|
Di ako sang-ayon sa resulta nito. Bukod sa tingin ko'y paradoxical na i-label ang sarili bilang post-modernist, hindi rin kasi talaga ako subscriber ng postmodernism sa pangkabuuan. Totoo, may ilang konspetong (sa pangambang maakusahan ng cherry picking) kaaya-aya at mapagpalaya tulad ng kotekstwalisasyon at desentralisasyon, ngunit nakalutang pa rin ito sa ere. Ang pagtangi na may katotohanan ay di nangangahulugang ng bukas na isipan. Tingin ko'y isang sintomas ito ng neoliberalismo kung saan ang lahat ng diskurso'y may pantay na bigat. Mas radikal nga lang pakinggan kung sa postmodernismo.
Anyway...
Tulad nga ng sa pop psych quizzes, umalagwa na naman ang fasinasyon ko sa self-diagnostics (nito lang ay nahihilig ako kay Lacan at Freud). Palagay ko'y signos ito ng kakulangan ko ng pansariling kamalayan. Maaari di ba? Pwede ring sabado ng hapon sa opisina at onting-onti na lang mamatay at nako sa buryong nang kunin ko itong pagsusulit. Isang posibilidad din yan.

Sa mga inggeterong katulad ko, nakuha ko ang pagsusulit na 'to dito, na una ko namang nakita sa kanya.
sorry, terry. peace na tayo ah.***
terry: (*keber*)
pahabol: may sexual undertone ba yung imahe sa taas? o malisyoso lang ba talaga ako?
ang litrato ng isnaberong si terry eagleton ay mula sa http://www.crescentarts.org/wp-content/uploads/2007/02/terry-eagleton-btl-2006-a.jpg
4 komento:
dahil sa di ka masyadong sang-ayon sa resulta papaalala ko na lang sa 'yo 'to "Meaning relies on context and even the language you use to describe things should be subject to analysis." hehehe, baka mood mo rin fren, malay mo bukas sang-ayon ka na. :P
di talaga frend ca. hehe. pero infairness, tinign ko napaka-convinient na posisyon nga ang pomo.
i wanna try the test! hehe
gogo alex, pero tandaan, wag masyadong seryosohin ang resulta. hehe.
Post a Comment