12.2.09

Dear Mamang pulis, MMDA, militar (at kung sinu-sino pang pumopusturang enforcer, peacekeeper, at law enforcer)

Wag po kayong mahiya o matakot na magbayad sa bus. Natural lamang po ito, parte ng circle of life (ipapanganak-tatanda-mamamatay (maraming pwedeng isingit tulad ng pag-aaral oo kaya nama'y pag-aasawa), ika nga. At hindi porke't may 'badge not honored' na sign ay di na kayo ginagalang. di lang talaga naipapambili ng bigas ang inyong badge.

O baka naman nahihiya kayo sa kundoktor. Baka iniisip nyo i-reject nya ang bayad nyo. Baka humuhugot sa mapait na nakaraan ang traumang nararanasan nyo, dati na kayo na-reject, ayaw nyo na maulit pa. Kalimutan nyo na ang kung anu mang masamang karanasan patungkol sa rejection. Pupusta ko pamasahe ko, tatanggapin yan ng kundoktor. Naiintindihan ko kayo, minsan kailangan lang talaga nating harapin ang ating takot.

Nagmamahal,

E.P.


0 komento:

nahatak ng sentro de grabedad