Showing posts with label Pelikula. Show all posts
Showing posts with label Pelikula. Show all posts

2.12.08

Dahil lahat na ata nakapanood ng Twilight...

Parang bihira (o wala na talaga?) ang mga literaturang Filipino isinasapelikula. Senyales kaya ito ng limitado demogapiya ng mambabasa? Maaari kaya itong iugnay sa pangkalahatang pagpapahalaga ng Pilipino bilang mambabasa?

Tingin mo, stray?

image from http://www.viruscomix.com

10.10.08

Pelikula't Akademya: Praxis

Sa sanaysay na ‘Pelikula bilang Mapagpalayang Sining’ sa librong ‘Writing the Nation/ Pag-akda ng Bansa,’ iginiit ni Prop. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining at kilalang manunuri ng kulturang Pilipino, ang pulitikal na katangian ng pelikula. Aniya, mapagpasya ang namumuhunan pagdating sa kalalabasan ng pelikula. Dagdag pa niya, ang mga pagpapahalagang nakaukit sa pelikula, “kundi man tuwirang nanggagaling sa prodyuser, ay may pahintulot nito.”

Ang pagpapahalagang inukit o pinahihintulutang iukit sa pelikula ay yaong pabor sa interes ng namumuhunan. Samakatuwid, hindi sa pagpapalaya o di kaya’y pagpapaunlad ng kamalayang panlipunan ang diin ng pelikula. Bagkus, ito ay nakatuon sa kita, o kung tataluntunin ang balangkas ni Louis Althusser, Marxistang Pranses, sa ‘reproduksyon ng kondisyon sa produksyon.’ Ibig sabihin, ang mga pagpapahalaga at ideya sa mga pelikula ay nagpapanatili sa namamayaning kaayusan.

Sa kabila ng ganitong oryentasyon ng industriya ng pelikula, may binabanggit si Lumbera na pelikulang mapagpalaya. Aniya, mapagpalaya ang pelikula kung ito ay nagsisilbing daluyan ng mga mapagpalayang ideya, kundi man ay bumabalikwas sa namamayaning kaayusan sa lipunan. Halimbawa na lamang ang ‘Maynila sa mga Kuko ng Liwanag’ (direksyon ni Lino Brocka) na nagpapakita sa tunay na kalagayan ng Maynila sa panahong ipinagpipilitan ng dating Unang Ginang Imelda Marcos na ‘the true, the good and the beautiful’ lamang ang dapat lamnin ng mga pelikulang Pilipino. Kaiba sa mga pelikulang nais magpamanhid sa panlipunang kamalayan ng mga manonood nito, naglalayong magmulat sa mga panlipunang diskurso ang mga mapagpalayang pelikula.

Malayu-layo na rin ang narating ng ganitong uri ng pelikula, ayon kay Lumbera. Sa ‘Philippine Cinema: A Brief History’ indirekta niyang tinukoy ang akademya bilang pangunahing tagapag-ambag sa pag-unlad nito. Aniya, hindi pa sa teknikal na aspeto ng paggawa ng pelikula mababanaag ang ambag ng akademya sa industriya ng pelikula. Ang pangunahing impluwensya umano ng akademya sa larangan ng pelikula ay sa ‘pagpapaangat ng kakanyahan… sa paggawa at pagsusuri ng pelikula.’ Naisasakatuparan ito sa pagbabahagi ng akademya ng mga ‘pamantayang magagamit sa pamimili o di-kaya’y paggawa ng mahusay o kapaki-pakinabang na panoorin.’

Kinikilala at sinasandigan ng pag-aaral ang pahayag ni Lumbera hinggil sa halaga ng akademya sa industriya ng pelikula. Ang akademya, partikular ang Unibersidad ng Pilipinas, ang isa sa posibleng lunsaran ng mga konsepto at ideyang mapagpalaya dahil na rin sa hindi pa ito gaanong natatali sa layaw ng mga namumuhunan. Malaya itong nakapaglulunsad ng mga aktibidad at proyekto ng hindi nililimitahan ng layaw ng nagmamay-ari ng Unibersidad dahil walang indibidwal o grupo na nagmamay-ari dito. Samakatuwid hindi ito natatali sa interes ng iilan.

