Interview Portion sa Beauty Pageant at Katawang Kapital*
ni Rolando Tolentino
Usap-usapan ang mga sagot ni Janina San Miguel sa question-and-answer portion ng nakaraang Binibining Pilipinas. Naka-upload ito sa You-tube at masakit itong panoorin. Heto ang transcript ng interview sa host Paolo Bediones:
Bediones: So you won two of the major awards, Best in Long Gown, Best
in Swimsuit. Do you feel any pressure right now?Contestant: No, I do not feel any pressure right now.
Bediones: All right, confident! Please choose a name of a judge. We have Miss Vivian Tan.Vivian Tan: What role did your family play with you as a candidate to Binibining Pilipinas?Contestant: Well, my family’s role for me is so important. Because der was d… deyr… dey was the one… who’s very… haha… Oh, I’m so sorry. Uhm My pamily… my family, oh my god.Bediones (off-mike): Pwede mag-Tagalog. Sige lang, sige lang.Contestant: Ok. I’m so sorry.Bediones (off-mike): Okay lang yan.Contestant: I’m so sorry…I… I told you that I’m so confident. Eto, uhm, wait. Hahahaha. Uhm… Sorry guys… because this was really my first pageant ever. Because I’m only 17-years old! And ahahaa… I.. I did not expect that I came from, I came from one of TAF Ten… Mhmm… Sooo…. But I said DUT my family is the most important persons in my life. Thank you.
Nasa edad na ang bansa ng purong ideal ng katawan, wala nang usapin ng utak dahil “grace under pressure” naman talaga ang beauty contests. Kahit ano pang pagkakamali o kanipisan ng sagot, ang pagtatalon ng f at p, ang mahalaga ay confident na nakangiti pa rin ang batang contestant. Masyado nang mataas ang kahilingang beauty-and-brains sa isang bansang pinagdarahop ng pambansang pamahalaan ang pondo sa edukasyon, at winawaldas sa pangungurakot ang nalalabing pondo ng mamamayan. Mas malaking usapin kung karapat-dapat ba siyang manalong Bb. Pilipinas World, matapos nitong inaakalang karumaldumal na tugon sa interview portion. At sa mas malaliman, kung karapat-dapat ba itong maging ambassador of goodwill ng bansa?

Ang formulasyon ng dalawang isyu sa debate ay nagsasaalang-alang ng criteria ng paghuhusga at representasyon. Hindi naman liberal na demokratiko ang pagpili, nakabatay ito sa formulasyon ng angkop na representatibo sa mas malaking global na beauty pageant. Kaya nga ang nanalo ay may titulo ng kanilang magiging susunod na partisipasyon—Bb. Pilipinas Universe na sasali sa Miss Universe, Bb. Pilipinas World para sa Miss World, Bb. Pilipinas International para sa Miss International, at iba pa. Ang judges ay pumipili batay sa criteria for judging na iplinakda ng organizers ng Bb. Pilipinas. At ang organizers ay sumasapul naman sa higit pang tsansang manalo sa global na beauty pageants ng lokal na pambato.
Ang Bb. Pilipinas ay ang lokal na idioma ng bansa sa global na kumpetisyon. Tulad sa edukasyon, ang inihahandang graduates ay yaong hindi nakabatay sa pangangailangan ng lokal na industriya kundi ng global na negosyo. Kaya nga ang diskurso ng edukasyon, lalo na sa collegiate level sa negosyo, law at medisina ay sa ingles—mula textbook na ginagamit, kurikulum na ipinapatupad, diskusyon sa klase at ng exams na kinukuha ay nagpapalawig sa kultura ng pakikiramay na nakahiwalay sa lokal na saloobin at pakikitungo. Nakikiramay na lamang sa sariling pagnanais makaangat sa buhay.
