Showing posts with label Media. Show all posts
Showing posts with label Media. Show all posts

11.10.08

Harry And Paul, Etnosentrismo't Krisis sa Representasyon

Noong bata pa lang ako'y inaabangan ko na talaga ang pagpatak ng Disyembro. Mano'y sa buwan na ito umuulan ng balikbayan box mula sa mga kamag-anak sa ibang bansa, partikular ang tiyahin kong sa Saudi nagtratrabaho. Laman ang mga tsokolate't laruan (ito ang pinaka-importante sakin nuon) atbp, hindi muna bubuksan ang kahon hangga't hindi kumpleto ang pamilya. Hindi pa "mga bagong bayani" ang tawag sa kanila, OFW pa lamang sila nuon.

Nito lang ay sumabog ang isyu hinggil sa racist na representasyon sa mga Filipinang OFW sa Harry And Baul ng BBC. At tulad nga ng ating reaksyon sa kahalintulad na insidente sa programang Desperate Housewives ng ABC, maraming nagalit at nagpahayag ng pagkainis. Ani pa nga ni representante Riza Hontiveros, ang palabas ay nagpakita ng "racist, humiliating and disgusting depiction of a Filipina domestic worker"

Kagalit-galit naman talaga ang eksena. Sa paglalarawan ng Harry and Paul show, animo'y ganito nga ang karaniwang Filipina domestic helper - uto-uto, kahit ano ipag-utos (kahit sekswal ang katangian) gagawin. Totoo ba ito? Malinaw na "hindi" ang agarang sagot ng marami.

Ngunit ang pagbubuo ng stereotype ay may pinagmumulan. Hindi ito isang biglaang penomena na tatatak kaagad sa kolektibong kamalayan ng isang organisasyon o bansa. Ito ay unti-unting pinagpupursigihan, bagama't hindi malay, upang maging dominanteng representasyon ng isang indibidwal o grupo. Kung gayu'y saan galing ang stereotype na ipinakita sa Harry and Paul? At ano ang dapat depiksyon ng isang Filipina?

Hindi kaila na ang sex industry ang isa sa posibleng pasukin ng isang OFW. Marami na rin namang expose hinggil sa mga OFW na domestic helper ang pinasukan, sex worker ang kinahantungan. Mayroon din namang "kusang loob" na pinili ang ganitong propesyon.

Kung babalikan ang dahilan ng kanilang pag-alis sa bansa, isa lang ang makikita ugat - kita. Kakulangan (sa iba'y kawalan) ng opurtunidad, mababang pasahod, o kung susumahin, kahirapan ang nagtutulak sa mga Filipino/a na lumabas ng bansa. Lahat ito sa kabila ng panganib na mapunta sa malupit na employer, pandarambong ng recruiter, at para sa mga sex workers, posibilidad na makakuha ng sakit. Bukod pa sa ibang bagay.

Hindi lang pamilya ng mga OFW ang "nabibiyayaan" ng dolyares. Maging ang gobyerno'y umaasa rin sa kanilang remittances. At para naman maibsan, sa cosmetic/simboliko na paraan, dineklara silang bagong bayani. Ginawan pa sila ng ispesyal na seksyon sa NAIA. At syempre ang kantang "bagong bayani" ni Nora. Lahat ito para maiparamdam sa kanilang espesyal nga sila, na malaking bagay ang ginagawa nila. Na totoo naman.

Kung kaya naman romantisado na ang nosyon sa isang OFW. Sa paglalarawan sa kanila bilang tagapagsalba ng bansa ay nai-interpelang "kampi tayo dahil kayo ang aming hero." Na sa totoo lang ay hindi. Hindi tayo magkakampi. Paano magiging magkakampi ang isang Filipinang pumasok sa prostitusyon para makaraos sa kahirapan, at ang sistema, kasama na ang mga ahenteng nito, na lumikha ng sitwasyon nya?

Ang poblema natatabunan ang kotradiksyung ito ng isang makitid na nasyonalistang pananaw na makikitaan ng tendensiya ng nativism. Importante ito para mamintina ang imahinaryong alyansa ng sistema at ng OFW. Ipagtatanggol ng sistema ang OFW, mula sa illegal recruiter (sana), marahas na employer (isa pang sana), at maninira ng dangal. Bagama't kabalintunaan, ang huli ang pinaka-popular at pangkaraniwang paraan ng sistema.

