Nito lang ay nadownload ko ang buong Arkham Asylum, isang critically acclaimed graphic novel. Gusto ko sanang magkwento at gumawa ng rebyu tungkol sa nobela kung saan pinasilip ang kinahinatnan ng mga kaaway ng Dark Knight sa pinagkulungan sa kanila, ang Arkham Asylum (ang Mandaluyong ng Gotham), pero di pa talaga ako nakakalayo (mga page 5). Kaya wag muna.
Pansamantala, ito ang aking listahan ng mga nobelang (/gawang) filipino na nais kong maisalin sa porma ng graphic novel. Pindutin nyo na lamang ang mga larawan para lumaki. Tala: nirerekomendang patugtugin ang "Alaala ni Batman" habang binabasa (o tumitingin ng piktyurs).
1) mondo manila: kung paano ko inayos ang buhok ko matapos ang mahaba-haba ring paglalakbay ni Norman Wilwayco-- Ika nga nila, kung ang Brazil may Cidade de Deus, tayo may MondoManila. Kwento ni Tony De Guzman, ginago ng sistema, ginago ang sistema, sa kalauna'y naging parte ng sistema. Nanalo ng Palanca para sa pinakamahusay na nobela noong 2002. Ginawan ng spin-off na pelikula ni Khavn dela Cuz (na hanggang ngayun ay di ko alam pronounce ang pangalan).
Kasalukuyan naghahanap si Wilwayco ng magpopondo para maimprenta ang kanyang 2008 Palanca winner, Gerilya. Kung mayaman ka, magpresenta ka na para naman mabasa na namin 'to.
2) di lang anghel ni U.Z. Eliserio - Hindi tulad ng Good Omens. Tungkol sa mga mga anghel, demonyo, mga dating anghel, and everything in between (ika nga ng mga taga-Ortehgosh). Marami kang matutunan dito. Hal. anu ang paboritong manok ni Jesus? Bakit hinde magandang ideyang pangalanang "Christ"ang anak na babae (lalo na kung sosy ang pamilya nyo) (mali, sa "Suso" pala ito), at ang patungkol sa giyera. Parte daw ito ng seryeng sinimulan ng "Sa Mga Suso ng Liwanag." Nalibre ko lang ang librong ito kasama ang Sa Mga Suso... sa may pre-loved bookshop sa likod ng AS.
"Kuliti 2: Pagtatanggol sa Pag-ibig" ang pinakahuli nyang proyekto. [Patawad, wala akong mahanap na kopya ng cover sa internet. Kaya itong anghel na mukhang burlesk dancer na lang.]
3) Ali+Bang+Bang ni Roland Tolentino - Isa sa kauna-unahang kwentong nabasa ko. Bagama't hindi pasok sa kategorya ng isang nobela (korni ang kategorisasyon) kasama pa rin sa listahan ko. May pagka-magic realist ang dating (sa akin, eh malay ko ba sa labeling na yan). Back-to-back pa ito ng pitada ni Guieb. Interesante rin sigurong maisalin sa graphic na porma ang Palabok.
Tala: hindi lahat ng aswang masama. May mga taong nangaaswang din. [muli, walang imahe ng libro]
Anu, pakidnap na ba natin si Dave McKean? Ambagan na lang ha.
Dagdag: naglibot-libot ako sa deviant art. maraming mahuhusay na ilustrador, partikular yung klutosis. nakakatakot nga lang kasi parang may sakit syang nakakahawa dahil sa pinili nyang pangalan.