Ibig sabihin nito’y may kalayaan ang mga estudyante na gawin ang nais nilang pelikula nang hindi dinidiktahan ng nais ng mamumuhunan. Kung gayun, ‘malaya’ ang estudyante na magpasok ng mga pagpapahalaga at ideyang tumutunggali sa namamayaning kaayusan. Sa kabila ng ‘kalayaang’ gumawa ng nais na pelikula, ang limitasyon sa pinansya ang isa sa pangunahing problemang kinakaharap ng mga pelikulang hindi tumatanggap ng pondo mula sa malalaking mamumuhunan. Sa kabila ng limitasyong nabanggit, naipamalas ng UP Baguio ang kakanyahan ng mga estudyante nitong maglunsad ng independent film festival. Katunayan na nilahukan ng mga estudyante mula sa Departamento ng Komunikasyon, Kolehiyo ng Sining at Komunikasyon.

Naaayon naman ang ganitong paggawa ng pelikula sa oryentasyon ng UP bilang isang institusyong pang-edukasyon na ayon kina Maria Luisa Doronilla at Ledivina Cariño, pangkalahatang patnugot ng ‘The Meaning of UP Education,’ ay tungo sa pagsisilbi sa sambayanang Pilipino. Ang ‘The Meaning of UP Education’ ay pag-aaral hinggil sa bisa (impact) ng edukasyon ng Unibersidad.

Ayon kina Doronilla, ang edukasyon ay “nagbibigay diin sa ilang partikular na aspeto ng reyalidad.” May di-pagbabanggit (non-utterance) na nagaganap dahil hindi posibleng masaklaw ang pangkalahatang “reyalidad.” Samakatuwid, nahuhubog ang nosyon ng estudyante sa reyalidad batay sa binibigyang diin na aspeto nito. Halimbawa, kung ang binibigyang diin na teorya hinggil sa komunikasyon ay yaong tinitingnan ito bilang proseso malamang ito ang tatatak sa isipan ng mag-aaral nito. Sa pagbibigay diin at pagsasantabi ay masasalat ang linyadoing katangian ng edukasyon.

Bukod sa pagbibigay diin/pagsasantabi, malaki rin daw ang ambag ng edukasyon sa pagbasa ng estudyante sa reyalidad. Kaugnay ng asersyon nina Doronilla ang depinisyon ni Althusser ng ideolohiya. Aniya, ang ideolohiya ay “representasyon ng likhang isip (imaginary) na relasyon ng indibidwal sa kaniyang materyal na kundisyon, relasyon sa produksyon at relasyong pang-uri (class relations). Bukod dito, ang ideolohiya ay may materyal na manipestasyon, samakatuwid, materyalidad. Ayon pa kay Althusser, maaaring basahin ang ideolohiya ng isang suheto sa pamamagitan ng pagsusuri sa materyalidad ng kanyang ideolohiya.

Tulad ni Althusser, pinapasinungalingan din ng mga pahayag ni Doronilla ang nosyon na ang akademya, lalo na ang UP, bilang institusyong walang pinapanigan. Malaki ang papel nito sa paghubog ng kamalayan ng indibidwal na napapaloob dito. Makapangyarihan ang edukasyon dahil sa kakayahan nitong humubog ng indibidwal na maaari maging ahente ng transpormasyong panlipunan o pagpapanatili ng kaayusan nito.

Lumabas din sa pangkalahatang ebalwasyon ng mga roundtable discussions (RD) sa ‘The Meaning of UP Education’ ang tensyon sa pagitan ng mga kurso na theory-oriented at kurso na application oriente. Ang una ay tumutukoy sa mga kursong may diin sa teoretikal o batayang konsepto ng disiplinang kinabibilangan, samantalang pagpapaunlad ng kakayahan at aplikasyon ng teorya naman ang diin ng huli.

Nagkaisa ang iba’t-ibang kolehiyo, maging ang UP Integrated School sa UP Diliman, na kasama sa pag-aaral na importante ang teoretikal na pundasyon, kung kaya’t kailangan ng diin dito. Sa kabila nito, kailangan din na tugunan ang mga kasanayan na hinihingi sa merkado.

Ayon kay Doronilla importante ang praxis dahil na rin sa posisyon ng Unibersidad sa lipunan. Ganito pinahalagahan ni Doronilla ang praxis:

Research and extension service, when closely linked with curriculum and instruction, are important to this process of integration: the former to link theory-building in the disciplines to the empirical local situations; the latter to use theoretical knowledge to understandand and contribute to the improvement of local conditions.

Idiniin din ni Murray Bartlett, unang presidente ng UP ang halaga ng praxis. Ayon sa kanya, “Research without application is expensive luxury, but application without research is folly…” Sa madaling salita, walang saysay ang teorya kung hindi ito maisasapraktika, at wala ring saysay ang praktika kung hindi ito ginagabayan ng akmang teorya.

