Showing posts with label Edukasyon. Show all posts
Showing posts with label Edukasyon. Show all posts

15.11.08

hinggil sa rgep

tala: ang sumusunod ay komento ko sa UP's RGEP? Plain and Simple Idiocy (with apologies to idiots) ni jester-in-exile. Marapat lamang na basahin muna.

una, hindi ito (RGEP) redundant sapagkat, iba nga (sana) ang pagpapahalagang idinidiin. halimbawa, sa batayang kurso sa inggles nuong highschool, mas mabigat ang diin sa tamang pamamaraan ng pagsusulat. sa kom 1, (sana) mas binibigyang diin ang pagsusulat ng may kritikal na pagsusuri.

pangalawa, may mga GE subjects na hindi matatagpuan sa highschool o di kaya'y kulang ang pagpapakilala. hal. STS, walang ganitong subject nung highschool, kung meron mang kahalintulad, relatibong mas mababaw ang pagsusuring handog. hindi rin tampok sa sekondaryang edukasyon ang panlipunang siyensya/aralin. sa pagkakatanda ko, limitado lamang ang ibinabahagi sa ekonomiks at kasaysayan (pambansa, pandaigdig). maging ang humanidades ay limitado sa sa noli, fili etc. hindi pa pinapakilala samin nun si r. tolentino at i. cruz. ewan lang sa ibang highschool.

pangatlo, palagay ko'y kailangan ituro ang ilang batayang kurso tulad ng math at reading comprehension (hum 1 at 2?) dahil pre-rekisito ito sa mga abanteng subjects na may kahingian sa mga 'skills' na binibigay sa 'basic' courses. bihira ang nakakaintindi ng mas malalalim na konsepto ng hindi dumadaan sa mas simple ideya. eh bakit di pa ito binigay nung highschool? tingin ko'y, una dahil sa mas konserbatibo ang pangkalahatang oryentasyon ng sekondaryang edukasyon. pangalawa, maaaring ibinigay ngunit kulang nga ang diin at lalim na ibibigay dito.

bukod dito, hindi lahat ng pumapasa ng up may sapat na karunungan sa lahat ng basic subject. pero bakit sila pumapasa? di ba dapat itaas ang kaledad ng edukasyon sa unibesidad? sa pagkakaalam ko, hindi pa talaga 'screening' ang ginagamit ng unibersidad, kundi'y percentile ranking. ibig sabihin, halimbawa, ang isang nangangahas na maging political science major ay maaaring makapasok pa rin, kahit mahina sya sa math, basta mahatak ito ng iba pang salik sa upcat tulad ng reading comprehension. masasabing kahit palyado, kinikilala (malay man o hindi, palagay ko'y hindi) sa upcat na maraming dimensyon ang karunungan.

mas makabubuti siguro kung magbibigay ka ng mas ispesipikong listahan ng mga GE na tingin mo'y dapat matanggal. maganda rin ilakip ang ispesipikong rason kung bakit sila dapat tanggalin. sang-ayon ako pangkabuuang pagrerepaso ng REGP na iyong ipinapanukala, ngunit kelangan nating kilalanin ang magkakaibang konteksto't katangian ng bawat GE subjects.

natuwa rin pala ako sa pagbubukas mo ng historikal na pagsusuri. tingin ko'y magandang anggulo ito.

10.10.08

Araling Pang-Komunikasyon, Kritika at Pagsusuri ni John Fiske*

Sa ‘Introduction to Communication Studies,’ pinangunahan ni John Fiske ang mambabasa na walang isang katangiann o lapat ang Araling Pang-komunikasyon (communication studies). Ayon sa kanya ang komunikasyon ay “diverse at multi-faceted”. Dagdag pa niya, hindi dapat ito ituring na “subject of study,” bagkus, isang “multi-disciplinary area of study.” Dahil na rin sa debate hinggil sa dapat na katangian ng pag-aaral sa komunikasyon, naglatag si Fiske ng kanyang mga palagay/asersyon:

1) kailangan ng ilang disciplinary approach para sa mas komprehensibong pag-aaral sa komunikasyon,

2) nangangailangan ng mga signos at koda ang komunikasyon,

3) gawi (practice) ng relasyong panlipunan (social relationships) ang pagpapadala at/o pagtanggap ng mga signos/simbolo/komunikasyon,

4) ang komunkiasyon ay “sentral sa buhay ng kultura.” Dahil dito ang pag-aaral ng komunikasyon ay nangangailangan ng pag-aaral sa kultura kung saan ito nakapaloob, at

5) ang pangkalahatang depinisyon ni Fiske sa komunikasyon ay “social interaction through messages”.

Kapansin-pansin ang ugnayan ng mga palagay na inilatag ni Fiske sa isa sa dalawang paaralan (school) sa pag-aaral ng komunikasyon, ang semiotika.

Ayon kay Fiske may dalawang paaralan sa pag-aaral ng komunikasyon, ang tinatawag niyang process school at ang semiotika. Magkaibang-magkaiba ang perspektiba ng dalawang paaralan hinggil sa komunikasyon.

Ang process school ay tinitingnan ang komunikasyon bilang proseso kung saan naapektuhan ng tagapagpadala ng mensahe ang ugali o di kaya’y kamalayan ng tumanggap. Base sa balangkas na ito, ang primaryang pinag-aaralan ng paaralang ito ay ang epekto at accuracy ng komunikasyon. Ayon pa kay Fiske, para sa taga-process school, ang mensahe ay pinapadala sa proseso ng komunikasyon. Dagdag pa niyang sa process school, “The message is what the sender puts into it by whatever means.