Babalik tayo sa tanung, anu nga ba ang dapat depiksyon sa Filipina? Mula sa pahayag ni Hontiveros, kabaligtaran ng pinakita sa Harry and Paul. Ngunit ito nga ba ang Filipinang OFW? Ang Filipinang OFW na nais ipostura ay yaong may dangal at hindi kahiya-hiya. Hindi ba nahihiya ang isang dating guro na nagtuturo sa halaga ng buong pamilya nang pagpasyahan nyang umalis ng bansa? O sa usapin ng mga sex workers, hindi ba sila nahihiya sa sarili at sa uuwian nila? May kahihiyan na magaganap dahil ang sistemang nagtulak sa kanilang pasukin ang ganung propesyon ang mismong nagpapataw ng moral na pamantayang kumukundina sa kanila.

Ang ating kolektibong ego-ideal sa mga OFW ay yaong marangal, di dapat tatakan ng negatibong stereotype, ani nga ni Hontiveros. Bakit? Meron na bang memo mula sa langit na nagsasabing ang mga Filipino, partikular ang Filipina OFW ay marangal na lahi, lahat sila pwedeng magmadre't pari. Wag nyo silang ilarawan o tingnan man lang sa bastos na paraan. Marangal silang nagpapa-alipin sa inyo." Ang ganitong conviction, na parang bang "above worldly ventures" ang mga Filipino OFW ay ethnocentric. Binubusog tayo sa imaheng malinamnam, ngunit wala namang sustansya. Kailangan nating makilala ang totoong posisyon ipinataw satin - serbedora/o ng mayayamang bansa. Mula dito'y magsasanga ang mga tanong hanggang sa makarating sa "sino at/o ano ang may kagagawan?"

Sa pagtalikod sa "nakakahiyang" katotohanan, lubusa tayong nagpapailalim.

P.S. Ani Edgardo Ermita hinggil sa isyu, "Some jokes are downright disgusting."

Edgardo, (if i may call you Edgardo,) totoong may nagutom na sa downright disgusting na joke (sa kaso ng mga naging anorexic) pero dahil sa downright disgusting na sistema may nagpakamatay na.

10.10.08

Araling Pang-Komunikasyon, Kritika at Pagsusuri ni John Fiske*

Sa ‘Introduction to Communication Studies,’ pinangunahan ni John Fiske ang mambabasa na walang isang katangiann o lapat ang Araling Pang-komunikasyon (communication studies). Ayon sa kanya ang komunikasyon ay “diverse at multi-faceted”. Dagdag pa niya, hindi dapat ito ituring na “subject of study,” bagkus, isang “multi-disciplinary area of study.” Dahil na rin sa debate hinggil sa dapat na katangian ng pag-aaral sa komunikasyon, naglatag si Fiske ng kanyang mga palagay/asersyon:

1) kailangan ng ilang disciplinary approach para sa mas komprehensibong pag-aaral sa komunikasyon,

2) nangangailangan ng mga signos at koda ang komunikasyon,

3) gawi (practice) ng relasyong panlipunan (social relationships) ang pagpapadala at/o pagtanggap ng mga signos/simbolo/komunikasyon,

4) ang komunkiasyon ay “sentral sa buhay ng kultura.” Dahil dito ang pag-aaral ng komunikasyon ay nangangailangan ng pag-aaral sa kultura kung saan ito nakapaloob, at

5) ang pangkalahatang depinisyon ni Fiske sa komunikasyon ay “social interaction through messages”.

Kapansin-pansin ang ugnayan ng mga palagay na inilatag ni Fiske sa isa sa dalawang paaralan (school) sa pag-aaral ng komunikasyon, ang semiotika.

Ayon kay Fiske may dalawang paaralan sa pag-aaral ng komunikasyon, ang tinatawag niyang process school at ang semiotika. Magkaibang-magkaiba ang perspektiba ng dalawang paaralan hinggil sa komunikasyon.