Kontraktwalisasyon ang nagaganap sa Bb. Pilipinas. Kung ano ang demand sa global na market ng beauty pageants ay ganoon na rin ang isinasakatuparan. Wala nang mananalong punggok na Filipina, o masyado ring exotiko. Kailangan ay 5’8” at may Caucasian features kahit pa wala ang kaputian (whiteness). Samakatuwid, pangmodelo kahit hindi naman literal na nagmomodelo ng damit kundi ng metapisika ng kagandahan ng Bb. Pilipinas at Miss Universe, halimbawa.
Kaya ang mga nananalong Filipina sa lokal na kumpetisyon ay binibigyan ng crash-course sa bansang nakaperfekto na ng paglikha ng global na winners, ang Venezuela. Nire-redo ang national costume na nakabatay sa estetika ng Broadway kaysa sa anumang pambansang identidad, nirerepaso ang lakad at pakikitungo, at iba pa. Na kung dati ay breeding ang magbibigay nito, dahil historically naman, ang nananalo sa unang mga beauty contests, tulad ng Manila Carnival, ay galing sa alta-sosyedad na familia, at maging sa Marcos era na winners—Gloria Diaz at Aurora Pijuan ay galing sa muy bueno familia, ngayon ay hindi naman sa pumangit ang alta sosyedad kundi hindi na ito ang kalakaran para magkaroon pa ng dagdag na kapital.
Ang katawan ay may kapasidad mangapital. Kung dati ang paraan sa pangarap na pag-angat ay pagkuha ng pagpapari at medisina dahil natitiyak nitong bubuti ang buhay at nakakatulong pa sa kapwa; sumunod ay commerce dahil tiyak daw ang pagpasok ng pera kapag nagnegosyo; ngayon ay pag-aartista na. Kung may hitsura ang bata, lalo pa’t hindi pinalaki ng Milo at Promil, ay kasabay na pangangarapin ito ng pamilya at kapitbahay na mag-artista bilang lehitimo nang kapamaraanan na makaangat sa buhay.
Kaya hindi nawawalan ng panibagong Star Circle at Star Search, at pati Big Brother at iba pang reality TV ay nagiging aparato ng paghagilap ng bagong mukhang bebenta at maibebenta. Ang (matagumpay na) pag-aartista ang pinakamatayog sa pangarap. Kaya ang pagmomodelo, at pati itong beauty pageants, ay stepping stone lamang para maging artista. At sa babang lebel ng hierarkiyang ito, ang Japayuki at hostong entertainers sa niche market ng Japan, ang GROs at macho dancer na nakabase sa clubs, ang mga pokpok (sex worker) sa lansangan o nakatambay sa mall at plaza. Ang waiters, fastfood crew, hotel bell boys, SM cashier ay bahagi rin nitong entertainment service industry.
Kaya tama ang kanta ng Hagibis, lokal na bersyon ng Village People, na naging theme song ng matagumpay na sitcom noong 1990s, Palibhasa Lalake, “Katawan, katawan, katawan, ingatan ang inyong katawan.” Purong katawan, ingatan dahil pwede ngang pagkakitaan.
Hindi naman nag-a-apply sa call center si San Miguel. At kung mag-apply man ito, kasama ito sa 97 porsyento na babagsak. Kaya nga siya nag-beauty contestant ay dahil alam niya ang angkop na halaga at lugar ng kanyang katawan. Ang operative word ay “beauty” at kahit sabihin pang hindi ito skin-deep, ay ito pa rin ang pasaporte para sa realisasyon ng kanyang pangarap at ng kanyang henerasyon. Na sa kalakaran ng beauty contest, tanging mga graduate ng Unibersidad ng Pilipinas na sumasali at nananalo rito, ang nagdaragdag pa ng lehitimasyon sa papawala namang beauty-and-brains combo meal.
Ang kamulatan ni San Miguel ay kamulatang ipinatamo sa kanya sa pang-araw-araw. Ito naman ang bansa ng beauty contests. Mula sanggol, musmos, bata, teenager, bagong Misis, matandang babae, at maging para sa kalalakihan at bakla ay mayroong maaring salihan. Idinidiin ito sa telebisyon sa tanghali, model searches sa mall at plaza, fundraising sa fiesta, at Bb. Pilipinas sa Marso. At ito ang kamulatan sa katawan bilang purong ideal, walang organo, walang utak, purong posturing umaakibat sa modelo ng global na katawan.