Nakikita nitong ang proseso ng komunikasyon ang magpapasya sa ika-tatagumpay ng komunikasyon. Ayon pa kay Fiske, tinitingnan nito ang pagpapaunlad sa proseso bilang papapataas ng panlipunang kontrol (social control). Ang katangian at pagpapahalagang ito ang di-umano’y dahilan sa pagkahumaling ng karamihan sa mga konsepto at teorya ng process school. Idinagdag pa ni Fiske, ito daw ang punto de bista ng isang advertising executive.

Ang semiotika nama’y tinitingnan ang komunikasyon bilang “produksyon at palitan ng kahulugan.” Pinag-aaralan nito ang interaksyon sa pagitan ng teksto (mensahe) at ng tatanggap nito para makabuo ng kahulugan. Tinitingnan nito ang “pangkultura (cultural) at/o panlipunang (social) pagkakaiba” ng tatanggap bilang mapagpasya aspeto sa kahulugang mabubuo. Hindi nito tinitingnan kung gaano ka-epektibo ang komunikasyon, bagkus, mas pinahahalagahan nito ang “pamamaraan ng pagbasa” dito.

Para sa mag-aaral ng semiotika, ang kahulugan ng mga teksto ay mabubuo sa interaksyon ng tumanggap nito at ng teksto mismo. Ito ang sinabi niya hinggil dito:

The message … (is) an element in a structured relationship whose other elements include external reality and the producer/ reader.

Ibig sabihin, sa panlipunan at ideolohikal na posisyon ng tumatanggap ng mensahe nakabatay ang pagpapakahulugang gagawin niya sa mensahe. Mula sa pahayag na ito ay mababanaag ang kahalagahan ng pagbasa ng posisyon ng nagpadala at tumanggap ng mensahe.

Maaaring suriin ang katangian ng mga theory-oriented na kurso base sa dalawang paaralang binanggit ni Fiske. Gamit ang pangkalahatang balangkas ng dalawang eskwelahan, maaaring suriin kung ano bang paaralan ang dominante sa mga theory-oriented na kurso. Mula dito, babasahin natin ang posibleng impluwensya nito sa pelikula ginawa ng mga estudyanteng dumaan sa mga kursong ito.

Walang nirerekomendang wastong paaralan si Fiske, bagama’t may pahayag siyang ganito:

It is not my intention to suggest that there is a right and wrong way… But there are ways that are more or less fruitful.

Ayon sa kanya, ang semiotika ang “mas nakakatugon” sa mga tanong hinggil sa komunikasyon dahil na rin sa ipinapaliwanag nito ang mga penomena ng pang-araw-araw. Ngunit aminado pa rin si Fiske na may kakulangan ang ganitong giya. Ang kakulangang ito naman ang pinupunan ng process school. Nirekomenda pa rin niyang pagaralan ang dalawang paaralan.

Si John Fiske ay propesor ng Komunikasyon sa University of Wisconsin-Madison. Sya rin ang awtor ng The Jeaning of America, sanaysay hinggil sa maong bilang sityo ng tunggaliang kultural.

*para sa mga guro sa aking dating kolehiyo, at sa mga estudyante ng komunikasyon na buryong na buryong na sa objective type na exam sa mga klaseng pan-teorya.

imahe mula sa http://www.mediate.com/Fiske/images/fiskesm.jpg

Pelikula't Akademya: Praxis

Sa sanaysay na ‘Pelikula bilang Mapagpalayang Sining’ sa librong ‘Writing the Nation/ Pag-akda ng Bansa,’ iginiit ni Prop. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining at kilalang manunuri ng kulturang Pilipino, ang pulitikal na katangian ng pelikula. Aniya, mapagpasya ang namumuhunan pagdating sa kalalabasan ng pelikula. Dagdag pa niya, ang mga pagpapahalagang nakaukit sa pelikula, “kundi man tuwirang nanggagaling sa prodyuser, ay may pahintulot nito.”

Ang pagpapahalagang inukit o pinahihintulutang iukit sa pelikula ay yaong pabor sa interes ng namumuhunan. Samakatuwid, hindi sa pagpapalaya o di kaya’y pagpapaunlad ng kamalayang panlipunan ang diin ng pelikula. Bagkus, ito ay nakatuon sa kita, o kung tataluntunin ang balangkas ni Louis Althusser, Marxistang Pranses, sa ‘reproduksyon ng kondisyon sa produksyon.’ Ibig sabihin, ang mga pagpapahalaga at ideya sa mga pelikula ay nagpapanatili sa namamayaning kaayusan.

Sa kabila ng ganitong oryentasyon ng industriya ng pelikula, may binabanggit si Lumbera na pelikulang mapagpalaya. Aniya, mapagpalaya ang pelikula kung ito ay nagsisilbing daluyan ng mga mapagpalayang ideya, kundi man ay bumabalikwas sa namamayaning kaayusan sa lipunan. Halimbawa na lamang ang ‘Maynila sa mga Kuko ng Liwanag’ (direksyon ni Lino Brocka) na nagpapakita sa tunay na kalagayan ng Maynila sa panahong ipinagpipilitan ng dating Unang Ginang Imelda Marcos na ‘the true, the good and the beautiful’ lamang ang dapat lamnin ng mga pelikulang Pilipino. Kaiba sa mga pelikulang nais magpamanhid sa panlipunang kamalayan ng mga manonood nito, naglalayong magmulat sa mga panlipunang diskurso ang mga mapagpalayang pelikula.

