15.7.08

UP: Ang Galing Mo! (O Kung Paano Malunod Sa Kalahating Basong Tubig)

"Ang UP Centennial ay nagbibigay-diin sa branding ng UP. Ang branding ay isang naratibong kayang bumenta nang higit sa aktwal na halaga. Ang Mercedes Benz ay luxury car. Ang Coke ay the real thing. Just do it ang Nike. Love ko ito ang McDonald. Langhap sarap ang Jollibee. Kaya nga willing tayong magbayad nang lampas sa aktwal na halaga dahil napapaniwala tayo sa inilalakong kwento ng mga produkto."

~ sipi mula sa "Queer na Politika at Selebrasyon ng UP Centennial" ni R. Tolentino sa kanyang bagong blog.

At kung paglalako nga lang ang usapin, magaling dyan ang UP.

Bago pa man rin makapasok, kinokondisyun na tayu ng mga mito nito. Kaya naman bumebenta ang mga UPCAT review centers tuwing summer. At syempre, andyan din ang makitid na kaisipang "UP or Others."

Sa mga mapalad, tuloy ang interpelasyun ng kamalayan. Unang araw pa lamang, kinukundisyun na sila ng UP Naming Mahal. At ang materyalidad nito - mga t-shirt na "UP ako, Ikaw?" at ang islogang "UP ang galing mo." Panu kung may sumagot na, Hende, oxford, o di kaya'y may nagtanung ng "saan?"

At aalingaw-ngaw ang "Matatapang! Matatalino!" (Na hindi naman palagi, at lalong hindi para sa lahat. ) Homogenising ang chant. UP, Matatapang, Matatalino. (Pero teka, di ba sa UP School of Economics galing si Arroyo?) Kelangan patatagin ang brand. Aggressive marketing ang istratehiya. At nalasing na nga tayo sa salitang premyado.

Sa paulit-ulit na pag-ulit sa islogan ay napapaniwalang tayong totoo nga ito. Na ito ay banal na karapatan mula sa itaas, na tayu nga ang piling mapalad. Na tayo'y di lamang organic intellectual (meron na bang nahukay?), bagkus ay natural din ang ating bangis.
At tulad ng UP Naming Mahal - isang laksang retorika, isa't kalahating kilong katarantaduhan.

Napapaniwala tayo ng mito, na na(gi)ging totoo dahil sa paniniwala natin dito.

1 komento:

Straycat260 said...

mind over matter..

nahatak ng sentro de grabedad