31.3.09

nakakamiss makipaggaguhan lang sa barkada. yung tipong sabog (hindi extrinsically induced na pagkawasak) kayong nag-thetheorize kung maganda bang sequel ang 300 dalmatians. o kung anung bagong strain ng tb ang nag-mutate sa baga nung isa.

28.3.09

"A flea, with legs finer than a human hair, can pull up to 700 times its own weight! A flea can lift up to 60 times its own weight! A flea can jump over 150 times its own height! When we build circuses on Mars, or asteroids one day, then we?ll perhaps witness similar dexterity, but for now - consider a humble flea."

right tulad ng isang right angle, na hindi pwedeng lumabas sa 90 degrees.

Para sa kawawang walang maipapasak na musika sa tenga, parusa ang araw-araw na pagpasok at pagkukunwaring nagtratrabaho sa saliw ng pagatungal ng kasamahan sa trabahong malaki ang katawan, pangarap maging ufc fighter, at may superiority at seniority complex.

14.3.09

Marso 13, 2008, ang selebrasyon ng aking kaburgisan.

patay.

12.3.09

Zinn on Protest


mula dito: http://www.unb.ca/democracy/English/Ideas/Consent/Civil/ImagesDisobedience/Thoreau2.jpg

nang mauto ni andy si john at yoko


mula dito: http://thoughtbucket.tumblr.com/post/60033874

11.3.09

ang miyerkules na ito ay tulad ng miyerkules nuong nakaraan linggo, at nung isa pang linggo at nung mga miyerkules na nakaraan pa.

isang araw, otso oras na naman ng pagtipa ng walang kabuluhang eklat. kabalintunaang excel ang gamit namin, ngunit di naman kami nag-e-excel o kailangan mag-excel labas sa kinakailangang kakanyahan ng kumpanya.

ito ang kapalit ng pagtangging magutom, ang maburyong.

10.3.09

shock and awe din pala ang epekto ng slumdog. para sa mga nabuhay sa relatibong mas kumportableng kundisyon, nakakagulat ang pagtalon sa tae, pag-ampon ng mga sindikato, at ma-tortyur. nakakagulat kasi wala/malayo sa ating suhetibong ideyal ang mga pangyayari. at ang ideyal at suhetibo ay madalas, kundi man ay karaniwang umiikot sa sarili, na may manaka-nakang pagkalabit mula sa labas, salamat sa midya, pero sa huli, tulad ng isang turumpo, ay babalik ulit sa ikot, hanggang sa tuluyan na nga itong mawalan ng momentum at matumba, tigok, patay.

maganda kasi bago itong ideya para sa mga hindi tumatalon sa tae para makapagpapirma ng litrato sa hinahangaang action star, na sa malamang ay isa nang senador, may ari ng isang, dalawang villa, yate, bukirin etc,. pero para sa mga jhamil, salim, at latika, ito ang normalidad ng mundo, ito ang modalidad, at ito ang takbo at siklo na nga ng isang slumdog. na sa totoo lang ay bihira, mas posible pa atang manalo sa jueteng (o kung anu man ang kapareha nito sa india) kesa maging millionaire nga.

inspirational nga sigurong maituturing ang pelikula, may aspetong kumikiliti sa imahenasyon ng nakapanood na, oo, pwede nga yung ganun, maari, posible, datapwat, kailangan lang magtiis, tiis, at tiis pa, hanggang sa maluto ang nilaga na bunga nga ng tiyaga. pero madalas sa minsan, ang pagtitiis ay nagbubunga lamang ng mas mahaba pang pagtitiis, hindi tulad sa pelikulang ang premyo ay 20,000,000 rupeya at sa pagbabanat ng buto para maging nilaga, minsan, madalas, posibleng, sa sobrang banat ay malagot.

Nakakapagtaka lang na tulad ng mga pelikulang komedya sa pilipinas nuong 80s, madalas din palang may song and dance number sa mga pelikulang indiano, sa hulihan nga lang.

oo, napanuod ko na ang slumdog millionaire.

7.3.09

Alam mong may poblema sa kumpanyang pinagtratrabahuhan mo kung mabibigyan kang memo dahil nagpatugtog ka ng Blood Sugar Sex Magik ng Red Hot dahil explicit ito, lahat sa kabila ng pagkakaroon ng 'Sex:' na field sa Annual Physical Exam form.

6.3.09

Kung paano hindi umorder ng malaking kape

Danny: Can I get a large black coffee?
Barista: A what?
Danny: Large black coffee.
Barista: Do you mean a venti?
Danny: No, I mean a large.
Barista: Venti is large.
Danny: No, venti is twenty. Large is large. In fact, tall is large and grande is Spanish for large. Venti is the only one that doesn't mean large. It's also the only one that's Italian. Congratulations, you're stupid in three languages.
Barista: A venti is a large coffee.
Danny: Really? Says who? Fellini? Do you accept lira or is it all euros now?

mula sa trifle (na tinatamad na ako lagyan ng link, search na lang ulit)

THE ONLY BUSH I TRUST IS MY OWN

~ sabi sa suot ni Periel Aschenbrand

5.3.09

Patungkol sa Panganib ng Hinaharap

Ang panganib ng nakaraa'y ang pagiging alipin ng tao. Ang panganib ng hinaharap ay maaring maging robot ang tao.

The danger of the past was that men became slaves. The danger of the future is that man may become robots.

~ Erich Fromm

Pagkamatay

Noong ika-labinsiyam na siglo, ang poblema'y patay ang Diyos. Ngayong ika-dalawampung siglo, ang poblema'y patay ang tao.

In the nineteenth century the problem was that God is dead. In the twentieth century the problem is that man is dead.

~ Erich Fromm

(palpak na salin. tsk tsk)

Ukol sa pag-ibig

Sa pag-ibig nangyayari ang kabalintunaan ng dawang nilalang na naging isa ngunit nanatiling dalawa.

In love the paradox occurs that two beings become one and yet remain two.

~ Erich Fromm

Mula sa isang bunga...

Habang tumataas tayo sa panlipunang hagdan, mas kumakapal rin ang maskara ng kabangisan.

As we ascend the social ladder, viciousness wears a thicker mask.

~ Erich Fromm

Unang Pagsubok:

Pag-akyat ng puno.

Mapalad ang hindi nagugutom sapagkat hindi sila pinupuyat ng kalam.

4.3.09

APIYN

Conference-Workshop on the United Nation's Declaration on the Rights of Indigenous People,
yebah!

3.3.09

Ang makina, hindi nagmimintis, hindi napapagod, pag uminit, langis lang ang katapat, larga ulit.

Ang tao, nagugutom, napapagod, nabuburyong, at kapag nag-init, dahas? o haplos kaya?

nahatak ng sentro de grabedad