Malayu-layo na rin ang narating ng ganitong uri ng pelikula, ayon kay Lumbera. Sa ‘Philippine Cinema: A Brief History’ indirekta niyang tinukoy ang akademya bilang pangunahing tagapag-ambag sa pag-unlad nito. Aniya, hindi pa sa teknikal na aspeto ng paggawa ng pelikula mababanaag ang ambag ng akademya sa industriya ng pelikula. Ang pangunahing impluwensya umano ng akademya sa larangan ng pelikula ay sa ‘pagpapaangat ng kakanyahan… sa paggawa at pagsusuri ng pelikula.’ Naisasakatuparan ito sa pagbabahagi ng akademya ng mga ‘pamantayang magagamit sa pamimili o di-kaya’y paggawa ng mahusay o kapaki-pakinabang na panoorin.’

Kinikilala at sinasandigan ng pag-aaral ang pahayag ni Lumbera hinggil sa halaga ng akademya sa industriya ng pelikula. Ang akademya, partikular ang Unibersidad ng Pilipinas, ang isa sa posibleng lunsaran ng mga konsepto at ideyang mapagpalaya dahil na rin sa hindi pa ito gaanong natatali sa layaw ng mga namumuhunan. Malaya itong nakapaglulunsad ng mga aktibidad at proyekto ng hindi nililimitahan ng layaw ng nagmamay-ari ng Unibersidad dahil walang indibidwal o grupo na nagmamay-ari dito. Samakatuwid hindi ito natatali sa interes ng iilan.

Ibig sabihin nito’y may kalayaan ang mga estudyante na gawin ang nais nilang pelikula nang hindi dinidiktahan ng nais ng mamumuhunan. Kung gayun, ‘malaya’ ang estudyante na magpasok ng mga pagpapahalaga at ideyang tumutunggali sa namamayaning kaayusan. Sa kabila ng ‘kalayaang’ gumawa ng nais na pelikula, ang limitasyon sa pinansya ang isa sa pangunahing problemang kinakaharap ng mga pelikulang hindi tumatanggap ng pondo mula sa malalaking mamumuhunan. Sa kabila ng limitasyong nabanggit, naipamalas ng UP Baguio ang kakanyahan ng mga estudyante nitong maglunsad ng independent film festival. Katunayan na nilahukan ng mga estudyante mula sa Departamento ng Komunikasyon, Kolehiyo ng Sining at Komunikasyon.

Naaayon naman ang ganitong paggawa ng pelikula sa oryentasyon ng UP bilang isang institusyong pang-edukasyon na ayon kina Maria Luisa Doronilla at Ledivina Cariño, pangkalahatang patnugot ng ‘The Meaning of UP Education,’ ay tungo sa pagsisilbi sa sambayanang Pilipino. Ang ‘The Meaning of UP Education’ ay pag-aaral hinggil sa bisa (impact) ng edukasyon ng Unibersidad.

Ayon kina Doronilla, ang edukasyon ay “nagbibigay diin sa ilang partikular na aspeto ng reyalidad.” May di-pagbabanggit (non-utterance) na nagaganap dahil hindi posibleng masaklaw ang pangkalahatang “reyalidad.” Samakatuwid, nahuhubog ang nosyon ng estudyante sa reyalidad batay sa binibigyang diin na aspeto nito. Halimbawa, kung ang binibigyang diin na teorya hinggil sa komunikasyon ay yaong tinitingnan ito bilang proseso malamang ito ang tatatak sa isipan ng mag-aaral nito. Sa pagbibigay diin at pagsasantabi ay masasalat ang linyadoing katangian ng edukasyon.

Bukod sa pagbibigay diin/pagsasantabi, malaki rin daw ang ambag ng edukasyon sa pagbasa ng estudyante sa reyalidad. Kaugnay ng asersyon nina Doronilla ang depinisyon ni Althusser ng ideolohiya. Aniya, ang ideolohiya ay “representasyon ng likhang isip (imaginary) na relasyon ng indibidwal sa kaniyang materyal na kundisyon, relasyon sa produksyon at relasyong pang-uri (class relations). Bukod dito, ang ideolohiya ay may materyal na manipestasyon, samakatuwid, materyalidad. Ayon pa kay Althusser, maaaring basahin ang ideolohiya ng isang suheto sa pamamagitan ng pagsusuri sa materyalidad ng kanyang ideolohiya.

Tulad ni Althusser, pinapasinungalingan din ng mga pahayag ni Doronilla ang nosyon na ang akademya, lalo na ang UP, bilang institusyong walang pinapanigan. Malaki ang papel nito sa paghubog ng kamalayan ng indibidwal na napapaloob dito. Makapangyarihan ang edukasyon dahil sa kakayahan nitong humubog ng indibidwal na maaari maging ahente ng transpormasyong panlipunan o pagpapanatili ng kaayusan nito.

Lumabas din sa pangkalahatang ebalwasyon ng mga roundtable discussions (RD) sa ‘The Meaning of UP Education’ ang tensyon sa pagitan ng mga kurso na theory-oriented at kurso na application oriente. Ang una ay tumutukoy sa mga kursong may diin sa teoretikal o batayang konsepto ng disiplinang kinabibilangan, samantalang pagpapaunlad ng kakayahan at aplikasyon ng teorya naman ang diin ng huli.

