24.7.08

Pista sa Paete, Laguna

(ayun sa isang morning "news" program), kaya naman naalala ko ang tulang ito ni Pete Lacaba.

PASYONG MAHAL NI SAN JOSE
Jose F. Lacaba

Matay na niyang isipin
ang kabuntisan ng Birhen
anopa’t babaling-baling
walang matutuhang gawin,
ang loob niya’t panimdim.
—PASYON

Pait, katam at martilyo,
ibubulong ko sa inyo
ang masaklap kong sikreto:
hindi ko pa inaano
ay buntis na ang nobya ko.

Ang sabi ng anghel, wala
akong dapat ikahiya,
walang dahilang lumuha;
dapat pa nga raw matuwa
pagkat Diyos ang gumahasa.

Martilyo, katam at pait,
makukuha bang magalit
ng karpintero? Magtiis.
Ang mahina at maliit,
wala raw laban sa langit.

(circa 1970)

0 komento:

nahatak ng sentro de grabedad