July pa ata nang huli akong magpaskil dito.
Nakalimutan ko na rin kasi na meron pa pala akong ganito. Requirement lang kasi ito sa klase. Kaya ayun, kinatamaran ko na rin ituloy matapos kong maipasa yung klase. Anu nga ba ang orihinal na intensyon ng blog na ito? Medyo mataas pangarap ko nuon.
Matagpuan ko lang ulit ito nang turuan ako ng kasama ko sa trabaho na mag-ego surfing. Ayun, may tatlong lumitaw na site. Isa yung sa deviantart account ng anak ko. Ginamit niya kasi yung ginuhit ko sa lay-out niya (+1 ego point). Yung isa nung pumasa ako sa Civil Service Exam (+1 na naman). At yung huli ay eto nga, yung blog.
Binasa ko mga dating laman nitong blog ko. Ganun pa rin naman ang nararamdaman ko. Nag-iba nga lang ang level of conviction ko. Parang hindi ko na rin kayang pangatawanan ng buong-buo ang dating blog description na nilagay ko.
Pero kailangan sumulong. Kailangan ko uli magsimulang magsulat. Para kanino? Sa masa sana ang isasagot ko pero sigurado ba ako na sa masa nga nakatuon ang enerhiyang ilalabas ko? Hindi ko pa masasabi. Siguro, ang gusto ko na lamang muna ngayon ay lumikha ng sarili kong sentro de grabedad sa ligaw na sulok na ito ng internet.
Naks, ang drama. Basta, mamatay na laha ng nanunulak at naniniko sa MRT!
10.1.08
Matagal-tagal na rin
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 komento:
pasensya na rin sa natutulak at nasisiko ko ;p
Post a Comment