Nagkaisa ang iba’t-ibang kolehiyo, maging ang UP Integrated School sa UP Diliman, na kasama sa pag-aaral na importante ang teoretikal na pundasyon, kung kaya’t kailangan ng diin dito. Sa kabila nito, kailangan din na tugunan ang mga kasanayan na hinihingi sa merkado.

Ayon kay Doronilla importante ang praxis dahil na rin sa posisyon ng Unibersidad sa lipunan. Ganito pinahalagahan ni Doronilla ang praxis:

Research and extension service, when closely linked with curriculum and instruction, are important to this process of integration: the former to link theory-building in the disciplines to the empirical local situations; the latter to use theoretical knowledge to understandand and contribute to the improvement of local conditions.

Idiniin din ni Murray Bartlett, unang presidente ng UP ang halaga ng praxis. Ayon sa kanya, “Research without application is expensive luxury, but application without research is folly…” Sa madaling salita, walang saysay ang teorya kung hindi ito maisasapraktika, at wala ring saysay ang praktika kung hindi ito ginagabayan ng akmang teorya.

Ipinanukala din sa pag-aaral ang pangangailangan sa regular na pagpuna sa kurikula upang ma-iakma sa pangangailangan ng panahon. Nagpasa naman ng rekomendasyon ang ilang kolehiyong kasama sa pag-aaral na isama ang mga isyung panlipunan sa mga kurso, para naman tugunan ang nakitang pagbaba sa antas ng kamalayang panlipunan sa mga estudyante ng Unibersidad.

Importante ang regular na ebalwasyon, lalo na sa edukasyon na isa sa pangunahing sektor ng lipunan. Napapanahon na rin upang siyasatin ang epekto ng edukasyong natatanggap mula sa Departamento ng Komunikasyon dahil na rin sa ambag nito sa larangan ng Komunikasyon, lalo na at isa ito sa bukal ng mga posibleng mamamahayag, manunulat at manlilikha ng pelikula.

4.10.08

Mal-edukado

"How can the oppressed, as divided unauthentic beings, participate in the pedagogy of their liberation? As long as they live in the duality in which to be is to to be like, and to be like is to be like the oppressor, this contribution is impossible."

"Paanu magagawa ng pinagsasamantalahan, bilang hindi nagkakaisang nilalang na magkakatulad, na makianib sa pedahoya ng kanilang liberasyon? Hangga't nabubuhay sila sa dualidad kung saan ang maging ay maging katulad, at ang maging katulad ay maging katulad ng nanamantala, imposible ang kontribusyong ito."
~ Paulo Freire, Pedagogy of the Oppressed

Naalala ko ang tesis ko nang mabasa ko ang pinakabagong post ni Prop. Arao. Palagay ko'y pareho (kundi ma'y magkahawig) ang aming paniniwala hinggil sa kalagayan ng edukasyon ngayun, at ang dapat tinatahak nito.

Naalala ko rin si Ivan Illich, Austrianong pilisopo at barkada ni Freire. Aniya, ang institusyunalisasyon ng edukasyon ay patungo sa institusyunalisasyon ng lipunan. At ang deschooling ng edukasyon (hindi pa talaga ng akademya) ang magbubukas sa de-institusyunalisasyon ng lipunan. Sa ilang punto'y sang-ayon ako kay Illich. Nga lang, palagay ko, bagama't mabalasik ang papel na edukasyon sa pagmimintina ng kaayusan, marami pa ring ibang sagka na hindi maaring isantabi (partikular ang midya). Hindi lang ito matatapos sa pagbabago sa sistema ng edukasyon, bagkus ay kelangan tumawid pa.

Pero sabi nga ng isang kaibigan, "Kailangan magsimula."

* para kay stray, guro.

19.6.08

Pahayag ng CONTEND* hinggil sa 2008 UP Charter

The 2008 UP Charter: Forging the Transition from the Premier State University to a Privately Run Corporate Enterprise Driven by the Search for Profit

From State to National University

The first thing which would probably strike a casual reader of the "Centennial Charter" (RA 9500) is the replacement of the conventional label of "state university" by the term "national university." The current nomenclature rests on the crucial distinction between Private Higher Educational Institutions (PHEIs) and State Universities and Colleges (SUCs). Indeed, the yearly General Appropriations Act (GAA) only mentions SUCs as recipients of government subsidy. The studious elimination of all mention of the term "state university" in the Charter sends a message that this distinction no longer holds for the University of the Philippines . This suspicion is confirmed by the contents of the Charter itself.

UP and the Rise of a New Managerial Stratum


One salient characteristic of the Charter is the creation of a managerial stratum distinct from the existing governance structures of the University. The UP President, aside from being referred to as the "chief academic officer," is also labelled in the text of the Charter as the Chief Executive Officer (CEO), which means no less than that she/he shall henceforth serve as the highest ranking officer of the corporate entity which is the "national university." Since the President shall be appointed in this capacity as the head of a corporation and since good CEOs don't come cheap, she/he shall also receive a salary befitting a CEO. In 2007, CEOs in the Philippines received an average base salary of $44,496 and $51,519 in annual cash or PhP4, 271,899 or PhP355, 991 a month (www.mercer.com). Bear in mind that this is only the average. The Charter consequently states that the Board shall deem it within its powers to "determine the compensation of the President of the University" (Sec. 14). Despite the efforts of the promoters of the Charter to allow the UP President to have an unprecedented two terms, this proposal was eventually withdrawn because of strong opposition. Quite disturbing, however, is the fact that the Chancellor of each constituent unit will not only receive an unspecified amount to be determined by the Board but will also serve an unspecified term likewise to be determined by the Board (Sec. 18: "The Board shall determine [both] the term and compensation of the Chancellor") .