imahe mula sa: http://images.google.com.ph/imgres?imgurl=https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhzAKitRlT3xLC0tPicNYiW-7Agu5s1sx2PQkUz2y0jWM9G5bTrCM0FMMcSv1UzEtAGK98Oy9Xcu47uhnUYPwdRJzcJNeHYDZIV_iWm8P_NU3aRjI_XMbS_QJLuZ0HKXzz4pZG7/s400/vangogh.jpg&imgrefurl=http://tomztoyz.blogspot.com/2007/04/batman-in-art-history-funny-humor.html&h=320&w=400&sz=48&hl=tl&start=60&sig2=Xp10hpElryAHm5A2O87wmQ&um=1&usg=__UBiHJSkClmLvP-4bbGY4y1aPjds=&tbnid=cd6fnoJA6AGFAM:&tbnh=99&tbnw=124&ei=NAnvSNHXFpmQ6gP247zGBQ&prev=/images%3Fq%3Dbatman%2Bfunny%26start%3D40%26ndsp%3D20%26um%3D1%26hl%3Dtl%26client%3Dfirefox-a%26rls%3Dorg.mozilla:en-US:official%26sa%3DN
http://www.kamiasroad.com/mondoth.jpg
http://images.google.com.ph/imgres?imgurl=http://bp0.blogger.com/_cPczfwigsP4/R33C-girxWI/AAAAAAAAAdg/JyhnQPyJSAY/s400/alibangbang.jpg&imgrefurl=http://zchendevlemh.blogspot.com/2008/01/batibot.html&h=291&w=165&sz=8&hl=tl&start=46&sig2=lNKi2pnBVbkqRxvrFwimtA&um=1&usg=__xx_bSQjH5CNkI9dzJEEUQpB5QVU=&tbnid=-tno03U_UuM01M:&tbnh=115&tbnw=65&ei=ZjEZSfywC5Ge6gO3ubC9Dg&prev=/images%3Fq%3Dalibangbang%26start%3D40%26ndsp%3D20%26um%3D1%26hl%3Dtl%26client%3Dfirefox-a%26rls%3Dorg.mozilla:en-US:official%26sa%3DN
http://www.kamiasroad.com/mondoth.jpg
http://images.google.com.ph/imgres?imgurl=http://bp0.blogger.com/_cPczfwigsP4/R33C-girxWI/AAAAAAAAAdg/JyhnQPyJSAY/s400/alibangbang.jpg&imgrefurl=http://zchendevlemh.blogspot.com/2008/01/batibot.html&h=291&w=165&sz=8&hl=tl&start=46&sig2=lNKi2pnBVbkqRxvrFwimtA&um=1&usg=__xx_bSQjH5CNkI9dzJEEUQpB5QVU=&tbnid=-tno03U_UuM01M:&tbnh=115&tbnw=65&ei=ZjEZSfywC5Ge6gO3ubC9Dg&prev=/images%3Fq%3Dalibangbang%26start%3D40%26ndsp%3D20%26um%3D1%26hl%3Dtl%26client%3Dfirefox-a%26rls%3Dorg.mozilla:en-US:official%26sa%3DN
8 komento:
Mukhang magaganda ang mga nobelang ito ah. Parang nakaka-engganyo tuloy magbasa. Dami mo na pala nabasa.
Available pa ba to sa mga book store?
medyo mahirap hanapin mga librong ito, kapatid. yung kay wilwayco subukan mo sa popular bookstore. sa up faculty center, o di kaya'y sa may pre-loved bookshop sa likod ng AS walk yung kay eliserio. maaari kang makakita ng alibangbang atbp kwento sa up press, o kung swerte sa national. pero bihira yung alibangbang na back-to-back ng pitada. pag nakakita ka nun, jackpot ka tol!
i-hunting ko mga books na to. subukan ko rin gawan ng graphic novels ang mga toh, hehehe, ambition!
pahabol, di ako si dave, sigurado.
Hirap pala hanapin ang mga ito. de bale papahiramin mo naman ako di ba. Pa-xerox. hahaha..
go ca! ikaw si McCa! hehe
pa-xerox? hehe. sumbong kita sa mga publishers eh. kung mayaman-yaman ka sa disyembre, punta ka up. sigurado makakakita ka kahit isa dyan.
i love this painting of van gogh kulit mo ha c: bat mo sinira :p
iceah, si ca ang may sala. hehe.
paborito ko yung self portrait nya bago sya magputol ng tenga. asteeg
Post a Comment