Showing posts with label Salin. Show all posts
Showing posts with label Salin. Show all posts

2.9.08

Ukol sa Gutom at Buryong, Vaneigem*

"Down with a world in which the guarantee that we will not die of starvation has been purchased with the guarantee that we will die of boredom."
"Itatwa ang isang mundo na, kapalit ng katiyakang 'di tayo mamamatay sa gutom ang katiyakang mamamatay tayo sa buryong"
~ Sipi mula sa The Revolution Of Everyday Life ni Raoul Vaneigem

* para kay stray, na palagay ko'y tulad kong buryong na buryong na rin. tayo kaya tayong fight club, kapatid
** nagkamali ako sa imaheng nailapat. ito ang asa link. binago ko rin pala ang salin



imahe mula sa http://thenonist.com/index.php/thenonist/permalink/perverse_subversive_and_absurd/

30.8.08

Ukol sa Kritisismo, K. Marx

Ito ang aking pangalawang tangka, patnubayan nawa ni caca.

The weapon of criticism cannot, of course, replace criticism of the weapon, material force must be overthrown by material force; but theory also becomes a material force as soon as it has gripped the masses. Theory is capable of gripping the masses as soon as it demonstrates ad hominem, and it demonstrates ad hominem as soon as it becomes radical. To be radical is to grasp the root of the matter. But, for man, the root is man himself.

Totoong hindi kayang paltan ng sandata ng kritisismo ang kritisismo ng sandata, materyal na pwersa ang gagapi sa materyal na pwersa; ngunit ang teorya ay nagiging materyal na pwersa rin sa puntong pinanghawakan ito ng masa. Ang teorya ay may kakanyahang himukin ang masa kung ito'y may katangiang ad hominem, at ito'y magiging ad hominem lamang kung ito'y radikal. Ang pagiging radikal ay paggamay sa ugat ng tinutukoy. Ngunit, para sa tao, ang ugat sya mismo.

~ sipi mula Criticism Of the Hegelian Philosophy Of Right ni Karl Marx, 1844

imahe mula sa http://www.imagecows.com/uploads/cfac-swissminigun-a-super-tiny-gun-171007.jpg

20.8.08

Unang Tangka sa Pagsasalin*

"No human had ever seen an adult giant squid alive, and though they had eyes as big as apples to scope the dark of the ocean, theirs was a solitude so profound they might never encounter another of their tribe"
salin
Wala pang taong nakakita ng buhay na higanteng pusit, na bagama't ga-mansanas ang laki ng mata na ginagamit sa pagsipat sa madilim na karagatan, ang sa kanila'y malalim na pagkalumbay sa pangambang hindi na makakita ng ka-uri nila.

ang sipi'y mula sa nobelang Inheritance of Loss ni Kiran Desai

imahe mula sa http://squid.us/wp-content/uploads/calamari_fight.jpg

* para kay caca, na may utang sakin na salin ng tula. ingat ka dyan, kapatid

nahatak ng sentro de grabedad

My photo
Si E ay patuloy na nagtatangkang tapatan ang pinakamabangis na dance move ni Michael Jackson (mangyaring tingnan ang larawan sa profile). [He's bad, he's bad, you know it.]