Ipinanukala din sa pag-aaral ang pangangailangan sa regular na pagpuna sa kurikula upang ma-iakma sa pangangailangan ng panahon. Nagpasa naman ng rekomendasyon ang ilang kolehiyong kasama sa pag-aaral na isama ang mga isyung panlipunan sa mga kurso, para naman tugunan ang nakitang pagbaba sa antas ng kamalayang panlipunan sa mga estudyante ng Unibersidad.

Importante ang regular na ebalwasyon, lalo na sa edukasyon na isa sa pangunahing sektor ng lipunan. Napapanahon na rin upang siyasatin ang epekto ng edukasyong natatanggap mula sa Departamento ng Komunikasyon dahil na rin sa ambag nito sa larangan ng Komunikasyon, lalo na at isa ito sa bukal ng mga posibleng mamamahayag, manunulat at manlilikha ng pelikula.

5.8.08

'Indi na Indie*

Hindi na rin siguro tamang (o accurate, baga) i-label na independent cinema ang karamihan sa lumahok sa Cinemalaya. Masasabing indie ang dahil hindi tali sa pinansyal na tulong/kontribusyun. Bagkus, may kalayaan lumikha/bumuo ng mapapait na diskurso para sa status quo. Sa kaso pa lang ng funding mula sa mga institusyon ng Estado nawalan na ng integridad ang label na indie.

Isa pa, sa alaala ko, may sinulat si Prof. Lumbera hinggil sa indie cinema at alternative cinema. Sa salaysay ay pinag-iba nya ang dalawa. Habang ang una ay may pangunahing katangian di tali sa pinansya ang produksyun, ang pangalawa ay mas depenido ang katuturan - ang mag-alay ng mga mapagpalayang ideya gamit ang pelikula. Marahil ito dapat (/sana) ang tunguhin ng Cinemalaya - ang magpalaya ng kaisipan, hindi pa talaga ang magbenta ng tiket.

Palagay ko hindi rin siguro maiiwasang ma-coopt ng Estado ang ganitong porma ng subersyon. Bagama't mahina ang kawing ng Estado sa mga Ideolohikal na Aparatong ng Estado, may kawing pa rin. At nakita nga nila ang efektibidad ng ganitong Aparato. Mula sa kooptasyun ay mukhang lumabnaw na nga ang dati'y malapot-lapot na diskursong hinahain ng mga pelikulang indie. Dinagdagan na ng tubig, nabawasan na ang substansya. Bagama't lokal ang mga kwento, nananatili at nakukupot sila sa personal na lebel (tulad ng sa boses). mangilan-ngilan na nga lang makikitaan ng pagtatangkang tumawid sa diskursong panlipunan, madalas palpak pa.

Kaya siguro kelangan tuloy-tuloy ang pagkontra sa mga tangka ng Kapangyarihang agawin ang mangilan-ngilang lunsarang pook ng subersyun at kontra-gahum.

* komento ko sa post ni R. Tolentino na Indie cinema bilang kultural na kapital. Nahabaan ako kaya nilagay ko na rin dito. Isang post din yun, akala mo.

R. Tolentino, ukol sa Hollywoodization ng Indie Cinema

Wala na ang lingering camera movements ng poverty films at surrealist look na ang artist at manunulat ang pangunahing tauhan. Na-Hollywood-ized na ang indie films, o nagmistulang indie films sa U.S. na nag-aantay ma-pickup ng major studio. Na kaya na lamang indie films ang mga ito ay dahil hindi pa nga naipapalabas—bagamat kahit ngayon pa lang ay nangangarap na—sa komersyal na sinehan.
~ Roland Tolentino sa Indie cinema bilang kultural na kapital

7.6.08

Sa mga mahilig sa pelikula, (at mga libreng bagay na rin)

may isang pusa na may listahan ng mga paparating na film festivals.

Libre yung jap film fest na ayon sa kaibigan ko'y magpapalabas ng mala-Battle Royale ang bangis na We Shall Overcome Someday. Google, ang keyword dito ay libre.

Stray, meow. (kalmot sa hangin)

22.5.08

The Talented Ms. Pareno

Two Can(ne)s and A GinaThere's a Can Festival and a Cannes Festival (shorts available on YouTube)

Haven't seen Kubrador (yet) and am hoping to catch (?) Pareno's next international flick, Serbis.
Where to? Carriedo?