Ang process school ay tinitingnan ang komunikasyon bilang proseso kung saan naapektuhan ng tagapagpadala ng mensahe ang ugali o di kaya’y kamalayan ng tumanggap. Base sa balangkas na ito, ang primaryang pinag-aaralan ng paaralang ito ay ang epekto at accuracy ng komunikasyon. Ayon pa kay Fiske, para sa taga-process school, ang mensahe ay pinapadala sa proseso ng komunikasyon. Dagdag pa niyang sa process school, “The message is what the sender puts into it by whatever means.

Nakikita nitong ang proseso ng komunikasyon ang magpapasya sa ika-tatagumpay ng komunikasyon. Ayon pa kay Fiske, tinitingnan nito ang pagpapaunlad sa proseso bilang papapataas ng panlipunang kontrol (social control). Ang katangian at pagpapahalagang ito ang di-umano’y dahilan sa pagkahumaling ng karamihan sa mga konsepto at teorya ng process school. Idinagdag pa ni Fiske, ito daw ang punto de bista ng isang advertising executive.

Ang semiotika nama’y tinitingnan ang komunikasyon bilang “produksyon at palitan ng kahulugan.” Pinag-aaralan nito ang interaksyon sa pagitan ng teksto (mensahe) at ng tatanggap nito para makabuo ng kahulugan. Tinitingnan nito ang “pangkultura (cultural) at/o panlipunang (social) pagkakaiba” ng tatanggap bilang mapagpasya aspeto sa kahulugang mabubuo. Hindi nito tinitingnan kung gaano ka-epektibo ang komunikasyon, bagkus, mas pinahahalagahan nito ang “pamamaraan ng pagbasa” dito.

Para sa mag-aaral ng semiotika, ang kahulugan ng mga teksto ay mabubuo sa interaksyon ng tumanggap nito at ng teksto mismo. Ito ang sinabi niya hinggil dito:

The message … (is) an element in a structured relationship whose other elements include external reality and the producer/ reader.

Ibig sabihin, sa panlipunan at ideolohikal na posisyon ng tumatanggap ng mensahe nakabatay ang pagpapakahulugang gagawin niya sa mensahe. Mula sa pahayag na ito ay mababanaag ang kahalagahan ng pagbasa ng posisyon ng nagpadala at tumanggap ng mensahe.

Maaaring suriin ang katangian ng mga theory-oriented na kurso base sa dalawang paaralang binanggit ni Fiske. Gamit ang pangkalahatang balangkas ng dalawang eskwelahan, maaaring suriin kung ano bang paaralan ang dominante sa mga theory-oriented na kurso. Mula dito, babasahin natin ang posibleng impluwensya nito sa pelikula ginawa ng mga estudyanteng dumaan sa mga kursong ito.

Walang nirerekomendang wastong paaralan si Fiske, bagama’t may pahayag siyang ganito:

It is not my intention to suggest that there is a right and wrong way… But there are ways that are more or less fruitful.

Ayon sa kanya, ang semiotika ang “mas nakakatugon” sa mga tanong hinggil sa komunikasyon dahil na rin sa ipinapaliwanag nito ang mga penomena ng pang-araw-araw. Ngunit aminado pa rin si Fiske na may kakulangan ang ganitong giya. Ang kakulangang ito naman ang pinupunan ng process school. Nirekomenda pa rin niyang pagaralan ang dalawang paaralan.

Si John Fiske ay propesor ng Komunikasyon sa University of Wisconsin-Madison. Sya rin ang awtor ng The Jeaning of America, sanaysay hinggil sa maong bilang sityo ng tunggaliang kultural.

*para sa mga guro sa aking dating kolehiyo, at sa mga estudyante ng komunikasyon na buryong na buryong na sa objective type na exam sa mga klaseng pan-teorya.

imahe mula sa http://www.mediate.com/Fiske/images/fiskesm.jpg

4.10.08

Malnourished


What feeds me destroys me
~Christopher Marlowe

photo taken from http://www.whokilledbambi.co.uk/?p=1316

8.8.08

080808

These are the official Olympics mascots. Aren't they the cutest? (spell merchandiseseseses?)

Now here's the other side of the wall.
Can't imagine how they managed to produce such lovable characters with all the human rights violation happening within and without the country.


