shock and awe din pala ang epekto ng slumdog. para sa mga nabuhay sa relatibong mas kumportableng kundisyon, nakakagulat ang pagtalon sa tae, pag-ampon ng mga sindikato, at ma-tortyur. nakakagulat kasi wala/malayo sa ating suhetibong ideyal ang mga pangyayari. at ang ideyal at suhetibo ay madalas, kundi man ay karaniwang umiikot sa sarili, na may manaka-nakang pagkalabit mula sa labas, salamat sa midya, pero sa huli, tulad ng isang turumpo, ay babalik ulit sa ikot, hanggang sa tuluyan na nga itong mawalan ng momentum at matumba, tigok, patay.
maganda kasi bago itong ideya para sa mga hindi tumatalon sa tae para makapagpapirma ng litrato sa hinahangaang action star, na sa malamang ay isa nang senador, may ari ng isang, dalawang villa, yate, bukirin etc,. pero para sa mga jhamil, salim, at latika, ito ang normalidad ng mundo, ito ang modalidad, at ito ang takbo at siklo na nga ng isang slumdog. na sa totoo lang ay bihira, mas posible pa atang manalo sa jueteng (o kung anu man ang kapareha nito sa india) kesa maging millionaire nga.
inspirational nga sigurong maituturing ang pelikula, may aspetong kumikiliti sa imahenasyon ng nakapanood na, oo, pwede nga yung ganun, maari, posible, datapwat, kailangan lang magtiis, tiis, at tiis pa, hanggang sa maluto ang nilaga na bunga nga ng tiyaga. pero madalas sa minsan, ang pagtitiis ay nagbubunga lamang ng mas mahaba pang pagtitiis, hindi tulad sa pelikulang ang premyo ay 20,000,000 rupeya at sa pagbabanat ng buto para maging nilaga, minsan, madalas, posibleng, sa sobrang banat ay malagot.
10.3.09
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Mga Katha(ngahan)
-
▼
09
(49)
-
▼
3
(20)
- nakakamiss makipaggaguhan lang sa barkada. yung ti...
- "A flea, with legs finer than a human hair, can pu...
- right tulad ng isang right angle, na hindi pwedeng...
- Para sa kawawang walang maipapasak na musika sa te...
- Marso 13, 2008, ang selebrasyon ng aking kaburgisa...
- Zinn on Protest
- nang mauto ni andy si john at yoko
- ang miyerkules na ito ay tulad ng miyerkules nuon...
- shock and awe din pala ang epekto ng slumdog. para...
- Nakakapagtaka lang na tulad ng mga pelikulang kome...
- Alam mong may poblema sa kumpanyang pinagtratrabah...
- Kung paano hindi umorder ng malaking kape
- THE ONLY BUSH I TRUST IS MY OWN
- Patungkol sa Panganib ng Hinaharap
- Pagkamatay
- Ukol sa pag-ibig
- Mula sa isang bunga...
- Unang Pagsubok:
- APIYN
- Ang makina, hindi nagmimintis, hindi napapagod, pa...
-
▼
3
(20)
4 komento:
walang malalaga, kasi tamad din naman siya. hehehe
tingin ko nga bitin yung kasabihang yun eh. dapat, kung may tyaga, may nilagang saging, kamote, at kung anu pang pwedeng mailaga.
totoo, pagkain pa rin yang mga yan, pero mahalaga pa rin ang sustansyang dala ng karne (protina). hehe. in short, korni ang nilaga kung walang karne.
sa isang banda, masarap ang nilaga pag gutom na gutom ka na.
ibang klase ang naidudulot ng gutom sa isip ng tao. may ilang mga case studies at interviews ako dating nabasa. ang subject mga magsasaka sa Nueva Ecija. Sabi ng isang magsasaka: "Ayaw ko na ang bayad lang e palay din. Mahirap kasi ang walang pagkain, nagiiba ang isip ng tao pag walang pagkain."
sariling ani ang bayad sa kanila? mahirap nga naman na puro kanin, walang ulam.
meron din, sa piket ng mga minero sa benguet ata yun, sabi ng isa, "hungry people are angry people." totoo siguro 'to. bukod sa physiological, may sikolohikal na aspetong sigurong nagsasabing wala nang mawawala sa matagal nang wala.
Post a Comment