Combining managerial and governance roles, the President shall serve simultaneously as the co-Chairperson of the Board of Regents (with the Chairperson of the Commission on Higher Education (CHED)) and as the Chairperson of an Independent Trust Committee (ITC) to be made up of representatives nominated by the following private entities explicitly specified by the Charter: Bankers Association of the Philippines (BAP), Investment Houses Association of the Philippines (IHAP), Trust Officers Association of the Philippines (TOAP) and the Financial Executive Institute of the Philippines (FINEX). Furthermore, in case of two failed biddings these same private entities shall nominate representatives which shall make up the majority of a "third-party body" tasked with making a "fairness opinion report" (Sec. 23). The individuals making up the ITC and the "third-party body" shall be "entitled to a reasonable per diem as the Board may specify" (Sec. 23 & 24). Some information about these private entities is in order. The BAP was founded in 1964 and aims to provide "a necessary avenue for member banks to raise and discuss issues that affect the commercial banking industry." It counts among its members, 40 commercial banking institutions covering 26 local banks and 14 foreign bank branches (http://www.bap. org.ph/). The IHAP was founded in 1974 and its current membership consists of "fifty-five (55) member houses, which include the top players in the investment banking industry" (http://www.ihap. org/). Established in 1964, the TOAP's aim is to unite, professionalize and promote the Philippine Trust and Investment Management Industry http://www.toap. org.ph/). Lastly, the FINEX, founded in 1968 is said to be an "organization (which) is devoted to the continuing development and improvement of financial management techniques and the promotion of efficiency in business enterprises" (http://www.finex. org.ph/).

There is no good reason why these entities should have their names inscribed in such a solemn document such as the UP Charter. These are plainly transitory private entities which do not sit well in a national public document drawn up with claims to perenniality such as the UP Charter. They could always be hired if and when consultants are needed and paid their "reasonable compensation. " As it is, they could just fold up in a couple of years and leave embarrassing blank spaces on the Charter. This is almost equivalent to putting the names of private businesses in the Philippine Constitution. Being in the UP Charter lends these private entities more prestige than they are worth.

The function of the ITC, befitting its "independent" nature, is to recommend to the Board five banks aside from providing the "Board with direction on appropriate investment objectives and permissible investments with the view to preserving the value of the funds while allowing the University to earn a reasonable return thereon" (Sec. 24). Emphasis should be placed on the words "appropriate" and "permissible" in the above sentence in order to stress the actual managerial power of the ITC. These individuals, the President, the Chancellor, and these representatives from the BAP, IHAP, TOAP and FINEX shall henceforth constitute a distinct stratum of managerial technocrats whose "compensations" and privileges shall be at a qualitatively differently level than the ordinary faculty, REPS and administrative personnel making up the university community. It seems that such gains as the Staff Regent who shall represent the administrative personnel and the research, extension and professional staff was conceded by the framers of the Charter with the foresight that the BOR itself shall eventually no longer carry much weight in the scheme of things to come.

UP as a Commercial Area with an “Academic Core Zone”


The scope of the income generating activities which these individuals shall plan and undertake shall only be limited by the size of what is termed in the Charter as the "academic core zone." According to Section 22 of the Charter, "The Board may plan, design, approve and/or cause the implementation of land leases: Provided, that such mechanisms and arrangements shall … be exclusive of the academic core zone of the campuses of the University of the Philippines ." The whole territory of the University lying outside of this so-called "academic core zone," which is as of yet unspecified, is therefore declared as a commercial zone. Furthermore, lands donated to the University from hereon may simply be sold if the terms of donation allow for it.

Profiting from the Pursuit of Truth


It is hard to see, given the power enshrined in the new Charter which now gives private business interests a preponderant role in shaping the future of the University, how such half-hearted provisos in the Charter itself, such as one stating that "such mechanisms and arrangements shall not conflict with the academic mission of the national university" or that "any plan to generate revenues and other sources from land grants and other real properties entrusted to the national university shall be consistent with the academic mission and orientation of the national university as well as protect it from undue influence and control of commercial interests" (Sec. 22) can realistically be adhered to. Instead of protecting it, the Charter actually renders the University extremely vulnerable to the "undue influence and control of commercial interests" as never before. For example, Sec. 3 on the "Purpose of the University," states that the University is "a community of scholars dedicated to the search for truth and knowledge." However Sec. 13 specifies without irony "that research and other activities funded by the University shall likewise undertake research in fields of topics that have promising commercial applications. " ("Likewise" here means "also" and cannot be read as meaning "optional.") The message is clear: the scholars of the University shall be dedicated to the "search for truth and knowledge" only as long as these have "promising commercial applications. "

The Price of Higher Wages


The thoroughgoing commercialization of the campus and of the research and academic mission of the University together with projected substantial tuition fee increases are being sold to the faculty with the promise of higher salaries. This is the proverbial carrot. Indeed, Sec. 13 states that "any law to the contrary notwithstanding, to fix and adjust salaries and benefits of the faculty members and other employees: Provided, That salaries and other benefits of the faculty shall be equivalent to those being received by their counterparts in the private sector." Aside from the fact that a great part of these promised higher wages shall come from rising tuition fees and rampant commercialization, it is also more than likely that these salary increases shall come at the cost of undermining existing rights to tenure in the longer term and lead to a rising percentage of part-time and full-time non-tenure track teaching staff. This is already a problem in the US where according to the American Association of University Professors (AAUP), 68 percent of all university and college level teaching personnel comprise these so-called "contingent faculty," thus seriously undermining academic freedom, academic quality and professional standards (www.aaup.org).

