3.4.08

Lata at mga Latak II: Paa ng Sirena*

Mula sa kaibuturan ng karagatan isang mayuming sirena ang umasam na mabuhay bilang isang normal na tao, ang makapanood ng Darna at Encantadia, ang makainom ng maylo at ang maka-amoy ng Jollibee.

Namuhay kasama ang mga tilapya, syokoy, pusit, tinapa at mga pating... Sa paglatag ng kadiliman, ang dalaga ay pumupunta sa pampang upang tanawin ang mga taong may dalawang posteng ginagamit sa paglalakad at pagtakbo. Hindi nya alam ang tawag dito o kung saan man ito mabibili. At wala rin syang pambayad kung sakali man. Mula sa kanyang kinaroroonan ay tanaw rin ang isang taong putol ang kabilang binti at ang tanging hawak na saklay ang siya lamang nagsisilbing suporta. Kaya naman naisip ng sirena na kumuha kaya ng kahoy at subukang gamitin din sa paglalakad. Tiyempo namang may mga sangang nakalutang papalapit sa kanya. Agad niya itong nilanguyan. Hawak ang dalawang mahahabang kahoy, sinubukan ng dalaganag maglakad. Ngunit di niya nagawa. Tumutulo na ang kanyang sipon at luha hindi pa rin sya sumususko. Makakaya nya ito gaya ng iba! Subalit bigo pa rin ito. Bumalik sya sa laot ng may panlulumo.

Hiniling na niya sa lahat ng bituin at starfish na siya’y makalakad subalit bingi ata ang mga ito, naiintindihan nya naman , ‘mahal ata ang cooton buds ngayon’ kaya bihira lang din makarating sa dagat..


Hayyyyyy ...kelan kaya siya makakatikim ng chippy, mr. chips, makakainom ng emperador, san mig light at makakatira ng shabu? Kawawang sirena, nagpakalasing na lamang sa tubig alat.

Isang araw may nakita siyang lumulutang na tao sa karatig-dagat. Kasinglaki niya lamang ang naturang lalaki. Nasiyahan siya nang malamang patay na ito. At naisip nyang hindi na ito mangangailangan pa ng mga paa...

Kaya sumisid siya at kinuha ang mga nalikom na cutter at kutsilyo sa barkong titanic.

Hiniwa niya hanggang sa maputol ang beywang nito. Mas lalong natuwa ang sirena nang makitang magkahiwalay na ang pang-itaas at pang-ibabang katawan. At ang susunod na lamang nyang gagawin ay ang putulin din ang sariling beywang.

Nang subukan ng sirenang sugatan ang sarili ay nakaramadam siya nang kirot. Pero inisip nyang ito’y normal lamang , at marahil kelangang bilisan nang sa gayon hindi maramdaman ang sakit. Kaya binilisan nga niya ang paglaslas...hanggang sa...nakaramdama siya nang panghihina. Hindi pala siya nakapagdala ng paste! Papaano niya ngayon ididikit ang mga binti sa kanyang katawan? Tuluyan nang nahemorrhage ang sirena. Hanggang sa dumilat ang kanyang mga mata at nalagutan ng hininga.

Mula naman sa di-kalayuan dalawang matandanag sirena ang nag-uumapaw sa tuwa dahil may rugby silang dala at ...mighty bond!!!

(:Para sa isang nakakwentuhan, sana may nekstaym pa ulit para nakawin natin ang mga rose sa garden nyo—na hindi madilim at nagmamadali:)

* Sinulat ng isang kaibigang naguguluhan. Makakaahon ka rin. Pansamantala, alalahanin mo muna ang iyong naging pangarap.

1 komento:

Anonymous said...

i love d story...
nakaka touch!! nyahahahahhaha... mga sungaers na sirena.. dapat epoxy dinala nila.. dumidikit kahit basa..!! LOL

asteg ahh.. kaya sa mga tao d'yan makontento kau kung anong mayroon kau..

Bwahahahahahah!!

nahatak ng sentro de grabedad