Oh.
Right


sidedish: Jingjing has a twin who didn't make the cut. Apparently, the twin's image contradict with the essence of the Beijing 2008 Olympics. See why.

Anung di bagay, sakto nga eh.

image taken from
http://en.beijing2008.cn/spirit/beijing2008/graphic/n214068254.shtml http://farm2.static.flickr.com/1216/539035669_41f410340f.jpg
http://akalol.files.wordpress.com/2008/05/china-protest_bw.jpg
http://images.google.com.ph/imgres?imgurl=http://bp2.blogger.com/_-HUiwp7Jqnc/R7yTat2mRKI/AAAAAAAAIHo/n36msaLmRkQ/s400/torture_christian_elder_china_1141339424.jpg&imgrefurl=http://myamarnews.blogspot.com/2008_02_01_archive.html&h=300&w=400&sz=18&hl=tl&start=48&um=1&tbnid=M863rERKgwFCKM:&tbnh=93&tbnw=124&prev=/images%3Fq%3Dsummary%2Bexecutions%2Bin%2Bchina%26start%3D40%26ndsp%3D20%26um%3D1%26hl%3Dtl%26client%3Dfirefox-a%26rls%3Dorg.mozilla:en-US:official%26sa%3DN
http://media.economist.com/images/20080112/0208AS2.jpg
http://www.centurychina.com/plaboard/uploads/shot.jpg

30.6.08

Yet Another Means To Curtail Press Freedom

This is a note from Prof. Arao's latest post.

In case you still don’t know, the management of Pinoy Weekly decided to temporarily stop the publication of the tabloid due to the country’s economic crisis and the concomitant high cost of printing. If it’s any consolation, the online edition will still continue. From what the online editor told me, the uploading of new content will happen every Friday (Manila time). I hope that you will continue to read Pinoy Weekly, the absence of a print edition notwithstanding. Actually, it is ironic that Pinoy Weekly’s print edition had to end at a time when one of its articles in 2007 was a finalist in the prestigious 19th Jaime V. Ongpin Awards for Excellence in Journalism (JVOAEJ).

Albeit indirectly, our failing economy proved to be quite an effective way to (temporarily, i hope) disable the alternative press. Good thing the online version's still here.

Sadly, there are PW readers who aren't comfortable with Google.

Here's to hoping that we acquire the capacity to pull ourselves out of our ego holes and dwell in to something outside our comfort zone.

READ

21.5.08

Fahrenheit 4999

[click to enlarge]
Now where am I supposed to get $49.99? The idea of online publishing (or new media for that matter) is the decentralization of content production.

Sigh

Got to develop mental telepathy. Quick.

For additional info on this potential threat, click.

image taken from http://www.thehumorarchives.com/joke/Net_Neutrality_is_Important

16.5.08

Citius, Altius, Fortius

[if the image isn't moving, click it]
How?
Found this in the Reporters Without Borders campaign site. Sadly true.
Boycott MSG!

image taken from http://www.rsf.org/IMG/gif/250-250-gb-4.gif

9.5.08

Forgive me...

but is that light orange I'm seeing?

[click image to enlarge]

We are 128th for 2007 in world press freedom ranking given out by Reporter's Without Borders (which, by the way, has a very cool .gif logo).

Either our human rights record really improved, or other countries' worsened.

What do you think?

image taken from http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/f/f0/Reporters_Without_Borders_2007_Press_Freedom_Rankings_Map.PNG

6.5.08

Oops...

Am trying to look for this Youtube post where Claudine Barreto slipped and accidentally (?) said "Ay, putang ina! sori po." She was singing when that happened.

At least we know that ASAP's singer don't lip sync.

Or do they?

image taken from http://www.albinoblacksheep.com/tutorial/phonetic_image.jpg

26.4.08

It was a Dark (, stormy) Knight

Can't wait for the new Batman movie. Yeah, we've all read about Ledger's death. All the more reason to watch the supposed reason.

The image here is chalk art by Julian Beever (who's actually squatting on the sidewalk). The art also reminded me of old Batman comic art.

Nice work with the perspective. How Po Mo!

image taken from http://www.moillusions.com/2006/03/more-sidewalk-chalk-illusions.html

11.4.08

The Lie is Their Expense

Read. The same might be true with our present "rice crisis."

