'Kala ko talaga dati itlog si Humpty Dumpty.
Kaya lang naalala ko ulit kanina (habang nakatingin sa panot na asa harapan ko sa bus) yung tanong ni Frack McCourt sa kanyang mga estudyante: itlog nga ba si "Humpty Dumpty?." Oo nga naman. Wala namang sinabing "Humpty Dumpty, the egg, sat on a wall." Nung natapos ko yung nobela desido na ako na hindi nga necessary na itlog si Humpty. Pero hindi ko pa rin alam kung anu siya.
Tinanong ko na ito dati kay Nanay. Sabi niya itlog nga si Humpty. Tinanung ko kung paano nangyari yun. Sabi niya, "Basta (,ituloy mo na lang yang nilalabhan mo at gabi na)."
Tapos may bagong tanung na pumasok sa utak (ulo) ko kanina: "Sino ba ang nagsabi na itlog si Humpty Dumpty?." Naku, patay na naman. Hindi ko nga alam kung anu si Humpty Dumpty, tinanong ko pa kung sinu nagsabing itlog nga siya."
Kasi naman, halos lahat ng kakilala ko sabi itlog nga si Humpty. Eh, hindi naman na iyon ang tanung ko. Ang bagong gumugulo sa isip ko ay kung sinung hinyupak ang nagpakalat ng misleading na impormasyong itlog nga si Humpty. Pati Nanay ko pinagtripan.
Hayaan mo nay, ipaghihiganti kita. Hahanapin natin ang gagong nagsabi sayo na itlog nga si Humpty.
P.S. Marunong na pala ako mag-link. Click mo lang yung Humpty Dumpty na naka-underline lalabas na yung entry sa Wiki. Galing noh?
12.1.08
Testing
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 komento:
ibig sabihin, pwede mo nang ilink ang bago kong photoblog, hehe
-humpty dumpty
sige. sasampolan din natin yang photoblog mo ng malupet na linking! olrayt!
Post a Comment