"Piracy is counter-culture."
(Nga naman.)
And so are grafittis.

photo taken from http://www.varsitarian.com/images/7803/7803340004.jpg and http://www.thehumorarchives.com/joke/Piracy

16.5.08

Nostradamus Never Predicted This

image taken from http://www.mcnblogs.com/mcindie/archives/images/Idiocracy_2-34.jpg

Kapag Puno Na ang Salop

I came across these lines while browsing for the famous "para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain" line by Vilma Santos. This exchange is the clear winner (at least for me). Wonder who the scriptwriter is.

Eddie Garcia: Marami ka pang bigas na kakainin.

FPJ: Hindi ako kumakain ng bigas, Major. Sinasaing ko muna para maging kanin, bago ko kakainin. Ikaw Major, palay pa lang, kinakain mo na.

Eddie Garcia: Shit!

FPJ: Shit ka rin!

For more winner lines, click.

image taken from http://upload.wikimedia.org/wikipedia/tl/thumb/2/27/Fernando_poe_jr.jpg/250px-Fernando_poe_jr.jpg and http://upload.wikimedia.org/wikipedia/tl/thumb/2/2e/Garcia_eddie.jpg/300px-Garcia_eddie.jpg

13.5.08

What Have We Learned So Far?: Relativity...

For Dummies

Put your hand on a hot stove for a minute, and it seems like an hour. Sit with a pretty girl for an hour, and it seems like a minute. That's relativity.
~ Albert Einstein

*****
There must be a miscalculation.
For these guys, it seemed liked seconds - and they weren't even sitting beside her.

image taken from http://z.about.com/d/worldfilm/1/0/Q/V/malena.jpg

2.5.08


Saw August Rush yesterday.

I love the scoring. One sequence where Evan Taylor/August Rush (Freddie Highmore of the Charlie and the Chocolate Factory fame) stood in the middle of bustling New York reminded me of Stomp's performances. He was just there, standing, turning, absorbing the sounds (noise for our tainted ears).

Making sense of the nonsense. Stomp-ish, indeed.

And the soundtrack. The soundtrack was beautifully simple/simply beautiful.

I wish I knew where to download the soundtracks.

The feel-good-inspiring drama was bearable.

If they just didn't cast Robin Williams...


image taken from http://imagecache2.allposters.com/images/pic/MMPO/505610~August-Rush-Posters.jpg

26.4.08

It was a Dark (, stormy) Knight

Can't wait for the new Batman movie. Yeah, we've all read about Ledger's death. All the more reason to watch the supposed reason.

The image here is chalk art by Julian Beever (who's actually squatting on the sidewalk). The art also reminded me of old Batman comic art.

Nice work with the perspective. How Po Mo!

image taken from http://www.moillusions.com/2006/03/more-sidewalk-chalk-illusions.html

11.4.08

Ayun Naman Pala Eh...

Alice Dixson: Mamamatay ako pag kinuha mo sa kin si Alex
Lorna Tolentino: Ipalilibing kita
Alice Dixson: Ate Please...

* sipi mula kay Frank Cimatu

22.3.08

Panahon na naman (Post-Valentine's Post)


Ilang sipi mula sa nobelang Love in the Time of Cholera
ni Gabriel Garcia Marquez.


Together they had overcome the daily incomprehension, the instantaneous hatred, the reciprocal nastiness, and fabulous flashes of glory in the conjugal conspiracy. It was time when they both loved each other best, without hurry or excess, when both were most conscious of and grateful for their incredible victories over adversity. Life would still present them with other moral trials, of course, but that no longer mattered: they were on the other shore.


To him she seemed so beautiful, so seductive, so different from ordinary people, that he could not understand why no one was as disturbed as he by the clicking of her heels on the paving stones, why no one else's heart was wild with the breeze stirred by the sighs of her veils, why everyone did not go mad with the movements of her braid, the flight of her hands, the gold of her laughter. He had not missed a single one of her gestures, not one of the indications of her character, but he did not dare approach her for fear of destroying the spell.

He allowed himself to be swayed by his conviction that human beings are not born once and for all on the day their mothers give birth to them, but that life obliges them over and over again to give birth to themselves.

He repeated until his dying day that there was no one with more common sense, no stonecutter more obstinate, no manager more lucid or dangerous, than a poet.

No, not rich. I am a poor man with money, which is not the same thing.
Uncle Leo XII



at ang panghimagas...



He is ugly and sad … but he is all love.
Fermina Daza

nahatak ng sentro de grabedad