What should one do when "inside the belly of the Beast?"

8.4.08

“Hot funk, cold punk..."


"...even if it's old junk, it's still rock and roll to me.”
- Billy Joel

The surviving few.



photo taken from http://web.rjplanet.com/node/226

3.4.08

On Citation


A recent comment from baklang aj (I swear that this is what he registered his comment with) made me think on internet citation.

Blog hopping, I came across Frank Cimatu's post on internet downloading. It's not about internet citation but I think certain concepts could be adapted. Here's the article.

Reading it made me wish I enlisted in some semantics courses.

photo taken from http://www.all4humor.com/images/files/Quit%20Stealing.jpg

30.3.08

CEGP 68th National Student Press Convention



The College Editors Guild of the Philippines will hold its 68th National Student Press Convention (NSPC) and 34th National Student Press Congress on May 23-27 in Davao City.

The Guild is the oldest and largest intercollegiate alliance of student publications in the country. This year, CEGP celebrates its 76th year of existence committed to the advancement of campus press freedom.

The NSPC will provide lectures and workshops on basic, intermediate and advanced journalism skills. Likewise, trainings in different literary genres will be given. And as part of the Guild’s dedication to educating student journalists regarding the plight of the country, various socio-political discussions will also be featured.

Also, the following awards will be given to outstanding publications:

8th GAWAD ERJ Named after CEGP President Emeritus Ernesto Enriquez Jr. This is the search for outstanding student publications in the country. The contest has two divisions: major (categories: tabloid, broadsheet, magazine,) and minor (categories: website, alternative form, literary folio). In the major division, a publication may join only one category. In the minor division, a publication may join all the categories.

4th GAWAD Beng In honor of the dedication of martyred CEGP Vice President for Mindanao Benjaline “Beng” Hernandez in protecting and promoting human rights, Gawad Beng is the award given to the publication with an exemplary program on human rights. Beng, who also worked as a human rights volunteer, was murdered by soldiers while conducting a fact-finding mission at Arakan Valley, Cotabato on April 5, 2002. In this award, a particular program on human rights accompanied by photos, narrative report or video is to be judged (you can use any of these materials).

GAWAD Marcelo H. Del Pilar This is the highest citation given by the Guild to its outstanding alumni.

In this regard, we invite your publication to attend the 68th NSPC and 34th National Student Press Congress. Registration fee is pegged at P2,500 per delegate, which is inclusive of food, lodging and convention kit for each participant.

The CHED endorsement will follow as soon as it is available. The exact venue, convention program and the mechanics of the contests will be included in the final invitation to be released soon.

For inquiries, you may contact Vijae (09162034402) or Trina (09104803098).

We look forward to your publication’s participation in this noble activity.

For a FREE PRESS!

* Pinost ng anak namin sa Friendster. Inulit lang namin dito, baka sakaling makatulong sa pagpapakalat ng magandang balita.

To write is already to choose!

26.3.08

Konti na lang...

sumablay pa.

Sayang...

25.3.08

At Nakalusot Nga!

14.3.08

Sa Mata Ni Ekang, Isang Pamumuwing*

Pamilya raw ang batayang yunit ng lipunan. Kaya naman mahalaga ang bawat bahagi nito. Ang nanay daw ang ilaw ng tahanan, ang tatay naman ang haligi nito. Samakatuwid, ang pamilya ang isa sa pangunahing institusyong humuhubog sa pagkatao ng isang bata (na siya rin namang dadalhin niya pagtanda.) Ngunit, paano kung ang mismong hulmahan ay dysfunctional?

Palagay ko’y ito ang tinalunton ng “Sa Mata Ni Ekang,” kwento ng tatlong taong gulang na batang maaga pa lamang ay namumulat na sa latotohanan ng kanyang munting mundo. Ang ama ni Ekang, traysikel drayber sa umaga, holdaper sa gabi. Ang kanyang ina, pusher at runner ng droga. Ang lola niyang grumadweyt na sa pagpuputa, ngayo’y bugaw na. Nandiyan rin ang kanyang tiyuhin na wala inatupag kundi mga sariling bisyo. Ito ang pangunahing tauhan (bida?) sa kwento ng buhay ni Ekang.

