualize ko ang sipi mula sa sulatin ni Prof. R. Tolentino)
Marahil ang "gaspang" na tinutukoy ay mas bunga pa ng teknolohikal (o di kaya'y pangkalahatang lohistikal) na limitasyun. At dahil na nga sa pag-unlad at pag mura (relatibo sa dati) ng lohistikal na pangangailangan sa paggawa ng pelikula, nagiging "makinis" ang likha. Bukod pa dito ay "na-democratize" (kahit papaano) ang kaalaman kailangan sa paggawa ng sine.
Sang-ayun akong hindi rin lang kanal at pusali (kadugyutan) ang criteria sa kategorisasyun ng isang pelikula. Tulad nga ng nauna kong asersyun, mas intesnyun at motibasyun ng gumawa, at diskursong dala ng pelikula ang mapagpasya.
3. "Sa pagpasok ng Cinemalaya para magpondo ng isang pelikulang indie, nababawasan ba nito ang hangarin o nakatutulong ito na magtaguyod na maglabas ng mga pelikulang naiiba."
Sa isang banda, oo ang sagot ko dito. Totoong tulay ang pondong inaabot ng Cinemalaya, ngunit, tulad ng nabanggit sa isa pang sulatin, nagiging gatekeeper ang nasabing institusyun. Bagama't nakakalusot ang mga ideyang mapagpalaya, masasabing transgresyung lisensyado (ayun nga kay T. Eagleton) lamang ito ng institusyun. Sa kabila nito, hindi ko tinatawaran ang potensyal na dala ng mga ideyang nakapasok. Nga lang, palagay ko'y mas malayang makapagsasaksak ng ideya sa pelikula kung hindi tali sa layaw ng screening committee.
5. "At para sa mga kabataang culturati na nababanggit na pawang taga-Maynila na nagtitiyagang makanamnam ng ibang biyaya, magmumukha ba silang kakatwa? O magagamit silang agent ng pagbabago at maghanap pa ng mas bago"
"Hindi awtomatiko" ang sagot ko para dito. Bagama't may ilang porsyento ng manonood ang may ere ng pagka-artsy-fartsy (na dumalo lang para masabing napapabilang sa culturati, mala-bohemian ang drama sa buhay), naniniwala akong may namulat sa mga mapagpalayang iskursong inilatag ng ilang pelikula. (At umaasa rin akong may kikilus para panindigan ang mga ito.)
Bukod dito, makikita na maging ang Cinemalaya ay nililimitahan ang mga makakanamnam. Sa pagpapataw pa lamang ng tiket ay hiniwalay na sa potensyal na merkado ang walang mga pera. Bukod dito, sa palagay ko'y antagonistiko rin para sa mga wala o kulang ang kultural na kapital ang "pagka-artistic" ng moda ng festival. Magbabayad ba sila para sa isang pelikulang walang katiyakang maiintindihan, o pagpapahalagan man lang? Palagay ko'y mas pipillin pa nilang bumili ng pagkain.
Bukod pa dito ang katangian ng nauna at primaryang benyu, ang CCP, na masasabing marahas sa mga walang pera dahil na rin sa layu at lokasyun nito. Bukod pa sa mismong istruktura nitong masasabing nang-o-other ng hindi culturati.
5. "Panghuli, sa paglabas ng indie sa sarili nitong cocoon para sa kamalayan ng mangilan-ngilan patungo sa mas nakakarami, isa ba itong masamang imahe? Hindi bat dapat mas magpursige ang indie filmakers na makuha ang mainstream ng bumaba ang talent fee ni ate Vi at ni Shawie?"
Sang-ayun ako sayo pards. Palagay ko'y ang pagtawid sa mainstream na merkado nga ang dapat (sana'y) tunguhin ng indie.
Salamat sa pagsubaybay, stray. Natutuwa ako tuwing nakakapagusap (?!) tayu ng ganito.
Salamat rin kay Prof. R.T. sa pagpapaunlak.
(wheew! ang hahaba naman ng mga komento nyo. si ba pwedeng "nice post" lang?)
Salamat din Eman sa pagpo-post ng ganto. Dami mo pala alam sa film e, baka direk eman ka rin? Hehehe..
Nga pala, isang mahalagang tanong ang gusto kong malaman. Ilang pelikula kaya sa Cinemalaya ang napanuod ni G. Tolentino? Napanuod kaya niya lahat?
hihihi. tesis ko kasi nung kolehiyo may kaugnayan dito.
naku, ikaw ang direktor, ako'y pawang PA mo lamang. hihihi.
di ko lang alam kung napanuod na nya lahat. tanungin mo sya. mabait naman si Sir T., sasagutin nya tanung mo.
(wala bang "nice post" dyan?)
Post a Comment