16.5.08

Sipon

Nito lang, naalala ko ang paliligo sa ulan.

Yung sisilong ka lang sa alululod na magmimistulang shower (walang shower sa probinsya). Kahit malamig (at naninigas na ang aming mga utong), sige pa rin, takbo lang ng takbo sa kalsada.

At kung tumila nga kaagad (at bitin pa), guguhit lang kami ng araw sa lupa at iihian namin ito. Sa pag-asang uulan muli.

Kung kailan pa ako lumaki saka pa ako sinisipon tuwing nauulanan.

* Salamat kay NS, sa pagpapahiram ng larawan.

4 komento:

Anonymous said...

nakanang. ang drama!

Nk. said...

i love the rain. =)

Straycat260 said...

"Kahit malamig (at naninigas na ang aming mga utong), sige pa rin, takbo lang ng takbo sa kalsada."

Astig yung utong. Hehehe.. anyway nakarelate ako kasi gawain ko rin nung bata ang paliligo sa ulan. Nung wala pa akong malisya sa mga kalaro ko. hahaha.. nice post tsong.

Pasyon, Emmanuel C. said...

salamat, stray. Ka-miss melego sa ulan.

nakaka-miss din yung panahong wala pa tayong malisya at kahit na bakat na utong ay di natin papatulan.

Mabuhay ang mga utong!

Mga Katha(ngahan)

nahatak ng sentro de grabedad