11.2.09

bigla ko lang naisip, ang boring palang gawin pelikula ng buhay ko. siguro di pa lalagpas sa sampung location ang kelangan kunan. tapos yung kwento, baka mapagkamalang indie, kasi boring. pa-artsy kunwa, pero baka nga naman artsy.

hindi pa rin eh.

kelangan gawing interesante ang buhay para di mahirapan ang magiging biographer ko. ang hirap kaya mag-imbento. yung mga di boring ang buhay hirap na ang biographer na pabanguhin at i-posturang santo ang subject, yung boring pa kaya, pero pwede siguro 30 minutes na long short (o ha, imbentuhan lang pala eh, kaya ko rin yan mga teng!) o kaya kalahating pulgada lang laman ng libro.

eh kung magtulak kaya ako? (di pwede, bawal, tsaka ayaw ko makasira ng buhay ng iba) o kaya mangidnap? (ito pwede, pwedeng for hire, pwede ring mala-jigsaw, poblema di ako engineer) o kaya magtayo ng kulto? (mahirap to, pero mas interesante, plan b siguro dito ay i-penetrate ang isang existing na)

sabi ko nga, boring ang miyerkules.

~

masarap din pala kausapin ang sarili, pero wag lang madalas. mahirap. kaya sa susunod na pagkikita, sarili.

0 komento:

nahatak ng sentro de grabedad