This Charter marks the next 100 years of UP. What has been dangled to clinch faculty support—exemption from the SSL and salaries competitive with the private sector—is neither forthcoming nor will it be within the range of the compensation package of the UP President as CEO. This Charter legitimizes the neo-liberal turn to greater commercialization, privatization, and deregulation of UP and of higher education in general.

A Charter Against the University of the People


This blatantly neo-liberal charter accepts the conventional and deadly wisdom of aspiring to be "globally competitive" at the cost of erasing all traces of the University of the People. It accepts the assumption that the government cannot and will not provide a sufficient budget for UP. Its main direction is to forge the transition from being a service-oriented public entity towards being a privately run corporate enterprise with its own CEO and an independent trust committee driven primarily, if not solely, by the search for profit. This Charter is nothing but the tragedy of the UP Centennial.

As the UP administration advances its neo-liberal agenda in the transformation of higher education, CONTEND calls on the various sectors of the university to be militant and continue to struggle for a UP which may be called an exemplary university of the people.

Education is not a commodity!

Continue the Fight for a genuine University of the People!

*The Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy or CONTEND is a progressive organization of academics based in the University of the Philippines- Diliman. Please email your comments to upcontend@yahoo. com

** Mula sa blog ni Rolando Tolentino, manunulat, kritiko, taga-pangulo ng CONTEND.

28.5.08

Another Brick on the Wall

In light of the coming school year, a not-so-friendly message from Pink Floyd:

(cut to)

"We don't need no education. We don't need no thought control. No dark sarcasm in the classroom."

(fade under)

Aside from demanding for greater state subsidy, how about calling for a reorientation? (Read: Stop churning out robots. )


(Easier said than done.)

(fade in)
"All in all it's just another brick in the wall. All in all you're just another brick in the wall."


* The "singularity" and "trippy pink floyd shit" scenario got me to re-post this image (click to enlarge) from Boing-Boing.

image taken from http://www.boingboing.net/2008/05/27/mashed-frontier-airl.html

3.5.08

Inertia

Ayon kay Newton,

"An object at rest tends to stay at rest and an object in motion tends to stay in motion with the same speed and in the same direction unless acted upon by an unbalance force."



Kung gayun,
"Ang bumababang budget para sa edukasyon ay national disaster in slow motion"
~ Franklin Drilon,
senator, CEGP alumni

17.3.08

Janina San Miguel, I heart thee...

Interview Portion sa Beauty Pageant at Katawang Kapital*
ni Rolando Tolentino

Usap-usapan ang mga sagot ni Janina San Miguel sa question-and-answer portion ng nakaraang Binibining Pilipinas. Naka-upload ito sa You-tube at masakit itong panoorin. Heto ang transcript ng interview sa host Paolo Bediones:

Bediones: So you won two of the major awards, Best in Long Gown, Best
in Swimsuit. Do you feel any pressure right now?Contestant: No, I do not feel any pressure right now.
Bediones: All right, confident! Please choose a name of a judge. We have Miss Vivian Tan.Vivian Tan: What role did your family play with you as a candidate to Binibining Pilipinas?Contestant: Well, my family’s role for me is so important. Because der was d… deyr… dey was the one… who’s very… haha… Oh, I’m so sorry. Uhm My pamily… my family, oh my god.Bediones (off-mike): Pwede mag-Tagalog. Sige lang, sige lang.Contestant: Ok. I’m so sorry.Bediones (off-mike): Okay lang yan.Contestant: I’m so sorry…I… I told you that I’m so confident. Eto, uhm, wait. Hahahaha. Uhm… Sorry guys… because this was really my first pageant ever. Because I’m only 17-years old! And ahahaa… I.. I did not expect that I came from, I came from one of TAF Ten… Mhmm… Sooo…. But I said DUT my family is the most important persons in my life.
Thank you.

Nasa edad na ang bansa ng purong ideal ng katawan, wala nang usapin ng utak dahil “grace under pressure” naman talaga ang beauty contests. Kahit ano pang pagkakamali o kanipisan ng sagot, ang pagtatalon ng f at p, ang mahalaga ay confident na nakangiti pa rin ang batang contestant. Masyado nang mataas ang kahilingang beauty-and-brains sa isang bansang pinagdarahop ng pambansang pamahalaan ang pondo sa edukasyon, at winawaldas sa pangungurakot ang nalalabing pondo ng mamamayan. Mas malaking usapin kung karapat-dapat ba siyang manalong Bb. Pilipinas World, matapos nitong inaakalang karumaldumal na tugon sa interview portion. At sa mas malaliman, kung karapat-dapat ba itong maging ambassador of goodwill ng bansa?

Ang formulasyon ng dalawang isyu sa debate ay nagsasaalang-alang ng criteria ng paghuhusga at representasyon. Hindi naman liberal na demokratiko ang pagpili, nakabatay ito sa formulasyon ng angkop na representatibo sa mas malaking global na beauty pageant. Kaya nga ang nanalo ay may titulo ng kanilang magiging susunod na partisipasyon—Bb. Pilipinas Universe na sasali sa Miss Universe, Bb. Pilipinas World para sa Miss World, Bb. Pilipinas International para sa Miss International, at iba pa. Ang judges ay pumipili batay sa criteria for judging na iplinakda ng organizers ng Bb. Pilipinas. At ang organizers ay sumasapul naman sa higit pang tsansang manalo sa global na beauty pageants ng lokal na pambato.