Kontest ito—kumpetisyong nakabatay sa malinaw na pamantayan—na magpakaganito rin naman, ay hindi para sa lahat. Isa lang parati ang nahihirang na representatibo. At hindi naman ito opisyal na representasyon at representatibo ng bansa. Hindi pamahalaan ang pumili nito, kundi aparato ng estado. Umaalinsunod sa katawang itinatakda ng estado—katawang walang organo, walang utak, na ang tanging halaga ay gumaya sa ipinataw na modelo: mapa-call center agent ito na gumagaya sa twang ng native speaker, estudyanteng sistematikong pinagdarahop sa kamangmangan at kawalan ng pondo ng gobyerno at naniniwala pa ring makakaahon ito sa kanyang lagay sa malapit na hinaharap, o OCW na nagsasakripisyo ng katawan para sa ikabubuti ng iba.
Hindi nga ba’t ang katawan ng beauty contestant at winner, si San Miguel, ay inakda ni Gloria Arroyo ayon sa kanyang panuntunan—ideal na kagandahang pisikal, nanggagaya, exportable, at kung gayon, purong ideal ng katawan, na tila hindi binahiran ng korapsyon bilang pagtatago sa sistematikong pangungurakot at pag-aaruga sa kanyang mafia. Tulad ng katawan ni Manny Pacquio, ito ay may halaga lamang sa estado hanggang sa nagtatagumpay nang higit pang seduksyon at atraksyon sa aktwal na kapital. At ito rin ang sumpa ng katawan ni Arroyo, na ang pagkatagal na pagkapit sa bangkaroteng panungkulan at ang politikal na turmoil mula rito ay tatagos na sa ekonomiya, at ang kanyang sinasambit na statistika ng pag-angat ay isa-isa nang pinapaputok, tulad ng kumpiyansa ng negosyong nag-aakalang business-as-usual pa rin.
Retorikal ang pagtatapos sa interview portion sa beauty pageant. Ihuhudyat ng contestant na tapos na siya sa kanyang mumbo-jumbo sa katagang, “I thank you.” Na tunay namang rekognisyon sa hurado at estadong magbibigay-halaga at lehitimasyon sa kanyang katawan. Na kahit i-boo pa siya ng audience, na mayroong ibang manok na pambato, ay kinilala pa ring bilang ehemplo ng purong ideal na katawan kayang makapanghimok ng iba pang kapital at panlipunang lehitimasyon. Na kaya masakit itong panoorin ay dahil nasasapol nito ang ating kolektibong nararamdaman: ganito na ang kinahinatnan ng sistematikong pagkakait ng pambansang pondo at atensyon kahit pa ang fokus ay pagtatago ng sistematikong paggaganansya sa edukasyong mahalaga rito.
Sa politika, ito ang pinakamatagal na interregnum nang pagpapatalsik kay Arroyo. Hindi pa namamatay ang luma, hindi pa rin ipinapanganak ang bago. Kaya kailangan ng pagiging komadrona ng kasaysayan, hanggang tayo na ang pasigaw na magsabi kay Arroyo, “We thank you” para tapusin na ang dapat tapusin, at iwan na ang mabigat na entabladong pinapapasan sa mamamayan.
*Mula sa blog ni Rolando Tolentino
4 komento:
Hi, I believe this transcript was lifted off of my blog. I would know since I personally and painstakingly transcribed it from the video. Kindly credit accordingly (link not necessary).
The transcription of Janina's Q and A was (supposedly) taken by Prof. Rolando Tolentino from http://baklaako.com/. This post was directly lifted from Tolentino's blog. Apologies to baklang aj. He's gay, and i have no problem with that.
Thank you and I apologize for being petty about this :)
no poblemo amigo. It's not petty at all. You worked on it and deserve citation. I also apologize. I'm not really that familiar with online citation.
Post a Comment