Pamilya raw ang batayang yunit ng lipunan. Kaya naman mahalaga ang bawat bahagi nito. Ang nanay daw ang ilaw ng tahanan, ang tatay naman ang haligi nito. Samakatuwid, ang pamilya ang isa sa pangunahing institusyong humuhubog sa pagkatao ng isang bata (na siya rin namang dadalhin niya pagtanda.) Ngunit, paano kung ang mismong hulmahan ay dysfunctional?
Palagay ko’y ito ang tinalunton ng “Sa Mata Ni Ekang,” kwento ng tatlong taong gulang na batang maaga pa lamang ay namumulat na sa latotohanan ng kanyang munting mundo. Ang ama ni Ekang, traysikel drayber sa umaga, holdaper sa gabi. Ang kanyang ina, pusher at runner ng droga. Ang lola niyang grumadweyt na sa pagpuputa, ngayo’y bugaw na. Nandiyan rin ang kanyang tiyuhin na wala inatupag kundi mga sariling bisyo. Ito ang pangunahing tauhan (bida?) sa kwento ng buhay ni Ekang.
Sa totoo lang luma na ang kwento. Mahirap ang pamilya ni Ekang. Kaya napilitang mangholdap ang ama. Kaya nagtutulak ang ina. Kaya namumugaw ang lola. Malaki na ang lamat ng moralidad sa pamilya. Kataka-taka pa bang nagrebelde si tiyo? Kaya hindi na rin nakakagulat na sa murang edad na tatlong taong gulang, si Ekang ay kasing lutong na ng tsitsaron kung magmura. Normal na rin sa kanya ang ilang bagay na hindi itinuturing normal. Ilan nga bang bata ang nagagambala ang pagkakahimbing dahil sa malakas na pagkatok ng mga taong gigil na gigil magparaos at humiwalay sa mundo?
Sa biglang sulyap, simple lang ang istorya – holdaper ang ama, pusher/runner ang ina. Lahukan pa ng lolang bugaw at tiyuhing nagrerebelde. Kung ito’y isang pelikula, marahil nanalo na nga ito ng gantimpala. Ika nga, istorya pa lamang, patay na sila.
Anupa’t andito na ang sinasabing pinakamabentang sangkap ng isang produkto ng mass media – ang human drama. Hindi na rin siguro dapat ikagulat na akusahan ang may likha ng sensationalism. Bakit pa nga ba natin kailangang ipaalala ang sitwasyon ng mga katulad ni Ekang? Kailangan pa bang kantiin ang mga natutulog nang multo? Sa palagay ng grupo ni Kara David, oo. Sumasang-ayon naman ang ilang orginasisying naggagawad ng parangal para sa kategoryang dokumnetaryo.
Ngunit hindi natatapos sa karangalang nakamit ang istoryang bitbit-bitbit ng “Sa Mata ni Ekang.” Ang produkto ay nagiging tekstong pupuwing sa ating mga matang nakabukas pero di nakakakita (o pili ang nakikita). Luma na pero andiyan pa rin. At tinawid nga ng tekstong likha nina Kara David at Lloyd Navera ang “kategorya” ng isang simpleng “dokumentaryo” tungo sa pagiging diskurso.
Ito ang diskurso ng pamilya/tahanan – umaandap-andap na ang bumbilya at anumang oras ay maaring bumgay ang haligi. Ito ang diskurso ng moralidad at ng lipunang ipinamamayani ito, kasabay ng pagtanggal sa isang indibidwal ng kakayahang panghawakan ito. At ang pinakasimpleng diskurso, ang diskurso sa pagitan ni Ekang, nilalang na nasadlak sa posisyong hindi niya nilikha (o naiintindihan man lang) at kanyang pamilya, lipunan, mundo. Sa huli, pare-pareho tayo ng tanong. Ano nga ba ang kahihinatnan ni Ekang? Madaling sagutin, mahirap arukin.
Marahil, ambisyosong pangarapin na mula sa isang dokumentaryong tulad ng “Sa Mata ni Ekang,” na masasabing simple at ordinaryo ang paksa, magmumula ang panlipunang pagbabago. Hindi rin naman ata ganun karami ang naka(ka)panood nito. Pero kailangang magsimula, maliit ma’y simulain pa rin. At sa pagkakatanda ko, walang malaking nakakapuwing.
* Salamat kay BF sa binigay niyang atensyon sa gawang ito. Sana makalusot.
14.3.08
Sa Mata Ni Ekang, Isang Pamumuwing*
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Mga Katha(ngahan)
-
▼
08
(250)
-
▼
3
(25)
- The dot that
- CEGP 68th National Student Press Convention
- Ayon kay Jean Paul Getty,
- Not by Euripides
- Buryong Series (The Anagram Edition)
- Pagkaburyong, ayon kay Tolstoy
- Konti na lang...
- At Nakalusot Nga!
- Collateral Damage*
- Panahon na naman (Post-Valentine's Post)
- Janina San Miguel, I heart thee...
- Belated Happy Birthday
- Sa Mata Ni Ekang, Isang Pamumuwing*
- I am the eggman, they are the eggmen. I am the Wal...
- Talaga?! (parte ng buryong series)
- Ang Hirap Naman Maging Mayaman...
- Babae
- People's...
- Mukhang napapapadalas ang pagkaburyong ko...
- Better Late Than Later...
- EDSA (to the nth power (?))
- SENTENARYONG RADIKAL NG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS S...
- UP Naming Mahal
- Madali lang talaga akong maburyong...
- Free Seminar: I-Witness
-
▼
3
(25)
0 komento:
Post a Comment