30.8.06

Tangina mo! Ang daming nagugutom, fashionista ka pa rin!*

img%20src=" ? alt="Lourd" www.radioactivesago.com http:>


“…Nagwala sa piket line, kaya yun natanggal
Kaya kumuha na lamang siya ng
tarak-tarak na lata ng sardinas
At binutasan na lang kinabitan ng tansan
At dun ko nalaman ang ibig sabihin ng pagmamahal…”


Sa pagkakataong ito gusto kong pasalamatan ang mga tambay. Malaki ang importansya ng mga tambay sa paglikha ng mga malikhaing ideya. Ilang akda na din ang nabigyang buhay ng mga tambay. At masarap tumambay. Sabi nga “ang sarap maligaw sa mundong tulala.” Masarap tumulala. National past time.

Kung may major lang sana sa pagtunganga at may patutunguhang pagkakaperahan ang kursong ito, marahil ito na, at hindi mga DH at caregivers ang primaryang export ng Pilipinas. Sa pinapakitang importansya ng pagtunganga hindi ko lubos mapagtanto kung bakit hindi ito gawing kurso man lang. Kahit short course lang tulad ng sa TESDA.

Sa pagkakataong ito, gusto kong magpasalamat. Sa mga tanga. At lumpen. May silbi din tayo sa lipunan, ayon na rin kay Durkheim. May taong nananahimik. May taong bigla na lamang sumasabog. Tulad nung sa tren sa Spain. May mga nagsusuka sa daan. Mga nakarami ng inom. May holdaper. Sa lahat ng klase ng tao, ayoko sa mga holdaper. Lalo na ung mga small time. Ung tipong ice pick lang ang gamit. Ung kianakalawang pa. Marami sigurong holdaper sa Pilipinas. Ewan ko lang. Ilan na nga ba ang naholdap?

Pero isa lang ang sigurado. Maraming nagugutom sa Pilipinas. Kung si Dong ang tatanungin, maraming baboy. Ewan ko lang sa Makati. Sa Makati walang autoload at e-load. Ewan ko lang kung may karinderya. Puro prepaid cards at mini stop. Wala sigurong nagugutom sa Makati. Bawal magutom pag asa tabi ka ng mga buildings na magaganda. Pwedeng magtext. Ng kahit ano. Pero wala pa namang buhay na nasira sa pagtetext. Ewan ko lang. Wala pa naman akong nabalitaan. Siguro meron na nga. Pero hindi ko talaga nababalitaan.

Buti na lang di pa tayo pinababayaan ni Lourd.












*pasintabi sa Radioactive Sago Project

2 komento:

Anonymous said...

may carinderia sa makati, may kamahalan nga lang (P40-70 per meal). pero meron ring mga nagugutom, hindi na nga lang napapansin dahil sa taas ng mga building. marami ring street vendor, nagbebenta ng yosi o kwek kwek na nakikipaghabulan sa mga "Makati Police" (Oo! May sariling pulis ang Makati). Hindi ako sigurado kung may holdaper. Pero snatcher, siguradong wala. Takot lang nila, eh bawat poste may pulis. Pero hindi ko maitatatwa na pinakamarami pa rin ang mahirap pero nagpapanggap na mayaman sa Makati. Tila kaialangang may patunayan sa mga building na pinagtratrabahuhan nila.

Anonymous said...

Rak en rol.. tang ina jerik psychic ka ba? (DM!!!) para lang akong natamaan sa kakatunganga ko kahapon. Sa gitna ng pag-iisip habang sinusubuan ako ng nilagang patatas at carrots, habang iniisip ko nang katayin yung dalmatian na kumagat sakin ng dalwang beses, habang iniinom ko yung pinakuluang tubig gripo, at habang iniisip kong (pasintabi)mapapantayan na ng bilbil ko ang dibdib ko, narealize kong madami kang matututunan sa katutunganga. Minsan ayoko na lang tumunganga. Nagiging masyado akong matalino.hehehe…

Ang natatandaan ko naman sa makati, dun kami nakatira nung 4 years old ako. At ang natatandaan ko lang dun e yung mga adik sa kanto na nagbabasketbol. Tas hinagip ako ng bola. Tapos sinugod sila ng tatay ko.

nahatak ng sentro de grabedad