Hindi madaling maging ina. Lalo pa siguro ang hirap kung iba ang pangangailangan ng anak.
Sa Erick Slumbook (2004) ay binagtas ni Garcia ang pag-unlad ni Erick (at ng sarili na rin) sa larangang familyal at sikososyal. Matiyaga si Garcia, kita/ramdam ito (pag-akda o pangangalaga man ang usapin). Mula sa pagkadiskubre na awtistik nga si Erick, hanggang sa pagkatuto ng ating bida tumipa sa computer, andun sya. Beaming proudly (minsan), ika nga niya. Frustrated (madalas).
Sa kabila nito, hindi kailangan ng awa o hinayang. Dahil wala namang kailangang kaawaan o panghinayangan. Alam ito ni Prof. Garcia. Nalaman ko ito sa kanya.
Ang buhay ni Erick (at ni Fanny na rin; tali ang isa sa isa, sa maraming punto't dahilan) ay naging libro. Mula rito, ang libro ay nabuhay, naging organikong behikulo tungo sa pag-unawa sa awtismo at sa sinasabi ni Virginia Woolf na "angel in the house."
Marahil, para kay Garcia, ang slumbook ay paalala ng kanilang narating, at dapat pang puntahan. At sapagkat ang special child ay bahagi rin ng mundo.
* Si Prof. Fanny Garcia ay manunulat, mananaliksik, higit sa lahat, ina ni Erick. Kasalukuyan siyang tagapangulo sa Departamento ng Filipino sa De La Salle. Ilan sa mga naisulat ang Sandaang Damit (1994) at Apartment 3-A Mariposa St. (1994). Si Erick ay 18 taong gulang na ngayun (ata).
** Sa aking nanay, (na bagama't di ako awtistik ay nahirapan din) xoxo. Ang anghel sa aming bahay.
image taken from http://www.anvilpublishing.com/books.php?cat=010200

Pero ngayo’y alam na alam na alam ko nang autistic ka, anak. At mula nang malaman ko, ang buhay ko ay waring isang roller coaster ride ng mga emosyon…Gayunman, sasabihin ko pa rin sa iyo nang buong katapatan, paulit-ulit at ilang beses man, sakaling muli akong bigyan ng Lumikha ng pagkakataong tahakin pabalik ang landas ng buhay at pagkatapos ay muli akong magsimula at ngayo’y may opsiyon na akong pumili ng gusto kong gawin at hindi gustong gawin, walang pero-perong hahanapin at tatahakin ko pa rin ang landas patungo sa iyo, anak, susunduin kita at magkahawak-kamay at magkaagapay pa rin tayong maglalakbay.”
(Now I know so very well that you are autistic, my son. And since that day I knew, my life has been one emotional roller-coaster ride… But I tell you with all honesty, and I repeat this over and over, if the Creator would give me the chance to trace back my life and start again, if I were made to choose what to do or not do, I would have no ifs and buts in seeking and taking the same path toward you, my son, I will take you, and hand in hand we will make the journey together.)
~Fanny Garcia
* Si Prof. Fanny Garcia ay manunulat, mananaliksik, higit sa lahat, ina ni Erick. Kasalukuyan siyang tagapangulo sa Departamento ng Filipino sa De La Salle. Ilan sa mga naisulat ang Sandaang Damit (1994) at Apartment 3-A Mariposa St. (1994). Si Erick ay 18 taong gulang na ngayun (ata).
** Sa aking nanay, (na bagama't di ako awtistik ay nahirapan din) xoxo. Ang anghel sa aming bahay.
image taken from http://www.anvilpublishing.com/books.php?cat=010200
7 komento:
(Now I know so very well that you are autistic, my son. And since that day I knew, my life has been one emotional roller-coaster ride… "But I tell you with all honesty, and I repeat this over and over, if the Creator would give me the chance to trace back my life and start again, if I were made to choose what to do or not do, I would have no ifs and buts in seeking and taking the same path toward you, my son, I will take you, and hand in hand we will make the journey together.)
~Fanny Garcia"
Nakarelate ako ah. Pakiramdam ko ako si Erick.
di kaya ikaw si erick? hehe
basahin mo yan stray. ang sarap gawan ng screen play. sarap paglaruan ang pov. pwedeng mula sa mata ni erik (siguro ang labas nun yung parang sequence ni bono sa across the universe). pwedeng sa nanay ni garcia.
Wow. Thanks for posting this. I'd love to read more books on Autism. Hehe. May ganito pa lang mga libro sa DLSU.
Tamad ako magbasa ngayon tsong pag bumalik na ulit yung passion ko na magbasa, hahanapin ko yan kasi mukhang interesting.
Basa ka siguro ng basa.. Lalabo mata mo.
anvil po pub nung book. pero ang awtor sa dlsu nagtuturo. swerte rin dlsu kasi andun si isagani cruz (ata). highly recommended yang book lalo na kung interested ka sa autism or parenting.
ang pagbabasa ang nagpapaalala saking wag maging arogante, stray. tsaka matagal na malabo mata ko. hehe.
sana bumalik na ang hilig mo sa pagbabasa.
"ang pagbabasa ang nagpapaalala saking wag maging arogante, stray. tsaka matagal na malabo mata ko. hehe."
Naku di ako palabsa ngayon ng libro, ibig sabihin arogante na ako? Di ba may author din na Arogante yung apelyido..
"sana bumalik na ang hilig mo sa pagbabasa."
Kaso pag bumalik yung hulig ko ang babasahin ko naman tungkol sa kasaysayan tsaka agham panlipunan.
nyak. palagay ko di ka naman arogante. ako kasi may ganung tendensiya. kaya nakakabuti magbasa para sa akin. humbling experience, ika nga.
tsaka ayus lang yung kasaysayan at ap na babasahin. mahirap nga lang maentendehan minsan (sa madalas).
good luck at god speed (kung anu man ibig sabihin nun)
Post a Comment