11.3.08

Ang Hirap Naman Maging Mayaman...



Ito ang isa sa pinakamagandang halimbawa ng malaking agwat sa teoretikal at aktwal.


MABUBUHAY KA SA P41.25 SA ISANG ARAW, AYON SA NATIONAL STATISTICAL COORDINATION BOARD
Alexander Martin Remollino

Sampung pisong pisbol ang kainin sa almusal.
Sampung pisong pisbol ang kainin sa tanghalian.
Sampung pisong pisbol ang kainin sa hapunan.
Sa halagang P30, lubos nang matutugunan
ang pangangailangang kumain
nang tatlong beses sa isang araw.

Para naman sa "panulak,"
mabibili sa sampung piso
ang pinakamaliit na bote ng mineral water.
Matutong magtipid at kakasya sa maghapon
ang 350 ml na tubig.

'Yang matitirang P1.25 ay huwag balewalain:
kapag nagmarakulyo ang sikmura
at ayaw kang patulugin pagdating ng gabi --
lamang-tiyan din 'yan,
lamang-tiyan din 'yan.

1 komento:

kwaderno said...

Nakakalungkot isipin na naging ganito na ang kalagayan ng mundo. Ano pa kaya ang pag-asa natin?

nahatak ng sentro de grabedad