Sa totoo lang luma na ang kwento. Mahirap ang pamilya ni Ekang. Kaya napilitang mangholdap ang ama. Kaya nagtutulak ang ina. Kaya namumugaw ang lola. Malaki na ang lamat ng moralidad sa pamilya. Kataka-taka pa bang nagrebelde si tiyo? Kaya hindi na rin nakakagulat na sa murang edad na tatlong taong gulang, si Ekang ay kasing lutong na ng tsitsaron kung magmura. Normal na rin sa kanya ang ilang bagay na hindi itinuturing normal. Ilan nga bang bata ang nagagambala ang pagkakahimbing dahil sa malakas na pagkatok ng mga taong gigil na gigil magparaos at humiwalay sa mundo?

Sa biglang sulyap, simple lang ang istorya – holdaper ang ama, pusher/runner ang ina. Lahukan pa ng lolang bugaw at tiyuhing nagrerebelde. Kung ito’y isang pelikula, marahil nanalo na nga ito ng gantimpala. Ika nga, istorya pa lamang, patay na sila.

Anupa’t andito na ang sinasabing pinakamabentang sangkap ng isang produkto ng mass media – ang human drama. Hindi na rin siguro dapat ikagulat na akusahan ang may likha ng sensationalism. Bakit pa nga ba natin kailangang ipaalala ang sitwasyon ng mga katulad ni Ekang? Kailangan pa bang kantiin ang mga natutulog nang multo? Sa palagay ng grupo ni Kara David, oo. Sumasang-ayon naman ang ilang orginasisying naggagawad ng parangal para sa kategoryang dokumnetaryo.

Ngunit hindi natatapos sa karangalang nakamit ang istoryang bitbit-bitbit ng “Sa Mata ni Ekang.” Ang produkto ay nagiging tekstong pupuwing sa ating mga matang nakabukas pero di nakakakita (o pili ang nakikita). Luma na pero andiyan pa rin. At tinawid nga ng tekstong likha nina Kara David at Lloyd Navera ang “kategorya” ng isang simpleng “dokumentaryo” tungo sa pagiging diskurso.

Ito ang diskurso ng pamilya/tahanan – umaandap-andap na ang bumbilya at anumang oras ay maaring bumgay ang haligi. Ito ang diskurso ng moralidad at ng lipunang ipinamamayani ito, kasabay ng pagtanggal sa isang indibidwal ng kakayahang panghawakan ito. At ang pinakasimpleng diskurso, ang diskurso sa pagitan ni Ekang, nilalang na nasadlak sa posisyong hindi niya nilikha (o naiintindihan man lang) at kanyang pamilya, lipunan, mundo. Sa huli, pare-pareho tayo ng tanong. Ano nga ba ang kahihinatnan ni Ekang? Madaling sagutin, mahirap arukin.

Marahil, ambisyosong pangarapin na mula sa isang dokumentaryong tulad ng “Sa Mata ni Ekang,” na masasabing simple at ordinaryo ang paksa, magmumula ang panlipunang pagbabago. Hindi rin naman ata ganun karami ang naka(ka)panood nito. Pero kailangang magsimula, maliit ma’y simulain pa rin. At sa pagkakatanda ko, walang malaking nakakapuwing.

* Salamat kay BF sa binigay niyang atensyon sa gawang ito. Sana makalusot.

1.3.08

Free Seminar: I-Witness









posted by Howie Severino in his blog, Sidetrip.

FIRST I-WITNESS DOCU SEMINAR!

(it's free but competitive)

Howie Severino, Jay Taruc,
Sandra Aguinaldo, and Kara David
with their team members
discuss the techniques of
award-winning documentaries
at the

1st I-WITNESS DOCU SEMINAR!
(scheduled for April 5 in Quezon City)

To apply, submit your resume
and a 400-800 word essay in
English or Filipino
about your
favorite I-Witness episode
by email to
iwit.docufest@gmail.com

or snail mail to –

I-Witness, GMA Network Center
Diliman, Quezon City

or drop your resume and essay off at the
I-Witness DVD signing event on March 2 at
Powerbooks Trinoma Mall North EDSA Quezon City.

A total of 80 participants will be chosen for this free seminar.

Application ends March 15.

nahatak ng sentro de grabedad