Ang Bb. Pilipinas ay ang lokal na idioma ng bansa sa global na kumpetisyon. Tulad sa edukasyon, ang inihahandang graduates ay yaong hindi nakabatay sa pangangailangan ng lokal na industriya kundi ng global na negosyo. Kaya nga ang diskurso ng edukasyon, lalo na sa collegiate level sa negosyo, law at medisina ay sa ingles—mula textbook na ginagamit, kurikulum na ipinapatupad, diskusyon sa klase at ng exams na kinukuha ay nagpapalawig sa kultura ng pakikiramay na nakahiwalay sa lokal na saloobin at pakikitungo. Nakikiramay na lamang sa sariling pagnanais makaangat sa buhay.

Kontraktwalisasyon ang nagaganap sa Bb. Pilipinas. Kung ano ang demand sa global na market ng beauty pageants ay ganoon na rin ang isinasakatuparan. Wala nang mananalong punggok na Filipina, o masyado ring exotiko. Kailangan ay 5’8” at may Caucasian features kahit pa wala ang kaputian (whiteness). Samakatuwid, pangmodelo kahit hindi naman literal na nagmomodelo ng damit kundi ng metapisika ng kagandahan ng Bb. Pilipinas at Miss Universe, halimbawa.

Kaya ang mga nananalong Filipina sa lokal na kumpetisyon ay binibigyan ng crash-course sa bansang nakaperfekto na ng paglikha ng global na winners, ang Venezuela. Nire-redo ang national costume na nakabatay sa estetika ng Broadway kaysa sa anumang pambansang identidad, nirerepaso ang lakad at pakikitungo, at iba pa. Na kung dati ay breeding ang magbibigay nito, dahil historically naman, ang nananalo sa unang mga beauty contests, tulad ng Manila Carnival, ay galing sa alta-sosyedad na familia, at maging sa Marcos era na winners—Gloria Diaz at Aurora Pijuan ay galing sa muy bueno familia, ngayon ay hindi naman sa pumangit ang alta sosyedad kundi hindi na ito ang kalakaran para magkaroon pa ng dagdag na kapital.

Ang katawan ay may kapasidad mangapital. Kung dati ang paraan sa pangarap na pag-angat ay pagkuha ng pagpapari at medisina dahil natitiyak nitong bubuti ang buhay at nakakatulong pa sa kapwa; sumunod ay commerce dahil tiyak daw ang pagpasok ng pera kapag nagnegosyo; ngayon ay pag-aartista na. Kung may hitsura ang bata, lalo pa’t hindi pinalaki ng Milo at Promil, ay kasabay na pangangarapin ito ng pamilya at kapitbahay na mag-artista bilang lehitimo nang kapamaraanan na makaangat sa buhay.

Kaya hindi nawawalan ng panibagong Star Circle at Star Search, at pati Big Brother at iba pang reality TV ay nagiging aparato ng paghagilap ng bagong mukhang bebenta at maibebenta. Ang (matagumpay na) pag-aartista ang pinakamatayog sa pangarap. Kaya ang pagmomodelo, at pati itong beauty pageants, ay stepping stone lamang para maging artista. At sa babang lebel ng hierarkiyang ito, ang Japayuki at hostong entertainers sa niche market ng Japan, ang GROs at macho dancer na nakabase sa clubs, ang mga pokpok (sex worker) sa lansangan o nakatambay sa mall at plaza. Ang waiters, fastfood crew, hotel bell boys, SM cashier ay bahagi rin nitong entertainment service industry.

Kaya tama ang kanta ng Hagibis, lokal na bersyon ng Village People, na naging theme song ng matagumpay na sitcom noong 1990s, Palibhasa Lalake, “Katawan, katawan, katawan, ingatan ang inyong katawan.” Purong katawan, ingatan dahil pwede ngang pagkakitaan.
Hindi naman nag-a-apply sa call center si San Miguel. At kung mag-apply man ito, kasama ito sa 97 porsyento na babagsak. Kaya nga siya nag-beauty contestant ay dahil alam niya ang angkop na halaga at lugar ng kanyang katawan. Ang operative word ay “beauty” at kahit sabihin pang hindi ito skin-deep, ay ito pa rin ang pasaporte para sa realisasyon ng kanyang pangarap at ng kanyang henerasyon. Na sa kalakaran ng beauty contest, tanging mga graduate ng Unibersidad ng Pilipinas na sumasali at nananalo rito, ang nagdaragdag pa ng lehitimasyon sa papawala namang beauty-and-brains combo meal.

Ang kamulatan ni San Miguel ay kamulatang ipinatamo sa kanya sa pang-araw-araw. Ito naman ang bansa ng beauty contests. Mula sanggol, musmos, bata, teenager, bagong Misis, matandang babae, at maging para sa kalalakihan at bakla ay mayroong maaring salihan. Idinidiin ito sa telebisyon sa tanghali, model searches sa mall at plaza, fundraising sa fiesta, at Bb. Pilipinas sa Marso. At ito ang kamulatan sa katawan bilang purong ideal, walang organo, walang utak, purong posturing umaakibat sa modelo ng global na katawan.

