2.12.08

Dahil lahat na ata nakapanood ng Twilight...

Parang bihira (o wala na talaga?) ang mga literaturang Filipino isinasapelikula. Senyales kaya ito ng limitado demogapiya ng mambabasa? Maaari kaya itong iugnay sa pangkalahatang pagpapahalaga ng Pilipino bilang mambabasa?

Tingin mo, stray?

image from http://www.viruscomix.com

12 komento:

Anonymous said...

Wag ka mag-alala di pa ako nakakapanuod ng Twilight, wala din akong iskima kung ano at tungkol saan ito. Narinig ko lang na mula sa nobela.
Sa palagay ko rin pards, may limitadong demograpiya sa mambabasa ang Pinas. At ang maliit na demograpiyang ito ay natatangay pa sa mga literaturang di gawang atin.
Sa pangkalahatang pagpapahalaga ng Pilipino bilang mambabasa, hindi ko matiyak na kaya kong masaklawan. Hindi ko kasi nakakalimutan na pinakamalaking porsyento ng populasyon ng Pinas, mas gugustuhing pambili ng pancit canton at isaw, bilang lunas sa kumakalam na sikmura kesa bumili ng mga nobelang nagwagi sa Palanca.

Pasyon, Emmanuel C. said...

clap, clap ako dyan pards.

The Dork One said...

di ko p rin napanood twilight, sa labas palang dami na parang maiihi sa kilig...

anyways gusto kong maging movie yung andong agimat ni arnold arre! astig yun

Pasyon, Emmanuel C. said...

narinig ko na tong arre tol. may bago sya eh, martial law babies. mukhang astig nga. andong agimat ba yung kasama sa mythology class?

yung zsazsa nga pala naging movie. hehe. nakalimutan ko.

The Dork One said...

andong agimat is different from mythology class, both from arre. astig siya

yeah naging movie nga yung zaturnnah kaso hindi maganda yung direction

Pasyon, Emmanuel C. said...

agree ako dyan alex. di porke't mukhang bakla si zsazsa eh pwede na sya sa role na zaturnah.

astig din yung elmer pards.

nga pala, may site ba si arre?

Jellie Dawn said...

Haha. Grabe ang mga tao ngayon. Lahat SSU (sabay sa uso). Kahit mga tindera sa palengke, nanonood nga n twilight. Sigaw pa sila ng sigaw ng EDWARD! Haha.

Xancha said...

at kahit ang libro, mahihirapan kang maghanap...isa ako sa mga naintrigang magbasa ng twilight subalit wala akong balak manood at makipagsabayan sa mga tinderang sumigaw ng EDWARD.
tama ka. mukhang nga napagiiwanan na ang literaturang Pinoy in terms of readership. maaring ito'y dahil kadalasan ang pagtingin sa literaturang pinoy, mapakomiks, nobela, pelikula, ay baduy. baka kailan ng i-repackage ang literaturang pinoy.

hector_olympus said...

ivaywere.

if i were to do a movie based on a filipino novel, i'd prefer NOLI ME TANGERE

ivaywere.
sadly, i'm not a producer.

Pasyon, Emmanuel C. said...

j-dawn: mas nalungkot naman ako sa balita mo tol. sila nakapanood na't pa-edward-edward pa. ako, still in the dark. (cue: take me out of the dark my lord...)

xancha: ang nakikita ko kasing posibleng reaksyon ng mga high brow writers, "pwe!" pero go ako dyan. bring art to the masses. maraming astig na lit na di naman dugo ulong (pero pwede ring dugo ilong kung babasahin pa ng mas malalim). andyan sina khavn dc, e atalia at n wilwayco. hihi.

hector: reproducer lang? hehe. gusto ko sa noli adaptation labas nila. musical na rock and roll. tingin mo?

Straycat260 said...

Eman, mag-post ka na. Gusto ko na ulit makabasa ng mga entry mo. wag mo na ako gayahin na hiatus.

Pasyon, Emmanuel C. said...

hehe. babasabasa lang muna ako tol.

nga pala, tabi mo muna titulo ng lupa't bahay nyo. di namin naabutan yung 100. sad. at dahil sa kalungkutang ito, gagawa kami ni halina ng forever simang fans club. sali ka ah.

nahatak ng sentro de grabedad