Kontest ito—kumpetisyong nakabatay sa malinaw na pamantayan—na magpakaganito rin naman, ay hindi para sa lahat. Isa lang parati ang nahihirang na representatibo. At hindi naman ito opisyal na representasyon at representatibo ng bansa. Hindi pamahalaan ang pumili nito, kundi aparato ng estado. Umaalinsunod sa katawang itinatakda ng estado—katawang walang organo, walang utak, na ang tanging halaga ay gumaya sa ipinataw na modelo: mapa-call center agent ito na gumagaya sa twang ng native speaker, estudyanteng sistematikong pinagdarahop sa kamangmangan at kawalan ng pondo ng gobyerno at naniniwala pa ring makakaahon ito sa kanyang lagay sa malapit na hinaharap, o OCW na nagsasakripisyo ng katawan para sa ikabubuti ng iba.

Hindi nga ba’t ang katawan ng beauty contestant at winner, si San Miguel, ay inakda ni Gloria Arroyo ayon sa kanyang panuntunan—ideal na kagandahang pisikal, nanggagaya, exportable, at kung gayon, purong ideal ng katawan, na tila hindi binahiran ng korapsyon bilang pagtatago sa sistematikong pangungurakot at pag-aaruga sa kanyang mafia. Tulad ng katawan ni Manny Pacquio, ito ay may halaga lamang sa estado hanggang sa nagtatagumpay nang higit pang seduksyon at atraksyon sa aktwal na kapital. At ito rin ang sumpa ng katawan ni Arroyo, na ang pagkatagal na pagkapit sa bangkaroteng panungkulan at ang politikal na turmoil mula rito ay tatagos na sa ekonomiya, at ang kanyang sinasambit na statistika ng pag-angat ay isa-isa nang pinapaputok, tulad ng kumpiyansa ng negosyong nag-aakalang business-as-usual pa rin.

Retorikal ang pagtatapos sa interview portion sa beauty pageant. Ihuhudyat ng contestant na tapos na siya sa kanyang mumbo-jumbo sa katagang, “I thank you.” Na tunay namang rekognisyon sa hurado at estadong magbibigay-halaga at lehitimasyon sa kanyang katawan. Na kahit i-boo pa siya ng audience, na mayroong ibang manok na pambato, ay kinilala pa ring bilang ehemplo ng purong ideal na katawan kayang makapanghimok ng iba pang kapital at panlipunang lehitimasyon. Na kaya masakit itong panoorin ay dahil nasasapol nito ang ating kolektibong nararamdaman: ganito na ang kinahinatnan ng sistematikong pagkakait ng pambansang pondo at atensyon kahit pa ang fokus ay pagtatago ng sistematikong paggaganansya sa edukasyong mahalaga rito.

Sa politika, ito ang pinakamatagal na interregnum nang pagpapatalsik kay Arroyo. Hindi pa namamatay ang luma, hindi pa rin ipinapanganak ang bago. Kaya kailangan ng pagiging komadrona ng kasaysayan, hanggang tayo na ang pasigaw na magsabi kay Arroyo, “We thank you” para tapusin na ang dapat tapusin, at iwan na ang mabigat na entabladong pinapapasan sa mamamayan.

*Mula sa blog ni Rolando Tolentino

4.3.08

SENTENARYONG RADIKAL NG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS SERYENG LEKTURA BLG. 1


Imbitado ang lahat sa...

SENTENARYONG RADIKAL NG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS SERYENG LEKTURA BLG. 1

Academic Union Office, 1st Floor Vinzons
Marso 12 (Miyerkules)
1-5 n.h.



The Other University of the Philippines, tracing the history of nationalist dissent on campus
Prof. Elmer Ordonez
College of Arts and Letters (CAL)
UP Diliman

The Political Economy of Gross Domestic Product Accounting and the Philippine Case
Prof. Edberto M. Villegas
Department of Social Sciences (DSS)
UP Manila

Babae, Makibaka: Maikling Personal na Salaysay sa Pagkamulat at Pakikibaka Bago at sa Panahon ng Batas Militar
Prof. Judy Taguiwalo
College of Social Work and Community Development (CSWCD)
UP Diliman



Pagteteorya, Pagsasapraktika, Pakikibaka..
.

Abre los Ojos. Progressive change cannot be brought with closed eyes

UP Naming Mahal



This version was composed by Prof Gary Granada for the musical, "Lean." You can download the audio file here.


UP naming mahal

Pamantasan ng bayan
Tinig ng masa

Ang siyang lagi nang pakikinggan

Malayong lupain

Di kailangang marating
Dito maglilingkod sa bayan natin
Dito maglilingkod sa bayan natin

Silangang mapula

Sagisag magpakailanman
Ating ipaglaban

Laya ng diwa’t kaisipan

Humayo’t itanghal
Giting, tapang ang dangal
Mabuhay ang lingkod ng taongbayan
Mabuhay ang lingkod ng taongbayan

Silangang mapula

Sagisag magpakailanman
Ating ipaglaban

Laya ng diwa’t kaisipan

Malayong lupain

Di kailangang marating
Dito maglilingkod sa bayan natin
Dito maglilingkod sa bayan natin

nahatak ng sentro de grabedad

My photo
Si E ay patuloy na nagtatangkang tapatan ang pinakamabangis na dance move ni Michael Jackson (mangyaring tingnan ang larawan sa profile). [He's bad, he's bad, you know it.]